CHAPTER 06: Kapag Mayroong Pumasok Na Paniki Sa Loob Ng Tahanan, Ito Ay Nangangahulugang May Bagong Patay Sa Paligid.
"Po? Bakit po? Ano pong nangyare kay erol?" pagtatakang tanong ni drake at hindi mapalagay.
"S-si.. E-erol... (naiiyak) ay... Pat4y na." sambit pa sa tita ni drake at humagulhol ng iyak.
"ANOOO!!??" pasigaw na sabi ni drake at dito nga ay nabigla si president sa reaksyon niya at nagsalita pa ang mama ni erol.
"Kung pupunta ka dito ay bukas nalang, at dumiretso ka sa bahay." dagdag pa niya at nagpaalam na ibaba muna ang celpon dahil mag aasikaso pa si tita sa bangkay ng anak niya.
Halos mapaluhod si drake sa nalaman, ang mataba at matakaw niyang kaibigan ay pumanaw na.
"D-drake, okay kalang?" pagtatanong pa ni president dahil namumutla si drake.
Hindi maka sagot si drake at nagsimula nang umiyak kaya nag alala na si president.
"Oyy drake! Kausapin moko!" sambit pa ng pres.
Tumingin si drake kay pres at kitang kita sa mukha ni drake ang nakaukit na lungkot.
"S-si E-erol... P-pat4y na..." mahina niyang sabi sabay iyak ng walang tunog.
Nagulat si pres at agad niyang niyakap si drake at hinimas himas ang likod sabay sabing 'Condolence'.
Maya maya pa ay natauhan na si drake at tumayo tsaka kinuha ang dahon ng balete at dinala niya sa likod ng bahay dahil pauusokin at para na'rin matapos na ang pananakot ng multo kay pres nang biglang may paniki ang dumaan.
"Paniki?" sabi ni drake.
Nagtaka si pres sa sinabi ni drake kaya nagsalita.
"Ha?" sagot naman niya at tumingin sa tinitignan ni drake at dito nga ay nakita ni pres na may paniki ang nagmamadaling pumasok sa bahay ng namat4yan.
"Bakit may paniki ang nagpupumilit na pumasok?" tanong ng pres.
"Iwan, ngayon lang ako nakakita ng paniki na pumasok sa lamayan. Kadalasan kasi paru paru ehh." sagot pa niya at doon nga ay nakapasok ang paniki.
Isinawalang bahala lang ito ni drake dahil hindi niya alam kung ano ang kahulugan nyan or may kahulugan ba'yan o kaya nagkataon lang.
Ilang segundo pa ay nakarating na sila sa likod ng bahay at doon nga ay inilagay ni drake ang dahon at aakmang susunogin nang biglang sumigaw ang papa ni sue.
"ALIISS!!! ALLISS!!" sigaw niya.
"MALASS KAAA!!!" dagdag pa niya at pinagpapalo ng walis ang paniki hanggang sa makalabas ito.
"Papa! Ano bang nangyare?" tanong ni sue.
"Tumingin kayo sa mga paligid! Tingnan mo ang mga kaklase mo sue!" sigaw pa nito at agad namang tinipon ni sue ang kanyang mga kaklase, maliban kay pres at drake.
"Bakit kaya? Ano kaya ang ibig sabihin nun?" pagtatanong pa ni pres.
Umiling lang si drake at sinunog nga ang mga dahon at pinausok. Ilang segundo pa ay umuusok na ito at agad na nag pagpag si president para layuan siya ng mga nagagambala niyang mga kaluluwa.
"Okay na'ba to drake?" sambit niya habang nasa gitna ng usok.
"Okay na'yan." kunting sagot ni drake.
"Kumuha ka ng tubig at pat4yin mo na ang usok." dagdag pa niya at nagsimulang bumalik sa loob.
"Okay." kunting sagot ni pres at agad na pumunta sa c.r nang may natapakan siya.
"Aray! Ano to ang lambot." sambit niya.
Agad na kinuha ni pres ang celpon at pinailawan niya ang natapakan niya at sa pag ilaw niya nito ay tumambad ang katawan ni brent na nakahiga sa lupa na wala nang mga mata at may napakadaming uod sa bibig ang nag silabasan kaya napasigaw siya sa takot.
"AAAHHH!..." sigaw niya at dahil nga dito ay narinig nanaman siya ng lahat at dali dali silang nagtungo sa sumisigaw at saktong nadatnan nila si pres na nanginginig at namutla.
"Pres! Ano nanaman ang nangyare sayo!" pasigaw pa ni drake.
Tumingin si pres sa mga mata ni drake habang natataranta at nagsalita.
"S-si... B-b-brent..." nauutal na saad nito.
"Bakit! Anong nangyare kay brent!?" pagtatanong pa ni drake at agad na tinuro ni pres ang katawan ni drake na wala nang mga mata at may napakadaming uod sa bibig.
Nabigla ang lahat at yung mga babae ay napatakip ng bibig at nandidiri sa nakita.
"T-teka!? S-si brent B-bayan!?" saad ni drake.
"B-bakit W-walang M-mata!?" pagtatanong pa niya.
Agad na napailing ang papa ni sue at nagsalita.
"Kinain ng paniki." kunting sambit niya at nagsalita pa.
"Yung paniki kanina, kinain niya ang dalawang mata ng bata." dagdag pa niya.
"At paano mo naman nalaman tito?" pagtakang tanong ni drake dahil napakadami na ng nangyare sa loob lang ng walong oras.
"May nalabag kayong pamahiin, at siguro may nalabag din yang bangkay na yan dahil namat@y." sagot pa niya.
"At anong pamahiin naman ang nalabag ni brent?" sambit ni pres dahil lumaki siya sa pamilya ng mayaman at walang ganyang pamahiin ang narinig ni pres dahil hindi pa ito nakapunta ng lamay maliban dito.
Tumingin si drake sa papa ni sue at naalala niya na kumuha pala sila ng litrato sa lamay na tatlo lang ang tao at si brent ang nasa gitna kaya agad siyang kinilabotan at gumiginaw ang simoy ng hangin.
"Kumuha si brent ng litrato habang tatlo lang kami." hinang sagot ni rica mey.
Nagulat ang lahat sa sinabi ni rica mey at nagsalita si adam, ang nakakatandang kaklase nila.
"Hindi naman totoo yan! Ilang picture na ang nakuha ko habang nasa lamay ako!.. at kahit na tingnan pa ninyo ang celpon ko, nakaparaming picture jan na tatlo lang kami." pagputol pa niya sa usapan at agad na sumagot ang papa ni sue.
"Pamahiin yun sa pat4y, syempre walang mangyareng masama sa inyo dahil wala naman kayo sa lamay nang kinuha ninyo ang mga litratong yan. Nasa labas kayo ng bahay at medyo may kalayuan sa kabaong." sagot niya.
"Napakadami pang pamahiin, hindi lang sa pat4y." dagdag pa niya at dahil jan ay walang masabi silang lahat pati si drake ay walang maisip na isasagot.
"Yung kaklase din namin na mataba na nandito kanina lang ay namat4y rin." hinang saad ni drake.
"Si erol!?" pagtatanong pa ni adam.
"Oo adam, may nalabag siyang pamahiin. Nagdala siya ng pagkain sa bahay nila at doon nga ay nadatnan nalang siya ng magulang niya na bumubula na ang bibig at ilang oras lang ang lumipas ay namamaalam na siya." pagkwento pa ni drake.
To Be Continue...
BINABASA MO ANG
PAMAHIIN
Horrorang kwentong ito ay tungkol sa mag kaklaseng nakikiramay sa namatayan nilang classmate, kaso wala silang alam sa mga pamahiin kaya nagkanda letche letche ang lahat. Dahil sa mga pinaggagawa nila ay maraming namatay, hindi nila inakalang sa simpleng...