100

35 5 0
                                    

Can't escape the inevitable ~

********

"Goodmorning." Mula sa pagkakaupo sa buhangin at pag inom ng kape ay napalingon si Shao kay Colt na mukhang kulang sa tulog dahil sa itim sa ilalim ng mga mata nito.

"Morning." Aniya na sinagot nito ng sarkastikong tawa

"Hah! Mukhang ang sarap ng tulog mo ah? Kumikintab kintab pa ang balat mo, tol!" Sabi nito at muntik nya pang mabitawan ang tasang hawak nang may kalakasan sya nitong hampasin sa likod.

"Talaga?" Seryoso nyang tanong saka sinipat ang sarili habang nakataas ang isang kilay.

"Sa sobrang sarap ng tulog mo, kami ang hindi nakatulog." Mahina nitong sabi.

Kumunot ang noo nya, "Ano yun?"

Hinampas nito ang buhangin, "Ang sabi ko, ang ingay ingay nyo kagabi ni Matteo kaya hindi kami nakatulog!" Sabi nito saka ibinagsak ang katawan sa buhangin habang lukot ang mukha, "Nakikita mo ba tong eyebags ko? Baka ayawan na ako ni Maribeth pag balik ko sa Maynila!"

Nang maintindihan ang sinasabi nito ay umakyat ang init sa magkabila nyang pisngi.

"Oh ano? Nahihiya ka? Pano nga ulit yun? 'Matteo, mahal kita..aah aah-'!"

Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil mabilis nya na itong hinampas ng basang towel sa mukha. "Bastos ka. "

Nakataas ang itaas na labi na nakabaluktot itong bumagsak ulit sa buhangin at ipinikit ang mga mata. "Ako pa ang bastos? Ano bang problema ng mga tao na to?" Reklamo nito at parang batang pumadyak sa buhangin.

Napailing sya at pinagpatuloy ang pag inom ng kape. Kaunti nalang ay iisipin nya nang ito ang bunso at hindi sya.

"Shao." Napatingala sya nang may humalik sa tuktok ng ulo nya.

"Goodmorning." Bati nya kay Matteo na kakagising lang. Mapungay ang mga mata nito.

Colt, "Goodmorning." Tinanguan ito ni Matteo at nakiinom sa kape nya. "Nasaan si Portia at Felix?"

"Tulog pa." Sagot nya.

Colt, "Syempre ang ingay ny-" Natigil ito nang samaan nya ito ng tingin.

Hindi nya alam na maingay sila kagabi. Maingay ang dagat kaya ang akala nya ay sila lang ang nakakarinig ng mga ingay na nasa loob ng tent.

Sinulyapan nya si Matteo.
Bakas pa ang pamumula ng leeg nito. Namumula rin ang labi at bahagyang namamaga.

Kagabi ay maituturing nyang pinakamasayang gabi nya na kasama si Matteo.

Hinapit nya ito sa gilid ng ulo at marahang hinila para halikan sa pisngi. Tumingin lang ito sakanya, inaantok na ngumiti at ipinatong ang baba sa balikat nya.

Muli nya itong hinalikan.

Ipagpapalit nya ang lahat, maging ganito lang sila palagi...

"Sinong sasama?" Mula sa isang tent ay parang ipinanganak na muli na lumabas si Portia. Nakakasilaw ang suot nitong yellow na two piece.

Colt, "Ano na naman yan, Portia?" Lukot ang mukhang baling nito sa kapatid saka binato sa huli ang basang towel na hinagis nya kanina. "Ang aga aga nakahubad ka! Mag damit ka nga!"

Sinipa lang ni Portia pabalik kay Colt ang towel na may kasama nang buhangin kaya nagkanda ubo ubo ito nang pumasok sa bibig nito ang iba.

Portia, "Ulol."

Pinitik nito ang mahabang buhok at parang modelong rumampa papunta sa dagat.

Bumaling sya kay Matteo, "Anong gusto mong gawin ngayong araw?"

TACHYCARDIA ( Book 2 & 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon