𝗪𝗲𝗶𝗿𝗱 𝗦𝘁𝗿𝗮𝗻𝗴𝗲𝗿 ~
*****
"Malapit itong cafe sa isang university kaya kung matuloy yung balak mong pag enroll, hindi ka mahihirapan." Sabi ni Paulo kay Shao habang nakatayo sila sa isang building na nasa harapan ng Cafféine, ang cafe na inapplyan nya. Malaki iyon at pang mayaman ang itsura sa loob, sabi ni Paulo, soundproof rin daw iyon dahil madalas na doon nag aaral ang anak ng may-ari.
"Salamat." Aniya.
"Just accept my offer, Shao. Pumayag si mommy na tulungan ka sa pag aaral mo-"
"Thanks but no thanks." Tanggi nya. Ayaw nyang magkaroon ng utang na loob sa kahit sino sa pamilya nya. Alam nya na walang masamang intensyon ang magulang ni Paulo, pero kapag pumayag sya, baka dumating rin ang araw na tumigil ito sa pagsuporta sakanya at hindi nya ulit alam kung saan sya magsisimula.
"Ikaw ang bahala. Pero kung kailangan mo ng tulong-"
"Alam ko. Tatawagan kita kapag kailangan ko." Sapat na ang tinulungan sya nitong humanap ng mapapasukan.
"Will you stop cutting me out? I'm trying to help you here." Kunot noo nitong sabi.
Natawa sya. "I know, I know. Pero susubukan ko kung kakayanin ko. Kapag hindi, saka mo ako tulungan." Ngisi nya.
Iniwan rin sya nito makalipas ang ilan pang minuto at nang akma nyang ibabalik dito ang duplicate ng susi ng bahay, agad itong tumanggi at sinabing pwede sya doon umuwi anumang oras.
May libreng tutulugan ang cafe, libre din ang pagkain at may kasama rin daily allowance. Hindi na masama kung para lang sa sarili nya sa ngayon. Ayaw nya na rin kasi na umasa kay Paulo lalo na sa Daddy nya.
"Good morning, sir. Welcome to Cafféine." Bati sakanya ng guard pagkapasok nya.
Tinanguan nya ito at dumiretso sa cashier."Excuse me." Untag nya dito mula sa pagtipa ng kung ano sa computer. Lalaki iyon, matangkad at para sa isang cashier, hindi bagay ang malamig at nakakunot nitong noo.
"Yes?" Maging sa pagsagot ay parang napipilitan din ito.
Tumikhim sya. "Ako yung bagong staff-"
"Shao Rafael?" Sinuyod sya nito ng tingin.
Tumango sya at sinubukang ngumiti pero lalo lang kumunot ang noo nito. "Hindi mo kailangang ngumiti." Isinenyas nito ang ulo, "May pinto sa dulo, hanapin mo si Colt. Hingin mo sakanya ang uniform tapos itanong mo na lahat ng gusto mong itanong. Bukas ka magsisimula. Alam mo naman siguro kung ano ang ginagawa ng waiter o server." Hindi tumitingin sakanya na sabi nito at bumalik na sa harap ng computer. Magkasing tangkad lang sila at kung siguro sa labas sya nito tiningnan nang ganon, siguro ay matagal na silang nagka-problema kahit halata naman na mas matanda ito sakanya.
Pasimple syang umingos at tinahak ang maikling pasilyo na may pinto sa dulo.
Ilang ulit syang kumatok pero walang bumubukas. Inip nyang inilibot ang paningin. Sa magkabilang pader ay naka-display ang iba't ibang klase ng pera, mula sa pinakaluma hanggang sa pinakabago, habang ang mga coins ay naka-frame at may mga pirma pa ang mga iyon ng presidenteng nasa papel na pera.
Siguro ay collector ang may ari ng cafe o mahilig sa pera. Sa gara ng cafe, siguradong maraming pera ang nagastos mapaganda lang iyon.
Makalipas ang ilang minutong pagtingin sa pader, muli syang kumatok sa pinto. Nawawalan na sya ng pasensya kaya akmang sisipain nya iyon nang bigla iyon umawang.
Sumilip sya at nakita ang isang lalaking nakatalikod, nagbibihis at basa ang likod.
"Sira ang lock ng pinto, di mo na kailangan kumatok." Nakangiting lingon nito sakanya.
BINABASA MO ANG
TACHYCARDIA ( Book 2 & 3 )
RomanceWhen the heart is in trouble..but the heartbeat remains.