85

36 4 0
                                    

𝗩𝗜𝗣 ~

****

"Matmat? Nakikita mo ba'ko?" Itinaas nya ang cellphone kung saan nagvi-video call si Matteo at ifinocus sa suot nyang damit. Maraming binili si Colt pero karamihan ay hindi kumportable kaya damit nya pa rin ang isinuot nya. Hindi nya pa iyon naisusuot pero kagaya rin iyon ng lagi nyang dinadamit. Pantalon, itim na tshirt at maong na jacket. "Okay na ba ang suot ko? Ang buhok ko?" Tanong nya saka sinuklay suklay ang ulo.

"Sino ba ang VIP nyo?" Ngumuso ito, "Dati ako lang ang pinaghahandaan mo nang ganyan. Pano nalang kung magustuhan ka nya kasi ang gwapo mo?"

Natawa sya at biglang nanggigil, mariin nyang pinisil ang screen ng cellphone na parang pisngi iyon ni Matteo. "Kailan mo ako ulit aayain na matulog sainyo?"

Binigyan sya nito ng nanghihinang ngiti, "Masakit pa ang likod ko, Shao.."

Natawa sya,"Kung pwede nga na nasa iisang bahay nalang tayo, Matt. Pangarap ko kasi 'yun para satin. Sabay tayong uuwi o kaya naman maaabutan natin ang isa't isa sa bahay.."

Minsan matagal nyang paplanuhin sa isip ang mga gusto nyang gawin kasama si Matteo pag nakapag tapos na sila, kung saan sila titira, kung ilang aso ang aalagaan nila, kung ano ang iluluto nya para dito sa umaga..

Minsan mapapangiti nalang sya bigla kapag may ginagawa sya at biglang sasagi sa isip nya ang mga ganong bagay. Magkahalong excitement at pagkainip ang nararadaman nya kapag naiisip na matagal pa siguro bago iyon mangyari..

Sandali rin itong natigilan at nakatitig lang sakanya sa screen bago masuyong ngumiti, "Inaaya mo ba akong magtanan?" Tudyo nito.

"Sasama ka sakin, diba? Hindi mo naman siguro ako tatanggihan kasi gwapo ako at malaki kung magmahal." Lumawak ang ngiti nito. "Gusto mo bang makita ulit ang malaki kong pagmamahal, Matteo?"

Pigil ang ngiti at makahulugan, kinagat nito ang pang ibabang labi, "Kailan ka ba pwede? Gusto mo ba-"

"Shao Rafael!"

Napawi ang ngiti nya at marahas na napalingon nang biglang pumasok si Colt sa pinto. "Bakit hindi mo suot ang damit na binili ko?" Puna nito habang kunot noo syang sinusuyod ng tingin.

Tumingin sya kay Matteo sa screen at hinayaang naka-on ang tawag. Nakikinig lang ito habang nakatingin sakanya.

"Mukhang pang burol ang mga binili mo." Mahina nyang sabi pero narinig nya ang mahinang pagtawa ni Matteo.

Colt, "At kailan mo yun balak isuot?" Umakma syang sasagot pero itinaas nito ang hintuturo, "'Wag mong sasabihing sa burol ko dahil matagal pa ako bago mamatay. Malapit na ang VIP, lumabas ka na."

Umingos sya at binalingan si Matteo na nangingiti. "Mukhang gusto mo si Colt.."

Lalong humaba ang nguso nya, "Mas mabait si Felix."

"Pero mas gusto mo si Colt."

"Paano mo naman nasabi, Matt? Hindi nga kami nag uusap 'nun nang hindi nag aaway."

Natawa si Matteo, "Ganon ka lang sa mga taong gusto mo, Shaolin. Sa tagal natin magkakilala, mukhang mas kilala na kita kesa sa sarili mo."

Natigilan sya at napapaisip na napatitig kay Matteo.

"Mukha namang mabait si Colt. Minsan nga nagiging magkamukha na kayo." Nanunudyo pa rin na sabi nito.

Mahina lang syang natawa.
Ilang linggo palang silang magkakakilala nina Colt at Felix, pero ngayon na sinabi iyon ni Matteo, doon nya napansin na ni minsan ay hindi naman talaga sila totoong nag away ni Colt maging ni Felix. Lagi lang itong nang aasar gaya ng isang kuya sa bunsong kapatid. Yun nga lang, dahil hindi nya naranasang mang asar ng kapatid o ng kabaliktaran, madalas ay napipikon sya dito.

"Siguro nga, Matt. Siguro nga mas kilala mo pa ako kesa sa sarili ko.." Nangingiti nya sabi.

Matapos magpaalam kay Matteo at mapapayag ito na magkita mamaya pagkatapos ng trabaho, lumabas na sya sa staff room at naabutan ang mga blinds na nakababa at sign board na naka-harap ang "Close" sa labas.

"Sino po ba ang VIP?" Tanong nya kay Felix dahil kailangan pang isara ang buong shop para doon. Akma syang magsusuot ng apron pero pinigilan sya nito. "It's okay, don't wear it."

Inilapag nya ang apron at naghintay ng sagot nito. Pero bago pa iyon mangyari, huminto sa labas ng café ang puting Nissan Urvan.

Colt, "Here they are." Tapik nito sa balikat nya. "Teka, bakit kay Felix ka lang gumagamit ng Po at Opo? Hindi ba ako kagalang galang?" Hindi sya sumagot at tiningnan lang ito sa gilid ng mga mata.

Kumunot ang noo nya nang bumaba sa sasakyan ang isang may edad na lalaki, sa edad nito, nakuha pa rin nitong madala nang maayos ang damit na halos kapareho lang ng mga binili ni Colt para sakanya. Puting longsleeve na itinucked in sa itim na suit pants.

Kasunod nito ay ang tatlong malalaking lalaki na hula nya ay mga security guards. Pumasok ang mga ito at agad na nagtama ang mga mata nila ng pamilyar na lalaki. Hindi nya alam kung bakit biglang kumabog ang dibdib nya dahil sigurado syang nakita nya na ito sa kung saan.

Tumigil ito sa pintuan at matamang tumitig sa direksyon nila ni Colt, matagal, na halos mapigil nya ang paghinga dahil sa lalim ng tingin nito.
Nang mukhang makuntento, nawala ang kunot sa noo nito at lumabas ang sinserong ngiti sa mga labi bago may halong pagkasabik na nagsimulang humakbang,

"My son..."

TACHYCARDIA ( Book 2 & 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon