88

30 4 0
                                    

Present day..| 𝗧𝗵𝗲 𝗙𝗼𝗻𝗲𝗰𝗶𝗲𝗿𝘀

******

"My son..."

Nag baba sya ng tingin dahil nang sabihin nito iyon ay sakanya ito nakatingin.

"Daddy."

Nang mag angat sya ng ulo ay nasa harapan nya na ang likod ni Colt.

"Colt." Sabi ni Mr. Fonecier. "Why are you blocking me? Move aside or you want me to kick your ass?"

"Haha Dad, blocking you from what? Come on, come on."

Iginiya nito ang lalaki papunta sa mga mesa.

Napamaang sya.
Dad?

Napatingin sya kay Felix na paalis sa counter.
"Dad, why don't you take a seat first?" Sabi nito pagkalapit. "Pwede ka rin mag order kung gusto mo."

Kanina ay iniisip nya pa kung bakit ito pamilyar pero ngayon ay malinaw na sakanya kung bakit..

"What can you offer? Do you even know how to cook?"

Yun ay dahil kamukhang kamukha ito ni Felix..

Sandali syang namangha sa nalaman bago marahang natawa.
Habang tumatagal, lalo syang nasusurpresa sa pinasukan nya.

Kaya siguro napakadali lang rin sa mga ito na magbigay ng scholarship at mag paaral sa malaking school. Siguradong barya lang iyon kung ikukumpara sa kung ano ang meron ang mga ito.

Dati nang mayaman ang mga Fonecier sa Pampanga. Ex-congressman si Dindo Fonecier kaya lang ay nag resign ito nang masangkot sa isang pork barrel scam, pero hindi nahanapan ng ebidensya kaya naabswelto rin. Habang ang tatay nito ay ang kasalukuyang Congressman. Pamilya ng mga politiko, hindi nya sigurado kung pati si Colt at Felix ay ganon rin.

Colt, "Daddy! Bakit sinama nyo yan?!"

"Where is he?" Tanong ng isang malalim na boses ng babae. Nang pasimple nyang silipin, bahagyang nanlaki ang mga mata nya nang makita ang nakakatakot na mukha ng nag mamay-ari nun. Hindi dahil pangit iyon, pero dahil napakatalim ng mga mata nito. Aristokrata ang mukha at nakataas ang noo habang naglalakad. Mukha itong runway model.

"Also, you, Portia. Sit down." Ani Felix.
Nang marinig ang boses ng huli, agad na lumambot ang ekspresyon ng mukha ng tinawag nitong Portia. "Okay." Agad itong sumunod sa sinabi ni Felix at umupo sa katabi nitong mesa, "On the chair, Portia." Dagdag ni Felix.

Nakaramdam sya ng pagkaaliw.
Mukhang kay Colt lang din ito hindi takot.

Tumalikod sya at naglakad papunta sa likod ng counter. Hindi pa sya expert sa pag gawa ng kape pero nang huli nyang subukan, nagustuhan iyon ni Felix.

Kinuha nya ang coffee beans at inilagay sa grinder. Bago ibuhos, inamoy nya muna iyon at sandaling napapikit dahil sa natural na amoy ng magkahalong pait at tamis.

Napangiti sya.
Siguradong magugustuhan ito ni Matteo. Hindi ito mahilig uminom ng kape pero gustong gusto nito ang amoy ng coffee shop.

Kinuha nya ang cellphone, kinunan iyon ng litrato at isinend kay Matteo.

"Ikaw ba ang nagluto nito?"

Napatingin sya sa VIP.
Tinatanong nito si Colt sa mga pagkaing nasa harapan nito.

"Of course. Who else?" Mayabang na sagot ni Colt.

Palihim syang napaingos dahil si Felix ang nagluto ng lahat ng iyon.

Portia, "Hindi yan pagkain kung ganon. Pagkaing baboy yan."

Colt, "Daddy, look at her. Sabihin nyong hindi ko yan kapatid ngayon, itatakwil ko yan agad!"

Portia, "At sinong may sabing kapatid kita, Colton? Napulot ka lang naman ni Daddy sa kural ng baboy!"

Natawa sya nang mabalot ng sama ng loob ang mukha ni Colt bago dumikit kay Dindo Fonecier.

"That's enough, kids. Pare pareho kayong pinanganak ng mommy nyo. Give me a break." Mahinahong sabi ng huli.

May kung anong sumundot sa dibdib nya habang nakamasid sa mga ito. Kahit nagsisigawan sina Portia at Colt, kita ang malalim na relasyon nila sa isa't isa, ganon rin kay Dindo Fonecier.

"Shao." Nabaling ang tingin nya kay Felix. "Nagtimpla ka ba ng kape?" Tumango sya, "Bakit hindi mo i-serve yan sa VIP?"

Nagdadalawang isip na napakamot sya sa pisngi, "Ah, hindi ko sigurado kung masarap ba yung timpla ko-"

"It's okay. They're not picky. Go ahead." Tapik nito sakanya kaya wala syang nagawa kundi ang ilagay iyon sa tray at i-serve sa mga nakaupo.

Nag init ang mukha nya nang suyurin sya ng tingin ni Portia. "So this is-" Sandali itong natigil, "-the new employee.."

Tipid syang ngumiti at tumango.

"You look like someone I know." Sabi nito saka bumaling na sa kape.

Hindi sya umimik at sinulyapan si Mr. Fonecier. "Enjoy your coffee, sir." Aniyang sinagot nito ng simpleng pagtango.

Siguro ay dahil nakasara ang pintuan at walang ibang tao kaya may kasikipan ang pakiramdam nya na para bang hindi iyon kumportable.

Matapos ibalik sa counter ang tray, pumasok sya sa staff room at agad na tinawagan si Matteo.

"Shao?" Sagot nito sa kabilang linya.

Pabuntong hiningang ibinagsak nya ang sarili sa kama ni Colt at nakapikit na ipinatong ang cellphone sa kaliwang tenga.

"Matmat.." Mahina nyang bulong.

Kailangan nya na ulit itong makita.

TACHYCARDIA ( Book 2 & 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon