66

53 7 0
                                    

****

"Dela Torre, Michelle."

Kasabay ng graduation song, inayos ni Shao ang kwelyo ng toga nang tawagin na ang nasa unahan nya. Nakalinya ang section nila sa ibaba ng hagdan at hindi nya maiwasang lukutin ang ilong dahil kilalang school man, umaalingasaw ang mapanghing amoy mula sa mga estudyanteng ginawang CR ang bawat tagong parte ng school.

Bahagya syang napalingon nang makaramdam ng pagkurot sa tagiliran.

"Kasama rin naman ang ihi mo dyan, 'bat ka nagtatakip?"

Napangisi sya at pinigilang 'wag hawakan ang kamay na iyon nang maalalang kasama ni Matteo ang papa nito. Magkasunod lang ang apelyido nila kaya natural lang na nasa likod nya ito.

"Del Ocampo, Shao Rafael."

Tumikhim sya at handa nang umakyat sa stage nang may sumabay sa gilid nya.

Alam nyang hindi dumating ang daddy nya o sinuman sa pamilya nya, kaya nanlaki ang mga mata nya at nag alinlangan sa paghakbang nang makita si Mr. DeMarco sa tabi nya.
Tiningnan sya nito at matapos magaang tapikin ang likod nya, isinenyas nito ng kamay ang stage nang mapansin ang pagtigil nya.

Lumingon sya kay Matteo na nakangising tumaas baba ang kilay.

"Matteo." Aniyang walang lumabas na boses sa bibig.

Nag iinit ang mukhang nagbawi sya ng tingin nang ulitin ng MC ang pagtawag sa pangalan nya at nagpatuloy sa paglakad hanggang sa teacher na may hawak ng medal. May ilang nagtaka na mga teachers dahil kilala ng mga ito si Mr. DeMarco bilang dating principal ganon rin ang anak nito pero ngiti lang ang isinagot ng huli.

Kinuha nito ang medal at maingat na isinabit sa leeg nya, "Congratulations." Tipid man, wala syang narinig na anuman sa tono ng boses nito.

"Thank you, sir." Pormal nyang sabi. Tinapik sya nito sa balikat bago nya narinig ang pagtawag ng adviser nila sa pangalan ni Matteo.

"Ano sa tingin mo ang gagawin ni Matteo pag nalaman nyang wala kang kasama?"

Nang makababa sa hagdan ay lumingon sya sa stage at nakita ito na nakangiti habang tinatanggap ang medal. Alam nyang hindi dahil doon kaya ito nakangiti.

Mahina syang natawa at nabalot ng saya ang puso.

Si Matteo?

Gagawin ni Matteo ang mga bagay na akala nya sa isip nya lang pwedeng mangyari..

Mga bagay na aakalain nyang hindi nito gagawin dahil hindi nito sinasabi..

"Ayos ba?" Ngising ngisi nitong tanong matapos syang akbayan nang pabalik na sila sa upuan.

...at mga bagay na biglaan kaya wala syang ibang magagawa kundi ang maging masaya at lalo lang mahulog nang mas malalim pa kesa sa dati..

Mahina nyang ipinukpok sa ulo nito ang hawak na diploma pero hindi rin itinago ang maluwag na ngiti. "Pano mo nagawa yun?"

"Alin?"

"Yung...samahan ako ng papa mo sa stage."

Bahagyang nalukot ang mukha nito na parang nagsasabing "Tinatanong pa ba yan?",

"Sinabi ko na wala kang kasama."

Pinisil nya ang pisngi nito, "Ganon lang?"

Tumango ito at wala sa loob na inalis nya ang natanggal nitong pilik mata na nalaglag sa pisngi.

Napatingin si Matteo sa ginawa nya at tumingin sa paligid bago hulihin ang kamay nya, hinawakan at itinago sa pagitan nila na natatakpan ng toga, "Nagulat ba ang Shaoshao ko?" Ngisi nito saka magaang idinampi ang likod ng hintuturo sa tungki ng ilong nya.

Bigla syang natawa dahil sa nanunukso nitong boses. Mainit ang dibdib nya, ganon rin ang mga mata nya.

Pinisil nya ang kamay ni Matteo sa ilalim ng toga at pinagsalikop sa kamay nya.

Kung wala lang ang papa nito, matagal nya na itong hinila at hinalikan. Ano naman kung maraming tao? Mas gusto nya iyon, para malaman ng lahat na kanya si Matteo.

"Anong mangyayari satin pagkatapos nito?" Tanong nya habang nakatingin sa stage, doon ay tinatanggap pa rin ng mga estudyante ang kanya kanyang diploma. Kapag iniisip nyang tapos na sila sa highschool at lilipat na sa mas malawak na mga posibilidad, hindi nya maiwasang maisip, "Magkakasama pa rin ba tayo, Matt?"

Marami na ang college schools sa loob at labas ng lugar nila, at imposibleng hindi ito pag aralin ni Mr. DeMarco sa malaking eskwelahan,  habang sya, hindi pa sigurado kung papasok o kung saan mag e-enroll.

Maisip nya palang na pwedeng hindi nya na ito makasama nang ganon kadalas..na mas marami na itong makikilala..

...mas marami, na baka makalimutan na sya nito at hindi na ituring na gaya nang dati...

"Umiiyak ka ba?" Nag aalalang silip ni Matteo sa mukha nya nang suminghot sya. May ilang nag iiyakan sa tabi nya kaya hindi nya alam kung dahil ba doon kaya biglang nag init ang mga mata nya.

Pinalis nya ang luha at nakayukong umiling, "Hindi ah.." Tanggi nya pero mas dumami lang iyon lalo na nang lumakas ang iyakan.

Nakita nya ang kamay ni Matteo na dumako sa baba nya at pumisil, pilit na inangat ang mukha nya.

Basa ang mga mata at pisngi, bahagyang nanginginig ang mga labi at sumisinghot, sinalubong nya ang nakangiti pero may bahid rin na lungkot na mukha ni Matteo.
"Bakit?" Masuyo nitong tanong bago kinuha sa bulsa ang panyo at sinimulang punasan ang pisngi nya.

Imbes na sumagot hindi nya napigilang yumakap dito at ibaon ang ulo sa balikat nito.
"Wala.." Suminghot sya at hinigpitan ang yakap dito, "Baka kasi..iiwan mo na ako pagkatapos nito.."

Bahagyang umalog ang balikat nito dahil sa pagtawa at pagsagot nito sa yakap nya. "Bakit kita iiwan? Nagsisimula palang tayo.." Lumayo ito sakanya at pinitik sya sa noo, "Gago ka ba?" Natawa ito at tuluyang bumitaw sakanya pero muling hinawakan ang kamay nya, hindi tulad nang dati, hindi na nito iyon itinago.

"Kung may iiwan man ako.." Lumingon ito sakanya, "..hindi ikaw yun, Shao.."

Nang marinig iyon, parang batang binigyan ng candy na natigil sya sa pag iyak.

Bakit nya nga ba iyon iniisip?

Kilala nya si Matteo, at naniniwala syang hindi sya nito iiwan..

Pero bakit..hindi maalis sa isip nya ang takot?
Ganon ba kaliit ang tiwala nya kay Matteo?

O talaga lang na natatakot sya kasi ito nalang ang natitira sakanya?

Gusto nyang maging makasarili at paniwalaan ang sinabi nito. Pero alam nya rin na hindi lang sakanya umiikot ang mundo ni Matteo gaya ng pag ikot ng mundo nya dito.

"Thank you, Matt.." Basag ang boses na sabi nya.

Matagal sya nitong tinitigan.
"Pero malungkot ka pa rin.."

"Hindi ako malungkot, Matt..Tears of joy yan." Aniya kasabay ang pagsinghot.

Dumukwang si Matteo, ibinaba ang katawan at itinapat ang ulo sa dibdib nya, gaya ng isang batang sinisilip ang umiiyak nitong kalaro. Akala nya ay gaya ng dati, tatawa lang ito at tutuksuhin sya.

Pero nanigas sya sa kinauupuan nang lumapit ito sakanya, nag angat ng ulo at halikan sya sa mga labi. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso nya nang mga oras na iyon, pakiramdam nya ay naririnig na iyon ni Matteo. Magkahalong kaba, gulat at saya, hindi nya alam kung bakit mas nangibabaw ang lungkot nya dahil sa halik na iyon.

"Shao.." Hindi nya maalis ang tingin sa mukha ni Matteo, sa kabila ng mga gulat na nakatingin sakanila. Nang mga sandaling iyon, para bang sila lang ang tao sa mundo, at sana nga ay ganon nalang, na sila lang dalawa.. "Hindi kita iiwan.."

******

TACHYCARDIA ( Book 2 & 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon