***********
Sa pahabang dining table ng mga DeMarco ay nakapaligid na nakaupo ang apat na taong ni sa hinagap ay hindi ginustong makita ang isa't isa, lalo na ang dalawa sa mga ito na minsan nang nagharap sa korte, ang isa ay sa bench habang ang isa ay sa defendant's table.
"So, what will happen to my son?" Tanong ni Mrs. DeMarco na katabi ang dati nitong asawa.
Hirap na nilunok ng lalaking naka-coat and tie ang kapeng iniinom, "Well, I haven't talk to them yet. But, I'll make sure I will." Sagot ni Dindo Fonecier na mukhang mas kinabahan pa dahil sa kape.
Hindi biro ang ginawa ng anak nya sa anak ng mga ito, sa pangalawang pagkakataon.
Mrs. DeMarco, "And after that?"
Tumikhim si Dindo Fonecier at bumaling sa babaeng katabi. Pormal na bumaling din ito sakanya pero nag iwas din ng tingin tanda na ayaw nitong magsalita.
"It's up to them. I'm not in the position to decide for my son."
Napatingin sakanya ang lahat ng nasa mesa. Nasa mga mata ng mga ito ang pagkuwestyon sa sinabi nya.
"What I mean is, we just reunited. We are still in a catching up stage and I don't want to force things out." Aniya pagkatapos ay marahang napangiti, "As you know, I already talked to them about that. We already settled things that day.." Tukoy nya sa nangyari noong unang beses na umalis si Shao at Matteo, "..but I guess things didn't work out the way we wanted."
"Then, what will happen to my son?" Ulit ni Mrs DeMarco, mas mariin na ang boses. "Let's say, they're both men. They won't have children, they're free of that responsibility. But, how about their future? Their studies? How are they going to live? And support themselves?"
Hindi agad nakasagot si Dindo Fonecier at sandaling natahimik ang mesa. May tensyon man, pero dahil pare-pareho nang may edad, nakakapag usap pa rin sila nang maayos.
"Responsableng bata si Matteo. Nakita ko yun dahil saakin sya nakatira." Ani Mr. DeMarco matapos kalmadong uminom ng kape, "Ni minsan, hindi nya ako tinaasan ng boses o sumagot saakin dahil hindi ko napagbigyan ang gusto nya. Naiintindihan ko na susuportahan nyo ang anak nyo," Sulyap nito kay Dindo Fonecier at Mrs. Del Ocampo na nanatiling tahimik. ", pero bilang magulang, gusto ko rin masiguro na hindi makokompromiso ang kapakanan ni Matteo."
Tumango tango si Dindo Fonecier, "I understand. They are turning adults so it's even harder to understand what's going on in their minds. You know, men.." Naiiling pero natatawa nyang sabi na sinang ayunan ni Mr. DeMarco, "For the meantime, I will take responsibility. Let them stay under my care, I can assure you that nothing bad can happen to the both of them."
"Kung ganon, hahayaan natin sila sa ginawa nila?" Sabat ni Mrs. Del Ocampo. Sa haba ng usapan ay noon lang ito nagsalita.
"Can we do something about it?" Tanong din ni Mrs. DeMarco.
Nagkatinginan ang dalawang lalaki, palihim na napapailing dahil kung sila lang dalawa ang mag uusap, siguradong kanina pa iyon tapos.
Mr. DeMarco, "Kung pauuwiin natin sila kagaya nang dati, gaano tayo nakakasiguro na hindi na sila uulit?" Baling nito sa dating asawa.
"I already booked a flight. Dadalhin ko si Matteo sa Australia." Sagot nito.
Nabuntong hininga si Mr. DeMarco at napailing, "Alam mo ba kung bakit sumama si Matteo kay Shao?" Mahinahon nitong tanong. Alam nyang alam nito kung bakit pero mukhang nakalimutan uli nito iyon dahil sa hindi pa rin nito pagtanggap sa sitwasyon. ", Yun ay dahil ayaw nyang sumama sayo sa Australia."
"Because you keep on tolerating him!" Sabi nito na bahagyang tumaas ang boses pero agad rin na sinubukang kumalma dahil sa mga kaharap. Napapailing na dinampot nito ang tasa ng tsa-a at maingat na inilapit iyon sa bibig. "He is listening to you but you're not talking to him.."
Muli silang nabalot ng katahimikan na parang mababawasan nun ang biglang pag taas ng tensyon.
Mrs. Del Ocampo, "Alam ko na hindi sasaktan ni Shao si Matteo. Matagal na silang magkaibigan. Malaki na sya, hindi ko na rin kontrol ang isip nya. Wala akong magagawa sa ngayon, kundi ang magtiwala sa kanya at suportahan sya.."
Marahas na pagbuga ng hangin at pag iling lang ang itinugon ni Mrs. DeMarco sa sinabi nito, na kahit nakalipas na ang nangyaring alitan sa pagitan ng mga ito, ay ayaw na rin nitong makipag ugnayan sa huli.
Dindo, "That's the best we can do for now. Lalo ngayon at suportado ng mga kapatid nya si Shao. Ayoko namang maging kontrabida sakanila." Halakhak nito.
Mr. DeMarco, "Gusto ko lang siguruhin na anumang oras ay pwede naming puntahan si Matteo."
"Of course, of course!" Wagayway ni Dindo sa kamay at may dinukot sa bulsa ng coat, "This is our exact address in Batangas. You can come anytime. We can even have a family dinner."
Mr. DeMarco, "Magandang ideya yan."
Dindo, "No doubt." Nagpingki ng mga baso ng tsa-a ang dalawa habang sa hindi mabilang na beses, naiiling na nag iwasan ng tingin ang dalawang babae sa mesa.
Makakahinga na sana nang maluwag ang huli nang muling magsalita si Mrs. DeMarco, "By the way, did Portia Fonecier kill someone?"
*******************
BINABASA MO ANG
TACHYCARDIA ( Book 2 & 3 )
RomanceWhen the heart is in trouble..but the heartbeat remains.