The bitter pill that I forced myself to swallow
*********
"Tapos sinabi ko sakanya, hindi kami pwede."
"Alam ko kung bakit. Kasi pareho kayong botomesa."
Natatawang tumingin kay Shao si Matteo dahil sa sinabi ni Portia kay Colt.
Colt, "Hoy, Portia. Baka hindi mo alam. Hindi ko pa kahit kailan naranasan ang maglinis ng tubo!"
Inabot nya ang beer sa buhangin at umisang lagok. "Si Matteo, naranasan na." Mahina nyang bulong sa huli. Pabirong sinamaan sya nito ng tingin at siniko sa tiyan. Nakapwesto ito sa pagitan ng mga hita nya kaya malaya nya itong nayayakap mula sa likod.
Muli syang lumagok ng beer.
Kanina pa sya umiinom, pero hindi nya malasahan ang pait ng mga nainom nyang alak.Idinikit nya ang dibdib sa likod ni Matteo at dinama ang init nito, isiniksik sa leeg nito ang mukha nya pagkatapos ay ipinikit ang mga mata.
Gusto nyang maisaulo ng ilong nya ang amoy nito. Ang kaunting amoy ng pabango, ng alak, pawis at ng matamis na amoy na gaya ng vanilla syrup na madalas nyang nilalagay sa kape ng coffee shop.
"Shao."
Dati ay malaya nya lang namang naaamoy si Matteo, nahahawakan, nakakasama, kaya bakit kailangan yun ipagdamot sakanya ngayon?
Bakit kailangan itong ilayo sakanya?
Bakit kailangang putulin ang masayang meron sila?
Wala naman syang ginawang masama..
Wala naman silang ginagawang masama..
Kaya bakit ang kaisa-isang taong hiniling nya na 'wag mawala...yun pa ang ilalayo sakanya?
Idiniin nya ang ilong sa leeg nito at wala sa sariling hinigpitan ang pagkakayakap kay Matteo.
Paano ba sya magsisimula..na wala ito sa tabi nya?
Paano ba magsimula na hindi ito kasama?
Paano na ba sya pag wala na ito sakanya?
"Shao."
Mapait syang natawa.
Hindi nya alam kung ano ang unang gagawin..
Dahil ngayon palang ay para bang naputol na ang kakayahan nyang isipin ang mga pwede pang mangyari sakanya..
Bakit kasi hindi nya kayang pigilan ang oras...at ang pagkawala nito sakanya?
Bakit ba wala syang magawa..
Bakit ngayon pa sya walang magawa?
"SHAOLIN."
Mula sa pagkakasiksik kay Matteo, mapungay ang mga matang nag angat sya ng ulo nang marinig ang boses nito.
Niluwagan nya ang pagkakayakap dito at sinilip ang mukha nito, "Bakit po?"
Mataman sya nitong tinitigan habang kunot ang noo bago hinimas ang leeg na noon nya lang napansin na namumula.
Siguro ay dahil sa diin ng pagkakasiksik nya dito kanina.
Inalis nya ang kamay nito at mabilis yun dinampian ng halik.
"Nasaktan ba kita, Matt? Sorry po.." Malat ang boses pero malambing nyang sabi.
Natigilan ito at dahan dahang inangat ang kamay papunta sa pisngi nya. "Bakit ka umiiyak?"
Sya naman ang natigilan bago bumitaw dito at pinunasan ang mga mata gamit ang likod ng palad. "A-ah..sorry po.." Mahina nyang sabi saka suminghot at tumikhim.
Pumihit ito paharap sakanya at ikinulong ang mukha nya sa dalawang kamay. Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. "May masakit ba sayo, Shao?" Masuyo nitong tanong.
Mabilis syang umiling at pilit na ngumiti kahit dama nya ang patuloy na pagdaloy ng mga luha sa pisngi nya.
Nabahiran ng pag aalala ang mukha ni Matteo, "Ano yun? Ha?" Pinunasan nito ang pisngi nya.
"Wala.." Muli nyang iling na may kasama nang paghikbi at garalgal ng boses. Yumuko sya at mahigpit na hinawakan ang kamay nito. "Lasing lang siguro ako.."
Imbes na magtanong ulit, mabilis sya nitong kinabig at niyakap nang mahigpit. "Tahan na.."
Mariin nyang ipinikit ang mga mata at mahigpit na kumapit sa damit nito, ibinaon ang mukha sa balikat nito at lumakas ang paghikbi. Parang ulan na bumubuhos ang emosyon nya na ayaw nyang pigilan kasi masakit..
Ang sakit sakit..
Hinawakan nya si Matteo sa likod ng ulo at ilang ulit na lumanghap ng hangin bago hirap na nagsalita sa pagitan ng pag iyak,
"Kahit anong mangyari...mahal kita..'wag mo sanang kakalimutan yun, Matt.."
********
( To Be Continued )
BINABASA MO ANG
TACHYCARDIA ( Book 2 & 3 )
RomanceWhen the heart is in trouble..but the heartbeat remains.