77

32 5 0
                                    

𝗪𝗼𝗿𝘁𝗵 𝘁𝗵𝗲 𝗽𝗮𝗶𝗻 ~

***

Sa kalagitnaan ng gabi, hindi pa rin dinadalaw ng antok si Shao. Hindi sya mapakali. Tatagilid ng higa, uupo nang ilang minuto, mahihiga, hanggang sa abutan sya ng ala una ng gabi at sipain ni Colt ang higaan nya mula sa ibaba.

"Hindi ka ba matutulog?" Inaantok nitong tanong. "May problema ka ba? We can talk. Nag away kayo nung kasama mo kanina? Lover's quarrel o break up?"

Sinipa nya pabalik ang higaan na sinagot nito ng pagtawa. Tumalon sya sa ibaba at nagsuot ng sapatos.

Hindi rin naman sya makakatulog dahil hindi mawala si Matteo sa isip nya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Colt.

"Lalabas." Walang gana nyang sagot.

"Okay." Tumalikod ito at nagtalukbong ng kumot.

Madilim sa labas ng staff room at tanging LED lights lang mula sa labas ng cafe ang nagbibigay ng liwanag. Hindi nya alam kung saan natutulog si Felix dahil hindi nya iyon naitanong pero walang ibang tao sa labas kaya siguro ay umuuwi ito.

Dumaan sya sa fire exit sa kitchen at nakitang wala nang sasakyan na dumadaan. Alas na pero wala pang mga taong dumadaan.

Napaupo sya sandali at nag isip kung paano nya mararating ang bahay ni Matteo na hindi pa inaabutan ng umaga.
Hindi nito sinasagot ang mga tawag nya simula kanina nang mag text ito nang makauwi na. Kung malapit sana sya, kanina nya pa ito nasuyo.

Nalukot ang mukha nya at ginulo ang buhok.

"Wala nang dadaang sasakyan." Napapitlag sya nang biglang sumulpot sa likod nya si Felix. "Alas tres pa." Nakasuot pa ito ng pantulog at kinukusot ang mga mata.

Napamaang sya at tumayo, "Saan...ka galing?" Pagtataka nya dahil wala namang ibang kwarto sa cafe maliban sa staff room.

Itinuro nito ang counter, "Sa ibaba." Sinilip nya iyon at nakita ang kasing kapal na foam na nasa double deck at maraming unan. "Akala ko may nakapasok kaya nagising ako."

Bigla syang nakaramdam ng hiya. Kung ganon ay hindi lang si Colt ang naistorbo nya ang tulog

Nag iwas sya ng tingin, "Sorry. Hindi kasi ako makatulog."

"May pupuntahan ka?"

Nahihiya syang tumango. Hindi nya alam kung bakit mas nahihiya sya dito kesa kay Colt. "Meron sana kaya lang-" Bumaling sya sa kalsada. "Wala nang masasakyan." Aniyang hindi naitago ang panghihinayang sa boses.

Paano nalang kung hindi nya makita si Matteo bukas? At hindi pa rin ito sumagot sa mga tawag at text nya?
Kung alam nya lang na ganito ang mangyayari sa paghanap nya ng trabaho, sana pala ay hindi nya nalang ginawa..

Dapat ay nakiusap nalang sya sa daddy nya na pag aralin sya o kaya naman tinanggap ang inalok nitong tulong na trabaho, siguradong malapit lang iyon kay Matteo at hindi sila magkakaroon ng problema..

"Oh-" Napatingin sya kay Felix at mabilis na sinalo ang hinagis nito.

Susi.

"May garahe sa gilid ng shop. Open it. Color red. And-" Itinuro nito sakanya ang hintuturo, ", don't forget to wear the helmet."

Bigla syang naguluhan, "Color red?" Hindi na sya nakapagtanong nang tumalikod na ito at isara ang pinto.

Kumunot ang noo nya.
Susi ng motor. Hindi lang basta motor.

Nang makuha ang ibig nitong sabihin, mabilis pa sa alas kwatrong tinakbo nya ang sinasabi nitong garahe at nakita ang dalawang Kawasaki Ninja H2. Sandali pang napaawng ang bibig nya sa gara ng dalawang motor sa harapan nya, isang green at red.

TACHYCARDIA ( Book 2 & 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon