102

27 4 0
                                    

*******

Sa balcony ng second floor ay pareho silang nakadungaw ni Mr. Fonecier matapos nilang mag usap at ayain sya nito ng sigarilyo.

"Colton mentioned that you're smoking so I brought some." Abot nito sakanya ng isang stick ng Malboro Red. "Sabi nya yan daw ang lagi mong ginagamit."

Mahina syang natawa habang nakatingin sa stick sa kamay nya dahil hindi naman iyon ang ginagamit nya. "Akala ko..pagbabawalan nyo ako.."

Natawa rin ito at kinumpas ang kamay, "It's too late for that. When someone is already an adult, hindi na magulang ang makakapigil sakanya na gawin ang isang bagay. Sarili nya na. Alam mo na ang tama at mali. Yan ang lagi kong sinasabi sa mga kapatid mo. May mga sarili na kayong desisyon, wala na akong kailangang gawin kundi ang sumuporta nalang at yumakap kung sakali man na mali ang kinalabasan ng ginawa ninyo.."

Napangiti sya at sandaling nagdalawang isip bago sinindihan ang sigarilyo.

"Tell me about him." Napatingin sya dito. "Matteo. Tell me about him." Sensyas nito sa ibaba.

Sa beach ay nandoon si Matteo kalaro si Colt at Felix ng frisbee habang si Portia ay nagsa-sunbathing sa gilid.

Tumikhim sya at sandaling sinundan ang bawat galaw ni Matteo. Suot pa rin nito ang summer shorts na suot nito kanina pero ngayon ay basa na ito ng pawis. Medyo tan na rin ang kulay ng balat at kumikintab ang dibdib sa init ng araw. Magulo ang buhok dahil sa paroo't paritong pagtakbo, pero nakangiti na, na kasing tingkad din ng sinag ng araw.

"Kaklase ko sya simula highschool.." Simula nya. "Noong una, hindi kami magkaibigan. Pero bigla nalang na nakikitulog na ako sa bahay nila..nang hindi dumadaan sa pinto." Natawa sya. Binato ni Felix ang disc at nag unahan si Matteo at Colt sa paghabol doon. "Walang alam si dad-" Natigil sya sandali at tumikhim bago lumingon kay Mr  Fonecier, "- si Mr. Del Ocampo sa relasyon namin. Kasi alam ko na hindi nya ako maiintindihan.."

Hindi ito sumagot, tinapik lang sya sa balikat na may pag uudyok sa mga mata.

"Mabait si Matt. Lagi nya akong iniintindi. Palagi. Kahit hindi ko na maintindihan ang nangyayari.." Marahan syang natawa at nawala sa focus ang isip, "...pero hindi kami..hindi kami tanggap ng mama nya...nag away sila..hindi ko...hindi ko alam na pipiliin nyang umalis at sumama sakin pero....pero masaya ako sa ginawa nya.."

Inalis nya ang tingin kay Matteo at mariing itinikom ang bibig. Pinitik nya ang abo sa sigarilyo bago malalim na humithit.

Masaya pero alam nyang may mali.

Kasabay ng pagbuga nya ng usok ay ang pagbuntong hininga ni Mr. Fonecier.

Ilang sandali rin silang binalot ng katahimikan.
Parehong nag iisip ng susunod na sasabihin.
Ang isa ay iniisip ang magiging reaksyon ng isa sa mga nasabi nya, habang ang isa ay nag iisip kung paano pagagaanin ang sitwasyon.

Nang maubos ang parehong sigarilyo, saka lang uli nagsalita si Mr. Fonecier.

"Alam ko ang ganyang pakiramdam. Masaya at masarap. Noong ka edad mo ako, marami rin akong desisyon na kapag iniisip ko ngayon, masaya ako kasi ginawa ko." Itinaktak nito ang box ng sigarilyo at muli syang inabutan.

"Pero alam mo ba kung ano ang na realized ko? Iba mag isip ang bata sa matanda. Noon, akala ko okay na ako sa mga bagay na meron ako. Akala ko masaya na ako na araw araw nakikita ang nobya ko na kalaunan ay naging asawa ko rin. Sakanya kasi umikot ang mundo ko noon. Alam mo, madaling umikot ang mundo natin sa isang bagay lalo na kung napapasaya tayo nito..Sa babae, lalaki, kotse, bisyo, pera.."

"Akala ko noon, iyon lang ang mahalaga. Ang masaya lang ako."

"Pero naisip ko, sa mundo ko, dalawa kami. Hindi lang ako ang nandoon, kundi sya rin. Hindi pwedeng puro lang ako ang iniisip ko.."

Hindi sinasadyang nadiinan nya sa hawak ang sigarilyo kaya naputol iyon sa gitna.

Tama. Sa mundong ginawa nila ni Matteo, hindi lang sya ang nandoon..

Alam nyang pareho silang masaya..pero yun ba talaga ang nararamdaman ni Matteo?
Kahit minsan ay hindi nya tinanong, sapat na sakanya ang nakikitang nakangiti ito kapag kasama sya, sapat nang naririnig nya ang tawa nito, ang nakikita ang kakuntentuhan sa mga mata nito.

Pero nang malayó ito sa mga magulang nito, gaya pa rin kaya nang dati ang saya na nararamdaman nito kahit na...magkasama sila?

"Shao, I'm not against your relationship with him. I will never be. Dati ay nagpakilala na rin saakin si Colton ng lalaki. Nagulat ako pero tinanong ko lang sya kung sigurado na ba sya sa relasyong pinasok nya, and he said, he's still confused but he like the guy. So, I didn't do anything aside from waiting for the time when he's not confused anymore. Ilang buwan lang, babae na uli ang pinakilala nya."

Tumingin sya dito.
Ang mukha nito, ay larawan ng isang mabuting ama. Kung may hihingin ito sakanya ngayon, gaya ng itigil nya ang relasyon nila ni Matteo, kaya nya kaya itong sundin?

"Shao, hindi kita tatanungin ng kaparehong tanong. Wala akong karapatan. I wasn't there when you needed me. I wasn't there when you were still confused about yourself."

"Gusto lang kitang tanungin kung ano ba ang gusto mong gawin sa buhay. Kung sasabihin mo ngayon na gusto mo nang mag trabaho, then be it. I will give you something to do. Kung sasabihin mong gusto mo nang magpamilya kasama si Matteo, go ahead. I will support you."

Pero ano? Alam nyang may 'pero' na kasunod ang sasabihin nito. At alam nya rin na doon nya maririnig ang totoong rason kung bakit sya nito kinakausap.

"But how about Matteo? Tinanong mo na ba sya kung ano ang gusto nya? Kung ano ang naiisip nyang gawin sa mga susunod pang araw?"

Lumamlam ang mga mata nya.

"Think about it and then call me. I won't meddle to your decision. It's your life, it's your happiness.."

Mahigpit sya nitong hinawakan sa balikat.

"Do what your heart desires, son."

*******

TACHYCARDIA ( Book 2 & 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon