*****
"WHAT?! You brought him there? Shao Rafael, what do you think you're doing?"
"Portia-" Handa na syang magpaliwanag nang-
"Dapat ay noon mo pa yan ginawa! Sana sinabi mo sakin kaagad edi matagal na sana kitang natulungan na kunin si Matteo!"
Ilang sandali syang natigilan bago mahinang natawa sa huli nitong sinabi.
"Sasabihin mo ba kina Felix?" Tanong nya saka sinulyapan si Matteo na natutulog sa kama.
Dinala nya ito sa kakatapos lang i-renovate na resthouse ng mga Fonecier sa Batangas. Noong pumunta sila dito, hindi pa iyon tapos, pero ngayon ay fully furnished na kahit amoy pintura pa ang paligid.
"Of course not. Kay Colt siguro pwede pa, but Felix? Huh, nevermind. Magagalit lang yun at baka maulit pa ang nangyari. Just make sure you treat him right.." Ilang sandali pa silang nag usap dahil sa mga bilin nito na hindi pa sana matatapos kung hindi nya lang ito pinutol magsalita.
Matapos ang tawag, maingat na kinumutan nya si Matteo at nahiga sa tabi nito.
Mabilis syang pumihit padapa at nangalumbaba paharap dito.
Bukas pa ito magigising. Kaya may oras pa sya para maghanda ng paliwanag.
Magaan nyang hinaplos ang mukha ni Matteo, na parang gaya noong unang beses na dumampi ang kamay nya dito.
Tinitigan nya ito, na parang iyon ang unang beses nya itong nakita..Nang magsawa ang mga kamay at mata, lumapit sya sa tenga nito at bumulong, "Tatratuhin kita nang tama, Matteo.." Nakapikit nyang sabi saka yumakap dito at isiniksik ang mukha sa leeg nito. "...kahit walang magsabi.." Nanuot sa ilong nya ang amoy ng gamit nitong pabango. Magkahalong lavender at mint.
Napangiti sya at magaang sinundan ng daliri ang Adam's apple nito pababa sa pagitan ng dibdib. "Kailan ba kita...hindi trinato nang tama?" Napatiim bagang sya at ilang beses humaplos ang kamay sa parteng iyon bago ikinuyom sa mga kamay ang tela ng damit nito. "Matmat.." Bumilis ang tibok ng puso nya nang bahagyang dumampi ang mga labi nya sa gilid ng leeg nito.
Mariin nyang naipikit ang mga mata at napatiim bagang dahil sa munting kuryenteng naramdaman nya na alam nyang ilang sandali pa ay lalason sa utak nya.
Sandali syang hindi gumalaw at hinayaang humupa ang sensasyon, parang nakaapak ng bomba na kaunting galaw lang ay sasabog, kahit alam nyang yun ang pinaka-imposibleng mangyari sa gabing iyon. Ang pakalmahin ang sarili.
"Hindi talaga 'to magandang ideya, Shaolin.." Mahina nyang kausap sa sarili na may kaunting paghabol ng paghinga.
Mabilis syang bumangon at naupo sa gilid ng kama, napahilamos at ikinulong ang mukha sa mga kamay.
"Kailangan ko lang maligo..." Wala sa loob na sabi nya saka tumayo at nagmamadaling hinubad ang suot na pang itaas. Doon nya napansin na walang sariling CR ang kwartong napagdalhan nya kay Matteo.
Marahas syang napamura at iniwasang tumingin kay Matteo nang imbes na maghanap ng maliliguan ay dumiretso sya sa balcony para magsindi ng sigarilyo.
Mabibilis ang paghithit. Hindi mapakali ang tibok ng dibdib.
Kailangan nyang pigilan pero hindi nya alam kung gaano katagal.
Humigpit ang hawak nya sa railings at pinuno ng usok ang bibig bago iyon marahas na ibinuga.
Sa isip nya ay ang mga senaryong hindi nya dapat gawin dahil delikado at masyadong...masyadong..
"Ahh!"
Mabilis syang dumapa sa sahig at nagsimulang mag push-up.
Isa..
Dalawa..
Tatlo..
Apat...
Lima..
Hindi sya tumigil hanggang sa manginig ang mga braso nya at kusang bumigay.
Basa ng pawis ang damit, hingal syang napahiga sa sahig pero mahina ring natawa sa sarili..
..dahil kahit nanakit na ang mga braso nya...
...kahit nanlamig na ang balat nya dahil sa pawis...
...ay mas lalo lang uminit ang pakiramdam nya.
******
BINABASA MO ANG
TACHYCARDIA ( Book 2 & 3 )
RomanceWhen the heart is in trouble..but the heartbeat remains.