𝗛𝗼𝗽𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘀𝗽𝗮𝗶𝗿 ~
**
"Nakausap mo na si Tito?" Tanong ni Cassidy kay Shao habang nasa tabi sila ng bonfire. Gabi na at naliligo ang iba sa dagat, habang ang iba pa ay nagluluto ng barbecue sa di kalayuan kasama si Matteo.
"Hindi pa." Sagot nya. Hawak nya ang isang gitara na hiniram nya mula sa isang kaklase at kinakalabit ang string na wala sa tono.
"Sa Oblivion may bakante, pwede ka dun." Sabat ni Xerxes at naupo sa buhangin, katabi nila.
Tumigil sya sa paglaro sa string at niyakap ang gitara, may gusto syang tugtugin pero hindi nya maalala ang chords.
Cassidy, "Wag mo ngang minamalas si Shao. Hindi pa naman sigurado kung hindi talaga sya mag eenroll."
Umayos sya ng upo nang maalala ang unang nota.
"G.."
Xerxes, "Binibigyan ko lang sya ng second choice. Mabait ang boss ko sa bar, sanayan lang sa puyat."
Choice..
Kailan ba dapat gumawa ng pagpipilian ang isang nineteen years old at highschool graduate na gaya nya?"A.."
Kapag ba wala nang binigay na pagpipilian ang mga taong nasa paligid nya? O kapag naramdaman nya nang wala na silang pakialam?
"D.."
Inalis nya ang pansin sa dalawa at nagsimulang tumugtog nang mahina. Malamig na ang hangin at papunta sa direskyon nila kaya amoy na amoy nya ang usok ng barbecue.
Cassidy, "Hindi sanay si Shao magtrabaho."
Xerxes, "Kaya nga sasanayin!"
Cassidy, "'Bat mo sasanayin eh mag aaral yan?"Napangiti sya. Parang mommy at daddy nya kung mag away ang dalawa. Ang isa ay gusto syang magtrabaho, habang ang isa ay gusto syang mag aral.
"Can't seem to shake this voices in my head.." Tumigil sya at inalala ang sunod na lyrics habang hinahanap ng mga mata si Matteo. "They just..." Huminto iyon sa pamilyar na matangkad na bulto na nasa harapan ng barbecue grill, kunot noo habang binabaliktad ang mga iniihaw at abala sa pag-paypay,
"...remind of the things she said..She said 'Baby, I'm sorry, you're just not the one I need..""Shao!" Ngumiti sya nang parang naramdaman nito ang titig nya kaya napalingon ito sakanya at proud na inangat ang dalawang barbecue sticks. Kanina ay namomroblema ito kung paano mag iihaw sa uling dahil hindi ito marunong magsiga. Matapos nya itong turuan ay pinaalis sya nito at sinabing ito na ang bahala.
"I looked around for someone else to save me..." May pahalang na kagat na barbecue sa bibig, tig-dalawa pang sticks sa magkabilang kamay, naglakad si Matteo papunta sakanya. "..and all it did was drive me f*cking crazy, but I think I found someone who I can rely upon.."
Nang makita syang kumakanta, sandali itong tumigil at nakangiting pinanuod sya.
"...and now I finally feel like smiling..
Because you gave me a life worth trying
I should have known it all along..""With you it's never hard to breath in,
I'm high on the way I'm feeling,
I'm addicted to you, don't wanna love nobody else.."Matapos pumalakpak gamit ang mga kamay na nakakuyom dahil sa mga barbecue na hawak, paharap itong naupo sa tabi nya at inilapit sakanya ang bibig. Natatawa syang tumigil sa pagtipa sa gitara at agad naintindihan ang ibig nitong sabihin. Gamit ang bibig, kinuha nya ang barbecue na kagat nito at agad pinunasan ang bibig ni Matteo na nadikitan ng sauce.
Xerxes, "Pinakyaw ni Matteo yung barbecue.."
Cassidy, "Kumuha lang sya ng marami para makagat nya yung isa."
Xerxes, "Pwede nya naman hawakan ah?"
Cassidy, "Kaya wala kang syota. Ang slow mo. Wala kang saya. Walang thrill. Ang boring boring mo."
Xerxes, "May sama ka ba ng loob sakin, Cassidy? Kanina ka pa?"
BINABASA MO ANG
TACHYCARDIA ( Book 2 & 3 )
RomanceWhen the heart is in trouble..but the heartbeat remains.