94

28 4 0
                                    

****

"Hindi ako sasama." Matigas nyang tutol. Alam ni Matteo sa sarili na sa mga oras na ito ay walang makakapilit sakanya, ano pa man ang dahilan.

"I'm not asking for your permission."

Kung sa patigasan ng loob, dito sya nagmana. Kaya kung hindi nito mababali ang desisyon nya, ginagawa nya palang iyon ay matagal nang nakasemento ang desisyon nitong isama sya.

"Dito ako nag aaral, ma."

Bumaba ito sa hagdan, binuksan ang isang maleta at kampanteng ipinasok doon ang mga hawak na damit. "First year college ka palang o kahit fourth year ka pa, kayang kaya kitang ilipat ng school. Maganda sa Australia ang school system, hindi gaya dito na masyadong mataas ang pressure ng mga estudyante."

Pinagmasdan nya ang kilos nito. Kalmado ito kumpara sa inaasahan nyang kumprontasyon. 

"Bakit mo ako isasama? Dahil ba sa nalaman mo? Dahil lalaki ang-"

"Don't even try to say it." Mariin nitong putol sakanya. "I don't want to talk about it. What I'm telling you to do, is to pack your things so we can leave now!" Marahas nitong lingon sakanya.

"Pero hindi nyo ako pwedeng alisin dito nang ganon lang, ma!"

Tumayo ito, "You're experiencing identity crisis right now, Matteo! Yun ay dahil wala kang nakakausap dito maliban sa papa mo, kaya kung anu-ano ang naiisip mong gawin!"

Hindi makapaniwalang tiningnan nya ito.
"Identity crisis? Yun ba ang tingin nyo sa nangyayari sakin?" Hindi ito sumagot at nag iwas ng tingin. "Hindi, ma." Iling nya. "Ganito na talaga ako, hindi na yun mababago kahit saan mo pa ako dalhin!"

"Matteo." Saway ng papa nya. Mababa ang tono ng boses nito pero maawtoridad. "You don't talk to your mother like that."

Napatingin sya dito.
Kahit istrikto ang papa nya, hindi ito kumukontra sa mga desisyon ng mama nya kahit noon pa. Kahit nang mag desisyon ang huli na umalis ng bansa.

"Paano si Papa, Ma? Iiwan ko sya? Kasama mo na ang kapatid ko 'dun, tapos gusto nyo pa akong isama?" Alam nya na puro pagdadahilan lang ang sinasabi nya dahil ayaw nyang sumama pero kung may mahahanap pa syang dahilan, hindi sya magdadalawang isip na sabihin iyon 'wag lang syang isama nito.

"Kaya ng papa mo na mabuhay mag isa."

Kumunot ang noo nya at agad na napatingin sa papa nya. Kahit hindi ito nakatingin sakanya nang diretso ay nakita nya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito dahil sa sinabi ng mama nya.
Kahit sya ay naramdaman iyon dahil hindi nya iyon inaasahang marinig dito.

Matagal din na nagsama ang mga ito, kaya paanong ang kinalakhan nyang masayang pagsasama ay nauwi sa ganito? Na para bang napakadali nalang magsalita ng ikakasakit ng isa.

Matagal silang nabingi ng katahimikan na para bang doon palang nila unti-unting naramdaman ang bigat ng mga salitang iyon.

Bumuntong hininga ang mama nya, nakapikit habang hinihimas ang sentido, "Matteo, you being gay is not a big deal to me. I'm your mother, of course I understand, just give me time. But you..having a relationship with that kid.." Tumigil ito at mariing itinikom ang bibig. "..is like disrespecting your own mother! Anong gusto mong itrato ko sa anak ng isang convicted criminal? Gusto mo ba na itrato ko sya bilang anak?"

Hindi sya nakaimik.
Alam nya kung ano ang ipinu-punto nito pero hindi nya magawang sumagot dahil alam nya rin na maaaring nasaktan ito sa ginawa nya.
Ilang beses sya nitong pinakiusapan na 'wag makikipag kaibigan kay Shao o sa kahit sino sa pamilya nito.

"I sent her mother to jail, Matteo. Because she's a criminal. Do you hear me? A criminal!"

Mariing nyang kinagat ang gilid ng bibig para pigilan ang sariling sumagot.
Simula nang maging malapit sila ni Shao, kapag nakakarinig sya ng ganon mula sa mga tao, hindi nya maiwasang masaktan para dito, kahit galing pa yun sa mama nya.

"Hindi mo lang sya kinaibigan, you even have that kind of relationship with him! Gusto mo bang pagtawanan tayo ng mga tao? Ang mapalapit ka palang sakanya ay nakakahiya na, bakit ka pa nakipag relasyon! The son of a lawyer and the son of a criminal, how does that sound to you?" Nanatili syang tahimik. Habang tumatagal ay nawawalan na rin sya ng ganang makinig dahil habang tumatagal ay napupunta na kay Shao ang sinasabi nito. "Does that sound like you're in a romantic movie? Where you can have a happy ending together? Matteo, that kid and you, is not suitable for each other.. You must listen to me. Galing sya sa masamang ina. Kahit bali-baliktarin natin ang mundo, hindi magbubunga ng mabuti ang masama-"

"Tama na, ma!" Mariin nyang singhal. Bahagya pang nanginig ang boses nya na ikinalingon ng papa nya. "Mabuting tao si Shao. Kahit kailan hindi nya ako ginawan ng masama kahit pa meron syang dahilan para gawin yun!" Kumuyom ang kamay nya at hindi nya alam kung bakit bigla syang nakaramdam ng awa kay Shao. "Pinakulong mo ang mommy nya, nawalan sya ng nanay!" Malungkot syang napangiti. "Oo, ma. Magaling kang abogado at kriminal si Mrs. Del Ocampo, pero hindi nyo ba naisip na may nawalan ng ina sa ginawa nyo? Ma, si Shao, naging mabuti sya sakin kahit pwede namang hindi! Kahit na sa araw araw na magkasama kami maaaring naaalala nya na nanay ko ang dahilan kung bakit nagkaletse-letse ang buhay nya! Alam mo ba kung paano sya tinuring ng daddy nya? Ng kapatid nya? Kahit ako hindi ko sya matingnan kapag nakikita syang malungkot, ma! Tapos ngayon.." Tuluyang nabasag ang boses nya. "..tapos ngayon isasama nyo ako para ano? Dahil ayaw nyo lang mapahiya?"

Ni minsan ay hindi sya naging emosyonal sa harap ng mga magulang nya. Ni minsan ay hindi sya nakitang umiyak ng mga ito, kaya hindi sya nagtaka na makita ang gulat sa mukha ng mama nya habang nakatingin sakanya.

"Ma, kung hindi nyo ako pakikinggan ngayon.." Yumuko sya at kinuha ang bag nyang alam nya na puno na ng mga damit nya. "..bibigyan ko kayo ng panahon na maintindihan ako, hanggat sa handa na kayong pakinggan ako.."

Dahan dahang nanlaki ang mga mata nito nang maintindihan ang balak nyang gawin.
"No, you're not leaving.." Usal nito.

"I'm sorry." Aniyang may sinseridad sa boses. Sinulyapan nya ang papa nya na nanatiling nakatingin sakanya. Nang hindi ito magsalita ay pumihit sya at tinungo ang pinto.

Nang makalabas ng gate ay agad syang sinalubong ni Shao.

"Matteo-" Hindi na ito nagtanong pa nang mahigpit nya itong niyakap. Ilang sandali rin sila sa ganong posisyon bago ito nagsalita. "Saan mo gustong pumunta?" Masuyo nitong tanong. Dahan dahan itong lumayo sakanya at pinunasan ang basa sa pisngi nya bago iyon halikan. Gaya nya ay puno rin ng emosyon ang mga mata nito.

"Kahit saan." Sagot nya.

*****

TACHYCARDIA ( Book 2 & 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon