𝗧𝗵𝗲 𝘀𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿'𝘀 𝗺𝗲𝘁𝗵𝗼𝗱 ~
*******
Suot ang pares ng pinaka-mahal na damit sa closet, pumasok si Portia sa pinareserved nyang isa sa pinaka-mahal din na 5-star restaurant sa Pampanga. "Hi, Attorney DeMarco. I'm Portia Fonecier." Nakangiti nyang bati sa babaeng siguro ay ka-edad ng daddy nya.
"Nice meeting you, Ms. Fonecier."
Nang makita ni Portia ang abogadong nasa harap, alam nya na agad kung paano ito kakausapin. Marami na syang nakaharap na gaya nito. Tipikal na abogadong masungit ang mukha. Naka-formal attire, may dalang brief case at malalim tumingin, hindi basta maiisahan, kaya bago sya dito makipagkita, sinaulo nya muna sa isip ang lahat ng sasabihin nya.
"As you already know, I have a property in Australia. A very big property. Kaya lang hindi ko maayos ang deeds kasi nagbago ang isip ng binilhan ko. Here." Inabot nya dito ang folder na naglalaman ng mga dokumento ng lupa. "I already paid the price. Pero ayaw nya pa rin pirmahan ang titulo para mapasaakin na talaga ang lupa."
"Is he willing to refund the money?"
"Yes." Agad nyang sagot. "But I'm not. Napatayuan ko na yun ng bahay. I'm a very sentimental person, Attorney. Yun ang una kong nabiling property so I want it to be mine. For souvenir." Ngiti nya
Ngumiti rin ito at binuklat ang folder.
"Attorney, I heard you're a very good lawyer. Kaya nang may mag recommend sayo, hindi na ako nag dalawang isip na kunin ka bilang abogado ko." Sinsero nya itong nginitian. "Nalaman ko rin na babalik ka na sa Australia, kaya naisip ko na kausapin ka kaagad." Kunwa syang nag isip. "Can I ask...when are you going back to Australia?"
"Next week." Tipid nitong sagot.
Tumango tango sya at poised na sumandal sa upuan. Hindi ito palaimik. Naiintindihan nya dahil unang beses pa lang naman silang nagkita. "Can you...delay it? Kasi, balak ko sanang pumunta doon next month pa dahil may mga kailangan pa akong asikasuhin dito." Kaswal nyang tanong.
"Pwede naman akong mauna doon, Ms. Fonecier. I will just wait for you-"
Inangat nya ang hintuturo, "No, no, no. Gusto ko na present ako habang inaayos ang case." Nang makitang hindi ito papayag ay agad nyang hinawakan ang kamay nito, "Attorney, may isa pa kasi akong gustong ipa-handle sayong kaso. This time, it's about my family.."
Natigilan ito.
Shit. I really hate lying."Well, gusto ko na kasing makuha ang mana ko. But my dad is refusing to give it to me. I will give you additional pay for that case, of course. Kapag nakuha ko na ang pera ko, I can give you half of it. Gusto ko lang talaga yun makuha kasi, baka maunahan pa ako ng mga tuso kong kapatid.." Naiiling na sabi nya. "Malapit na rin kasing mabankrupt ang kumpanya ni Dad. Kaya gusto ko na yun makuha hanggang hindi pa yun nangyayari."
Kumunot ang noo nito, "Isn't your father Mr. Fonecier? The ex-congressman? Bankruptcy is somewhat impossible.."
Nasamid sya sa sariling laway. "Yeah. But.." Kunwa syang nag alangan. "Look, this is our secret, Attorney. Malapit na kaming maghirap. Atleast here in the Philippines."
Mataman sya nitong tinitigan.
Sana lang ay hindi ito nanuod ng balita kagabi. Dahil pinalabas doon ang ribbon cutting ng bago nilang bukas na gasoline station."Pero Ms. Fonecier, hindi ba pwedeng kausapin mo muna ang daddy mo tungkol sa bagay na yan? It's a family matters. Pwede muna siguro na madaan yan sa usapan." Itinuktok nito ang hintuturo sa folder na nasa mesa. "How about we focus on this case for now? Mas importante ito lalo pa at nasa ibang bansa ang property mo."
Humalukipkip sya at itinagilid ang ulo.
"No.." Diin nya. "That won't happen. My dad is extremely greedy. Hindi nya ibibigay saakin ang mana ko lalo na ngayong naghihirap na kami.."Sa isip nya ay agad syang humingi ng sorry sa daddy nya.
"I want to file a legal action. Balak ko na rin kasi na mag settle down-" Muntik na syang mapangiwi. Kahit nagsisinungaling sya nang mga oras na iyon, hindi nya maisip ang sarili na mag sesettle down at magigising araw araw kasama ang isang lalaki na makikita nya habang buhay. "- at magkaroon ng family. Kaya gusto ko na yun makuha agad." Dugtong nya., "And imagine if we won this case. Mas makikilala ka nila, Attorney. Bilang kaisa isang abogadong bumangga kay Ex-Congressman Dindo Fonecier.."
I'm really sorry, Dad.
Minsan pa, nahulog ito sa matagal na pag iisip pero mukhang nahuli nya na ang interes nito. Para bang tinatantya pa nito kung tatanggapin nito ang alok nya o hindi.
"Well, minsan lang akong maka-encounter ng client na gaya mo, Ms. Fonecier, a client from a prominent family. So, who am I to refuse?"
This woman.
Kung ibang abogado, pagkakita palang sakanya ay pumapayag na sa kahit anong kaso, pero dito ay kailangan nya pang pag-pawisan.Nakahinga sya nang maluwag at inilahad ang kamay, "So, it's a deal. Kung gusto mo, pwede kitang i-treat ng vacation with your family, Attorney." Kunwa nyang inilagay ang kamay sa gilid ng bibig at bumulong, "Kahit saan. Out of the country? Out of town? Name it."
Nakangiting nagkibit balikat ito at humalukipkip pasandal sa upuan, "Well..."
That's right. Think about it as long as you want, until my brokenhearted brother win your son back.
Lihim syang natawa.
Mabuti nalang at sa kabila ng nangyari sa resort, wala pa rin itong alam sa totoong relasyon nila kay Shao. Dahil kung hindi, baka hindi nito tinanggap ang alok nya.And as usual, money and influence never fail to lure someone.
*****
BINABASA MO ANG
TACHYCARDIA ( Book 2 & 3 )
RomanceWhen the heart is in trouble..but the heartbeat remains.