97

31 5 0
                                    

******

"Hindi ko alam...na under renovation ang bahay.." Hindi makapaniwalang usal ni Portia habang magkakatabi silang nakatayo at nakatingala sa harap ng isang malaking bahay sa tabi ng beach, mataas...pero walang bubong ang second floor, hindi pa tapos i-semento ang mga pader, at may malaking karatulang nasa harapan na may nakasulat na 'Do Not Enter'.

Napamaang si Colt habang nakabuka ang bibig, "Walang sinabi si dad? Diba kinuha mo ang susi sakanya?"

Portia, "Sabi nya lang...'Enjoy'.." Kibit balikat nitong sagot.

Sinamaan ito ng tingin ni Felix, "Hindi mo sinabi na kasama natin si Shao." Sabi nitong hindi patanong.

Colt, "You b-!"  Itinaas ni Colt ang hintuturo para iduro kay Portia pero unti unti rin iyon bumaba dahil sa pagpipigil. "I don't know what to do with you anymore, Portia."

"What? Diba sabi mo 'wag kong sabihin?" Tanong ni Portia na handa nang ibaling kay Colt ang sisi.

Tumikhim sya, "A-ah, may iba pa ba tayong pwedeng tuluyan?" Tanong nya. Akbay nya si Matteo na nakamasid lang sa mga kapatid nya. "O baka..pwedeng humanap muna kami ni Matt ng mabibilhan ng pagkain?" Tanong nya para makatakas sa paparating na gyera sa pagitan ng dalawa.

Napako ang tingin sakanila ng tatlo.

Felix, "Are you familiar with the place?"

Umiling sya pero tumango si Matteo, "May nakita akong mall sa dinaanan natin. Doon nalang kami bibili." Sabi nito na kinunutan nya ng noo. Hindi nya inalis ang pansin kay Matteo buong byahe, kaya sigurado syang tulog ito hanggang sa pumarada sila.

Parang iisang tao na sabay sabay dumukot ng wallet ang tatlo at sabay rin nag abot ng pera.

Mahinang natawa si Matteo nang kunin nya isa-isa sa kamay ng tatlo ang mga perang papel para walang away. Kung isa lang ang kukunin nya, siguradong magtatalo lang ulit ang mga ito.

Portia, "I don't want to sleep in a hotel tonight." Muli itong dumukot sa wallet, "Bring the car and buy us a tent, Shao. Bukas na tayo maghanap ng hotel." Nilingon nito si Felix, "Ilan ba? Tig-iisa?"

Felix, "Isang malaking tent para samin ni Colt. Isa sayo, at malaking tent rin sainyo ni Matteo, Shao. Tama na ang tatlo. Colt, tingnan mo nga sa loob kung pwedeng tulugan ang ibang kwarto."

Colt, "I doubt it. But I think all the stuff in the Master's bedroom are still there. We can use it."

Tumango sila at naglakad na papunta sa garahe. "Umuuwi ka pa ba sainyo, Shao?" Tanong ni Matteo pagkapasok nila sa kotse.

Umiling sya. Ilang linggo na rin nang huli nyang makausap ang daddy nya. "Pinaalis na ako ni dad, Matt. Wala na akong balak na bumalik. Kung meron man, dahil nalang yun kay Naica."

Ngumiti ito at nagsuot ng seatbelt. "Mas masaya ka dito." Kinurot nito ang pisngi nya.

Pinaandar nya na ang makina ng pickup at nakangiting tumango pero sandali rin natigilan at napalingon dito, "Hindi mo ba ako tatanungin?"

Ngumisi ito, "Sa sobrang tagal mo magkwento, nalaman ko na lahat."

Napamaang sya at tinanggal ang susi kaya tumigil ang makina, "Saan?"

"Kanino pa ba? Edi sa madaldal mong kapatid." Natatawa nitong sagot.

"Kay Felix?" Mabilis itong napatingin sakanya sa gilid ng mga mata at tumitig, hinihintay na bawiin nya ang sinabi. "Kay..Colt?"

Umiling ito, "Kay Portia."

"Pero mas madaldal si Colt?"

"Pero si Felix ang una mong sinagot." Sabi nito.

Yun ay dahil si Felix lang ang nagdedesisyon sa tatlo kung ano ang pwedeng sabihin o hindi dahil ito rin ang pinakamatanda.

Ngumuso sya at mahinang natawa, "Sa buong byahe natin, hindi ko narinig ang boses nya." Sa kalsada lang ito nakatingin at hindi nakisali kahit kaunti sa usapan nila.

Hindi kalayuan sa siyudad ang resthouse pero kakaunti na ang mga bahay habang papalapit sila doon. Private property ang lugar kaya sila lang ang tao.

Nang pareho na silang makasuot ng seatbelt ay hindi muna nya pinaandar ulit ang makina at pareho lang na nakatingin sa dagat na nasa harapan nila.

Tahimik ang paligid. Presko ang hangin. Maririnig ang mga huni ng ibon at hampas ng alon sa dalampasigan.

Kuntentong isinandal nya ang ulo sa upuan at lumingon kay Matteo para lang makita itong nakatitig sakanya.

"Maliligo tayo sa dagat?"

Tumango sya at hinaplos ito sa hita, "At matutulog sa tent."

"Yayakapin mo ako mamaya?"

Napuno ng pagkaaliw ang mga mata nya, "At hahalikan."

"Nang matagal?" Maging ito ay unti unting napangiti.

"Nang matagal."

"At huhubaran mo ako?"

Napahakhak sya at dumukwang palapit. "At huhubaran, luluhuran, pasasayahin buong gabi hanggang umaga.." Nakangiti nyang bulong na may panunukso sa boses.

Kumikislap ang mga mata nito, bakas ang saya sa mukha, "Mahal kita.." Sabi nito bago sya kinabig at ginawaran ng mainit na halik sa mga labi.

*****

( To Be Continued )

TACHYCARDIA ( Book 2 & 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon