𝗠𝗔𝗧𝗧𝗘𝗢 𝗣𝗢𝗩 ~
****
"Akala ko ba pupunta si Shao?" Tanong kay Matteo ni Cassidy nang magkita sila sa gate ng St. Vinci.
"Hindi ko pa sya ma-contact kasi nakalimutan nya ang cellphone nya sa bahay. Kahapon ang usapan namin na magkikita dito pero hindi sya pumunta. Dinaanan ko yung cafe na pagtatrabahuhan nya pero nakasarado naman."
Nang umuwi ito nang umagang iyon, nakita nya ang cellphone nito sa kama nya kaya alam nya na hindi ito matatawagan.
Cassidy, "Bat di natin puntahan ulit sa café?"
"Sige, pero tingnan muna natin ang result ng exam bago tayo umalis."
Maliban sakanilang tatlo, si Xerxes lang ang hindi nag exam at sinabing next year pa ito mag-eenroll dahil sa trabaho nito sa bar.
"Matt, nakapasa ka." Sabi ni Cassidy nang marating nila ang bulletin board na malapit sa entrance kung saan naka paskil ang listahan ng mga exam passers. ", at ako rin." Sabi nito na parang nakahinga nang maluwag.
Tinapik nya ito sa balikat, "Tara na. Pumunta na tayo sa café."
Ngumisi ito, "Sabi ko nakapasa ka sa exam." Ulit nito na hinihintay ang reaction nya.
"Kakasabi mo lang." Aniyang ikinatawa nito nang mahina.
"Mas gusto mong puntahan si Shao kesa malaman ang result?"
Tumikhim sya. "Pwede namang i-take sa ibang school kung hindi ako pumasa."
"Pero ang pagpunta kay Shao?"
Nag iwas sya ng tingin at nauna nang naglakad, "Yun ang dapat nating unahin."
Natawa ito, "Manginginig sa saya si Shao kung maririnig nya yan."
***
"Kahapon pa yan nakasarado. Nagbubukas lang naman sila kapag trip nilang bumukas." Sagot ng isang ka edad nilang tricycle driver nang magtanong sila kung anong oras nagbubukas ang café.
Cassidy "Kung kailan lang gusto?"
Tumango ang lalaki, "Oo. Pero ang sarap ng pagkain kaya inaabangan ng mga customer." Nguso nito sa ilang estudyanteng nakaupo sa bench.
"Ganon ba? Tingin mo magbubukas sila ngayon?" Tanong ni Cassidy.
Kumunot ang noo nito, "Bakit ba? Bibili ba kayo ng pagkain o mga pulis kayo? Dami nyong tanong. " Maangas nitong sabi na parang naiinis na sa kakatanong nila
"Hindi. May hinahanap lang kami."
"Sino?"
Cassidy, "Yung kaibigan namin. Bagong empleyado dyan sa cafe."
Tahimik na tiningnan nya lang ang café. Wala kahit anong senyales na magbubukas iyon.
"Nung isang araw may ambulansya dyan. May dinala ata sa ospital kaya hindi nagbukas." Sabat ng mas matandang driver.
Marahas syang napabaling sa mga ito, "Ambulansya? Ano daw po ang nangyari?" May pag aalalang tanong nya.
"Wala kaming alam eh. Nung araw kasi na yun, hindi namigay dito ng merienda yung magkapatid kaya 'di namin natanong."
Nagkatinginan sila ni Cassidy.
"Saang ospital po ba?""Aba eh, isang ospital lang naman ang malapit dito. Malamang na doon dinala."
Pareho ang nasa isip na sumakay sila sa isa sa mga tricycle at nagpahatid sa pinakamalapit na hospital. Kung wala si Shao sa café at may na-ospital sa mga kasama nito, malamang na nandoon rin ito.
"Hindi natin sigurado, Matt. Pwede kasi na umuwi sya sakanila." Ani Cassidy.
"Hindi 'yun uuwi sakanila." Puno ng kasiguraduhan nyang sabi. "Kung umuwi sya, hihiram yun ng cellphone kay Naica para matawagan ako."
"Pano kung sya ang na-ospital?" Bigla nitong sabi pero agad rin na napadaing nang malakas nya itong suntukin sa lapi.
"Pano kung IKAW ang ma-ospital?"
Mabilis nitong itinikom ang bibig at tumahimik hanggang sa marating nila ang hospital.
****
BINABASA MO ANG
TACHYCARDIA ( Book 2 & 3 )
RomansaWhen the heart is in trouble..but the heartbeat remains.