89

29 3 0
                                    

𝗔𝘀𝘀𝘂𝗿𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗲𝘁𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗼

************

"Akala ko ba may VIP kayo?" Tanong ni Matteo habang nakatayo ito sa pagitan ng mga hita nya at nakasandal ang ulo sa dibdib nya. Nasa sea side sila at kakatapos lang kumain ng street foods.

"Oo nga.." Aniya habang nakapatong ang baba sa ulo nito. Nakaupo sya sa baluster na nasa dulo ng seawall at nakatalikod sa dagat.

"Bakit umalis ka na?"

"Kasi hindi naman ako kailangan 'dun.."

Nilaro nito ang mga daliri nya, simula sa hinliliit hanggang sa hintuturo, "Pano kung hanapin ka nila, Shao?" , at minsan ay inilalapit sa labi para halikan, na parang may inaalis itong kung ano sa kamay nya.

"Hindi nila ako hahanapin."

"Paano mo nasisiguro?"

Natawa sya, "Alam ko lang.." ,at matagal itong hinalikan sa sentido, isinandal ang ulo doon at pumikit. "Mas gusto ko na ikaw ang naghahanap sakin."

Ngumiti ito at inabot ng kamay ang likod ng ulo nya. Ilang sandali pa ay umikot ito paharap at yumakap sa bewang nya.

Halos umabot sa magkabilang tenga ang ngiti nya nang ibaon nito ang mukha sa balikat nya. Hinawakan nya ito sa magkabilang gilid ng ulo para makita ang makita ang mukha nito, Ikinulong nya sa magkabilang kamay ang pisngi at pinisil, "Bakit parang ang lambing mo naman ngayon? May ginawa ka bang kasalanan?"

Hindi ito sumagot, umiling lang at ngumuso habang nakapikit.

Natatawang ginawaran nya ito ng magaang halik sa mga labi bago ito hinila at masuyong niyakap.

Napabuntong hininga sya.

"Kapag kasama kita, kuntento ako sa lahat ng bagay..." Aniya.

Dahan dahan itong kumalas sa yakap nya at tumitig. Nakangiti pero may kung anong lamlam ang mga mata.

Inangat ni Matteo ang dalawang kamay at sinuklay suklay ang buhok nya.
"Pano kung may dumating na ibang tao tapos mas mahalin ka nila...?"

Tumaas ang dalawa nyang kilay, "Tapos?" Nangingiti nyang tanong.

"Kunwari, may mga taong dumating tapos mas sasaya ka sakanila, anong gagawin mo?"

Bahagyang kumunot ang noo nya pero napangiti rin. Hinuli nya ang kanang kamay nito at mahigpit na hinawakan. "Kung may darating...wala akong magagawa dun."

Tumango tango ito, ",pero hindi ibig sabihin nun tatanggapin ko sila." , napalis nang kaunti ang ngiti nito.

"Matteo..natatakot ka ba na iiwan kita kung may darating man na iba?" Nananantya nyang tanong, pero hindi nya maitago ang saya.

Imbes na sumagot, lalong lumamlam ang mukha nito na unti unting pumalis sa ngiti nya.

"Shao, okay lang naman sakin.." Hinawakan nito ang pisngi nya at naglakbay ang mga mata sa mukha nya, "..lagi mong pipiliin ang mga taong handa kang alagaan, yung papasayahin ka at ituturing kang pamilya.."

Pilit syang natawa pero napawi rin at seryoso itong tiningnan, "Kaya nga lagi kitang pinipili diba?"

Natahimik ito. Bago sya hinapit at masuyong halikan sa mga labi. "Mahal kita.."

Masuyo syang natawa, "Alam ko.."

Assurance...marami sya nun para kay Matteo.
Kapag nagdadalawang isip ito sa relasyon nila, marami sya nun kahit ulit ulitin nya, 'wag lang nitong isipin na bibitaw sya dahil sa iba.

Kung dahil sa iba, kahit minsan hindi nya yun naisip. Tatanda syang masaya kasama si Matteo, yun ang nakaplano sa isip nya. Kahit may dumating pang iba na mas mahal sya.

"May pupuntahan ako mamaya, Matt.." Aniya.

"Saan?"

"Sasabihin ko nalang sayo kapag maganda ang naging pag uusap namin.." Pabuntong hininga nyang tinanggap ang yakap nito nang muli nitong ibaon ang ulo sa balikat nya.

"Hindi mo'ko isasama?" Napangiti sya. "Hindi..."

"Bakit?" Bulong nito.

"Kasi sabi nya ako lang ang pumunta.."

Malalim itong bumuntong hininga, "Ipapakilala mo ako sakanya?"

Natawa sya at pinisil ito sa pisngi.

Kapag maayos na ang lahat, ipapakilala kita sakanya.

Alam ko naman na magugustuhan ka nya..

*******

[ FLASHBACK ] 2 hours before meeting Matteo..

"Nasaan si mommy?" Humahangos na bungad nya sa daddy nya nang maabutan nya itong nakaupo sa sala.

Bahagya itong nagulat at inilapag ang dyaryo sa kamay. "Bakit ka nandito?"

Napatiim bagang sya dahil sa tanong na iyon.
"Si mommy. Nasaan si mommy?"

"In jail."

"STOP LYING! Wala sya 'dun!" Duro nya, nanginginig ang boses. "Saan mo sya dinala?"

"Kung wala sya doon, lalong wala sya dito."

"Dad naman!" Pabalibag nyang isinarado ang pintuan at may desperasyon na napasuklay sa buhok.

"Huwang mo akong sinisigawan, Rafael. Baka nakakalimutan mo kung nasaan ka!"

"Where am I, dad? I'm at MY OWN HOUSE!"

"This is not your house! Umalis ka, lumayas, tapos sasasabihin mong bahay mo ito?"

Nag ngalit ang mga ngipin nya, "Sinong nagtulak sakin na umalis? Diba ikaw?!" Duro nya dito. Mabilis ang paghinga nya, hindi nya alam kung paano kokontrolin ang taas ng boses dahil wala syang ibang nararamdaman kundi galit.

Wala man lang itong naging reaksyon kahit nakikita nito na halos sumabog na sya sa emosyon. Sanay na sya doon. Kaya imbes na masaktan, pilit nyang kinalma ang sarili

"Nasaan si mommy? Sabihin mo na sakin, Dad, para makaalis na ako sa bahay mo." Matabang nyang sabi.

"I don't know."

Mariin nyang itinikom ang bibig at tumalikod dito. Kuyom ang mga kamay na anumang oras ay baka hindi mapigilan.

"Umalis ka na. Bago pa ako magtawag ng guard."

Marahas sya ditong lumingon, "Nasaan si mommy?" Mariin nyang ulit.

"I said I don't know!"

Umakyat sa ulo ang lahat ng dugo sa katawan nya. Gaya ng dati, wala pa rin itong pakialam. Sakanya o sa mommy nya. Gaya pa rin ito ng dati!

Ilang sandali pa ay tanging nababasag na mga gamit ang maririnig sa buong bahay.

Lahat ng mahawakan nya binabato nya sa sahig, pinapalo sa pader hanggang sa mabasag, magkalat at masira.

Walang pumigil sakanya. Kahit ang daddy nya na nakatayo lang habang pinapanuod syang sirain ang mga bagay na nasa paligid nito.

Habol ang hininga, nang mapagod ay pasalampak syang naupo sa sahig, sa gitna ng mga bubog na mula sa mga paso at picture frame na naka-display sa pader at sa mga cabinet. Mga picture frame na sya lang ang wala sa litrato.

Puno ng galos ang mga kamay nya pero wala syang naramdamang kahit kaunting sakit.

"Wala kang kwenta, Dad. Alam mo yan sa sarili mo.." Nanghihina nyang sabi, mabigat ang paghinga, puno ng hinanakit ang boses. Wala itong sagot. Walang imik. Walang planong bigyan sya ng atensyon.

Dahan dahan syang tumayo at sa bawat paghakbang ay maririnig ang mga nadudurog na bubog.

Tahimik na lumabas sya ng bahay at hindi na rin sya nag abalang batiin pa si Kid na nakasalubong nya sa gate.

Nang makalabas ay pabagsak syang naupo sa bench hindi kalayuan sa bahay, hanggang sa bumalik sa dati ang bilis ng paghinga nya.
Doon sya nakatanggap ng isang text message. Isang pamilyar na address na kahit hindi magpakilala ang nagpadala, alam nya na kung saan iyon nanggaling.

TACHYCARDIA ( Book 2 & 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon