CHAPTER 19
Madami pang mga tanong si anna at nag hintay ng kunti sa kusina, baka magpapakita pa ulit si drake, ngunit lumipas ang 20 minuto ay walang drake ang nagpakita.
At lumamig na ang kape. Kaya napag pasyahan na ni anna ang bumalik na sa pag bibigay ng kape.
Pero bago pa siya namigay ay papalitan na muna niya ang kapeng dala niya, dahil malamig na ito. Kaya agad siyang nag timpla ulit, pero biglang pumasok ang simoy ng hangin sa loob ng kusina at nagsiliparan ang mga kurtina.
Agad na napatingin si anna sa paligid at sa hindi inaasahan, nakita niya ang kanyang sarili sa salamin at sa likod ay nandon si drake na nakayo.
Nang makita niya si drake ay agad siyang napasigaw.
"Drake!" sigaw niya sabay tingin sa likod ngunit wala si drake.
Kaya agad ring ibinalik ni anna ang kanyang tingin sa salamin at nandun pa'rin si drake sa kanyang likoran.
"Anna, umalis ka sa bahay." hinang sambit ni drake.
"Ha? Bakit?" pagtatakang tanong ni anna.
"Masamang pamahiin." sagot ni drake at agad na naglaho.
Nagulat si anna sa sinabi ni drake at nabitawan ang dinadala niyang baso.
"Masamang pamahiin?"
"Anong ibig niyang sabihin?"
Hindi nag dadalawang isip si anna at agad na tumakbo patungong labasan at doon sa tent siya nakaupo. Hindi siya pumasok sa bahay dahil sa sinabi ni drake.
Hindi niya alam kung maniniwala ba siya o hindi, pero para makasigurado ay lumabas pa rin siya at pinagmasdan ang paligid. Para siyang tang@.
Maya maya pa ay lumipas na ang ilang oras pero walang nangyare, medyo naiinis si anna dahil baka daw pinaglaruan siya ni drake. Kung sa bagay, pat4y na at hindi na si drake ang nagmamay ari ng kanyang katawan, at mas lalong hindi na si drake ang kausap ni anna sa kusina kanina doon sa salamain.
Ipinagwalang bahala lang ito ni anna at nagtungo papasok ng bahay at hinanap si tita.
Nga'pala, 2nd floor ang bahay nila drake. Kaya medyo malaki at may kanya kanya silang kwarto sa taas.
Habang hinahanap ni anna si tita ay hindi niya ito nakita. Pumunta na siya sa kusina, cr, at sala, pati na rin sa labas ng bahay at sa likod pero hindi niya makita.
"Nasaan na kaya ang ina ni drake." pagtatakang sambit ni anna sa kanyang sarili, pero sa hindi inaasahan, biglang may kumalabog sa taas ng bahay kaya napatingin si anna.
"Tita?... Nanjan kaba..." sambit ni anna at dali daling tumingin sa hagdanan papuntang 2nd floor.
"Hello po tita, baka nanjan ka paki sagot po ako." dagdag pa niya.
Ngunit walang sumagot kaya medyo kinabahan na si anna.
Aakmang paakyat na sana siya at titingnan kung may tao ba nang biglang may isang babae ang biglang nagpakita na naka tiyaha, naglalakad siya na kagaya ng aso pero nakahaya at nakatingin sakin na nakatitig. Napakaitim ng mata at parang...
"T-tita?" sambit ni anna nang nakita niya nang malinaw ang mukha ng babae.
"Titaa! Anong ginagawa nyo!" pabiglang sigaw ni anna at lalapitan sana niya si tita para tulungan, pero biglang may isang anino ang lumitaw, nakahood ito ng itim at may dinadala rin itong maitim na libro. Tsaka may dala itong mahaba na sandata.
Dahil sa nakita ni anna ay napahinto siya sa hagdanan at walang maisip na gagawin.
Dahan dahang bumaba si tita na naglalakad ng parang aso, nakahiga ang posisyon palapit sa kinaruruonan ni anna, nakakatakot niya tingnan, nakabuka ang bibig habang papalapit.
Sobrang takot ang naramdaman ni anna at nanginginig na ang kanyang mga tuhod, maya maya pa ay nagiging buto ng tao ang anino, pero nakahood pa'rin ito at may dalang maitim na libro.
Kitang kita ni anna ang kamay na puro buto habang nakahawak sa libro, walang duda, si kamat4yan nga.
Pero bakit siya nandito?
May buhay ba siyang kukunin?
Kung meron, kanino naman?
Hindi naman pwedeng kay drake dahil wala na siyang buhay...
Baka buhay ko?...
At bakit naman niya ako kukunin?
Napaka daming tanong ang pumasok sa isip ni anna. At isa sa mga tanong ni anna ay kung bakit niya nakikita si kamat4yan.
Maya maya pa ay biglang lumitaw sa ere si kamat4yan at nagtungo sa kinaruruonan ni tita habang nakangiting nakatitig kay anna. Para bang gustong niyang kunin si tita...
Habang palapit si tita kay anna ay unti unti ring palapit ng palapit si kamatayan kay tita, at ilang segundo pa ay nakalapit na nga si kamat4yan at biglang naglaho ang libro na hawak hawak niya.
Agad na hinawakan ni kamat4yan si tita at biglang bumaksak ang katawan ni tita sa hagdanan, hindi ito umiimik. Ganun siguro kumuha ng kaluluwa si kamatayan. Hahawakan lang niya, at sa oras na mahawakan ka ay mamat4y kana agad.
Pagkatapos niya hawakan ang katawan ni tita ay biglang lumitaw ang maliit na anino doon sa kamay ni kamat4yan, at nagiging libro ito. Parang listahan ito ng mga pangalan ng mga kukunin niyang buhay.
Agad na tumalikod si kamat4yan at nagtungo sa kwarto, kaya sinundan ito ni anna at pagkapasok niya sa kwarto ay biglang nawala si kamat4yan.
Kaya agad ring umalis si anna sa kwarto para tulungan si tita nang biglang lumitaw si drake sa harap ni anna.
"Aaaahhh!!" Sigaw pa ni anna dahil nabigla at nagulat siya sa biglaang paglitaw ni drake.
"Kumalma ka." hinang sambit ni drake.
Tumingin si anna kay drake, at nagulat si anna sa nakita. Dahil ang kulay puti na mukha ni drake ay nagiging gray, yung kulay pagnamumutla ang isang tao o kaya pag walang dugo ang katawan.
Pero ang ipinagtataka ni anna, may dugo naman sa labas ng teynga ni drake at napakadaming gasgas ang labi.
Talagang nakakatakot ang hitsura ni drake. Kaya sa sobrang takot ni ana ay napaatras siya sa gulat nang makita niya ang mukha ni drake.
"Anna, makinig ka." sambit ni drake at aakmang lalapit nang biglang umatras si anna.
"Huwag mo'kong pat4yin please!" pagmamakaawa pa ni anna at paatras ng paatras.
"Anna, tumigil ka sa kakaatras." sambit pa ni drake.ngunit nag pupumiglas si anna.
"Ayoko! Takot akong mamat4y!" sigaw ni anna.
"Anna please! Makinig ka." dagdag pa ni drake.
"Bahala ka!" sagot pa ni anna at atras ng atras habang si drake ay lapit ng lapit. Kaya napagdesisyonan ni drake na huwag nang lalapit tsaka siya nagsalita.
"Anna, kapag patuloy kang aatras. Mamamat4y ka." sabi niya.
To Be Continue...

BINABASA MO ANG
PAMAHIIN
Horrorang kwentong ito ay tungkol sa mag kaklaseng nakikiramay sa namatayan nilang classmate, kaso wala silang alam sa mga pamahiin kaya nagkanda letche letche ang lahat. Dahil sa mga pinaggagawa nila ay maraming namatay, hindi nila inakalang sa simpleng...