98

27 4 0
                                    

***********

"Nako, wala ditong hotel, beh. Malayo pa, mga isang kilometro." Sagot kay Shao ng babaeng kumakain sa isang fishball stall na tinigilan nila para rin kumain.

Matteo, "Magkano po lahat?" Tanong nito sa tindero  matapos maubos ang panghuling fishball sa stick at bumaling sa babae, "Apartelle po ba?"

"Wala rin. 'Di naman kasi mahilig mag-hotel ang mga taga dito, beh." Humagikgik ito, "Sa bahay lang pwede na kahit mainit."

Napatingin sya kay Matteo at lihim na natawa.
"Kahit maliit na kwarto wala?" Tanong nya pero nakatanggap na sya ng masamang tingin mula sa huli.

"Nako, ang kulit mo, beh!" Natatawang hampas nito sa braso nya. "Bakit? May kasama kayong babae no? Naku, mga lalaki talaga. Alam nyo, hindi nyo dapat dinadala sa hotel ang isang babae. Lalo na kung hindi nyo naman pakakasalan." Pairap nitong sabi.

Natawa sya. "Bakit naman? Matutulog lang naman kami." Sulyap nya kay Matteo na pinaningkitan sya ng mga mata habang sumisipsip sa samalamig.

"Sus, matutulog. 'Wag ako, beh!" Tawa rin nito.

Nang makitang ubos na ang hawak nyang sigariyo, lumapit si Matteo sakanya at umakbay. "Bumalik nalang tayo sa tent."

Natawa sya, "Ayaw mo na sa hotel?"

Kinunutan sya nito ng noo, "Wala ngang hotel, wala rin apartelle. Ano pa bang gusto mo?" Nasa tono ang pagkabugnot.

Natawa sya at pinisil ito sa pisngi, "Edi ikaw."

Sinamaan sya nito ng tingin at pairap na nauna nang maglakad. Natatawang hinabol nya ito at niyakap sa braso. "Gusto mo lang yata akong ma-solo eh."

"Pano naman kita masosolo kung nandun ang mga kapatid mo?"

Nakaramdam sya ng kiliti at ngiting ngiti na isinandal ang ulo sa balikat ni Matteo. "Pwede naman tayo sa tent, ah? Habang naririnig natin ang alon ng dagat, ihip ng hangin at ang mga kuliglig sa gabi..." Nang makarating sa sasakyan ay hindi muna sila pumasok at magkatabing sumandal sa gilid ng sasakyan. "Kahit saan naman pwede..." Nakangiting ginagap nya ang kamay nito at nangingislap ang mga matang tinitigan iyon. "..kaya ko naman mag adjust kung saan ka kumportable."

"Pano ka naman?"

Umangat ang dalawa nyang kilay, "Ako? Sino ba ang comfort ko? Diba ikaw?" Malambing nyang sabi.

Natigilan ito bago nangingiting winaksi ang kamay nya. Natawa sya at pinagmasdan ang likod nito.

"Ang layo na nang narating natin, diba? Mula sa Manila napunta tayo dito sa Batangas.." Tumigil ito sa paglalakad at humarap sakanya. Hinawakan nya ito sa magkabilang balikat at humaplos ang kamay pababa sa siko, "..at mula sa magkaibigan..nandito na tayo, mahal ang isa't isa..."

Noon, kailangan nya lang umakyat sa bintana ng kwarto nito para tumabi sa pagtulog.

Ang mga yakap ay wala pang ibang kahulugan.
Ang mga paghawak sa kamay, mga pag aalala at simpatiya ay dahil lang sa pagkakaibigan.

Ang pagbilis ng tibok ng puso ay dahil lang sa mga emosyon, na hindi dahil sa isa't isa.

Pero ngayon, kasing lawak na ng dagat ang espasyo ni Matteo sa puso nya.

Ang mga yakap ay naging parang gamot ng isa't isa. Ang mga paghawak sa kamay ay nag bibigay na ng kasiguraduhan na ang pagkakaibigang minsang nabuo nila ay may mas hihigit pa pala..

..na darating sa punto na pipiliin nila ang isa't isa kesa sa mga bagay na tingin ng iba ay mas mahalaga..

Pamilya, magulang..

Ngayon naiintindihan nya na, kung bakit sinasabi ng iba na nakakabulag ang pag ibig. Dahil mula nang mahalin nya si Matteo, ito nalang ang tanging nakita nya. Nawala sa isip nya kung ano ang iisipin ng iba sa mga desisyon nyang may kaugnayan dito.

"Tama ka." Sabi nito. "Minsan hindi ko na nga naiisip na naging magkaibigan tayo dati." Hinuli nito ang kamay nya. "Kasi sa lahat ng mga ginawa natin, wala ni isa dun ang nagsasabing yun lang ang relasyon natin.."

Napangiti rin sya. "Alin ba dun? Yung lagi tayong magkatabing matulog? O yung lagi akong nakayakap sayo?" Pahina nang pahina nyang tanong dahil paunti-unti nya ring tinawid ang pagitan nila. "Tama ka. Siguro nga hindi naman talaga tayo naging magkaibigan, Matt.." Hinaplos nya ang pang ibaba nitong labi, "..kasi sino bang magkaibigan..ang naghahalikan?"

Sabay silang napangiti bago sabay na inilapat ang labi sa isa't isa.

Mapusok at mainit.
Kasing init ng sinag ng araw na unti unti nang nawawala.

At kasabay ng tuluyang paglubog ng araw ay ang pagbitaw nila sa halik kahit pareho pang mainit ang mga mata ng isa't isa.

Idinikit ni Shao ang noo sa noo ni Matteo habang bahagyang habol ang paghinga, "Binabawi ko na. Pwede naman sa sasakyan ni Felix, diba?" Nag iinit ang pisnging tanong nya.

Nang makapasok sa sasakyan ay hindi si Shao ang nag adjust pero ang mga upuan na agad nilang pinahiga. Ang sapin sa backrest na bagong lagay ni Colt, malinis at bagong laundry, ay napuno ng pawis at gusot. Ang itim na gear stick ay nabahiran ng puti at ang buong kotse na dati ay amoy air freshener, maya maya lang ay napuno ng matapang na amoy ng ammonia, at magkahalong tamis at alat na gaya ng dagat.

"Oh bat ngayon lang kayo?" Salubong sakanila ni Colt nang makabalik sila sa resort. Alas syete na ng gabi. Tatlong oras din silang nawala.

Nagpalitan sila ng tingin ni Matteo at pasimple nya pang inayos ang gusot sa damit nito, "Ma traffic kasi." Sagot nya saka ito nilagpasan. "Tara dito, Matt." Aya nya sa huli.

Colt, "Traffic? Wala naman traffic dito ah?" Patanong na kausap nya sa sarili habang papunta sa sasakyan para kunin ang iba pang pinamili ng dalawa.

Pag bukas nya palang ng pinto ay agad syang natigilan nang may kakaibang dumaan sa ilong nya.

Bilang isang lalaki ay hindi iyon bago sa pang amoy nya pero baka nagkakamali lang sya dahil bagong carwash ang kotse nang gamitin nila.

Pumasok sya at itinukod ang tuhod sa driver's seat. Sinuyod ng tingin ang paligid. Wala namang nabago sa sasakyan pero mas mainit ang loob nun kesa sa dati.

Paalis na sya nang may mahagip ang tingin nya sa gearstick. Maputi iyon at kumikintab. Inabot nya iyon at hinawakan para lang mapalukso sa gulat nang sumama ang kung anumang malamig na likido sa kamay nya. Nakangiwing inilapit nya iyon sa mukha para matitigan at nang subukan nyang amuyin ay parang tinamaan ng lintik na mabilis pa sa alas kwatrong iwinagwag nya ang kamay.

"SHAO RAFAEEEL!"

*****

TACHYCARDIA ( Book 2 & 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon