CHAPTER 21

221 4 0
                                    

CHAPTER 21: Mag Pagpag bago umuwi ng bahay.

Hindi alam ni rica mey kung saan siya tatakbo, sa harap ba na nandoon ang multo ni alexis o sa likod na nandon naghihintay si drake.

Kaya umupo nalang siya at yumuko sabay tabon sa mukha na para bang bata kung titignan habang umiiyak at sumisigaw ng "GOD, PLEASE HELP ME!"

Kinabukasan ay nakita nalang ng mga tao ang bangkay ni rica mey na nakahandusay sa kalsada.

***ANNA'S POV.***

It's been 10 hours ang nakalipas, at nag uumaga na. Habang mag isa akong nag aasikaso sa kabaong ni drake ay biglang may tumawag sakin.

*Ring!..* *Ring!...* *Ring!...*

*Click!.*

"Hello?" sambit ng lalaking nasa phone.

"Ahmm.. Yes?" sagot naman ni anna.

Lumunok muna ng laway ang nasa phone bago magsalita.

"Pres, si rica mey pat4y na." sambit niya.

Agad na nagulat si anna sa narinig at bigla siyang kinabahan.

"S-seryoso? T-teka, sino kaba?" pagtatanong pa ni pres.

"Ako ito, si patrick. Pinapapunta mo jan si rica mey kahapon diba?" pagtatanong pa niya.

"Oo" kunting sagot ni pres.

"Alam mo bang galing yan dito si rica mey?" pagtatanong pa ni patrick.

"Ha? Galing jan? San bayan?" pagtakang tanong ni pres.

"Nandito yan sa bahay nila alexis, nakikiramay." sagot naman ni patrick. At nagsalita pa.

"May alam ka'bang tungkol sa pamahiin pres? Alam mo bang bawal ang pumunta sa ibang lamay habang galing ka sa isa pang lamay?" tanong ni patrick.

Dahil nga dito ay agad na nabitawan ni pres ang celpon niya, dahilan para mabasag at naputol ang pag uusap nila ni patrick.

"B-bawal?"

"Kung bawal ang pumunta sa lamay habang nakikilamay pa sa ibang pat4y, bakit kami ni drake ay buhay pa?" dagdag pa niya.

Pero biglang sumagip sa kanyang isip na pat4y na pala si drake, kaya siya nalang ang natitirang nakalabag sa pamahiin na buhay.

Dahil jan ay agad na tumatayo ang balahibo ni anna at nabigla. Aakmang pupunta ng kusina para kunin ang bag nang biglang nagpakita si drake.

"Anna, pumunta ka sa sementeryo at lumapit ka sa gate. May mga bata doon na nag aabang ng mga taong palabas galing sa loob ng menteryo at doon ay mag pagpag ka. Huwag ka munang babalik sa lugar na'to hangga't hindi pa nailibing ang mga multong nagpapakita sayo." sambit niya at agad ring naglaho.

"T-teka! Drake! Huwag mu-"

Naputol ang kanyang pagsasalita dahil agad ring naglaho si drake.

"P-pero paano na ang bangkay ni nyal at kay tita? Sino nalang ang mag aasikaso sa kanila?" bulong ni anna sa kanyang isip.

Maya maya pa ay habang nakaupo si anna sa harap ng kabaong ni drake ay parang wala ito sa sarili, di niya halos maisip na sa simpleng pagdala lang ng pagkain pauwi ay nagkandaleche leche na ang lahat at napakaraming namamat4y.

Nag iisip si anna kung pupunta ba siya sa sementeryo o hindi, dahil walang mag aasikaso kay drakel. Maya maya pa ay dumating na ang bangkay ni tita galing sa m0ŕgú£ na ipinagtaka ni anna.

"Miss, pwede bang itabi muna ng kunti ang isang kabaong?... Dahil itatabi namin tong isa pang pat4y?" paghingi pa ng paalam ng funeralista na babae.

"A-ah.. Okay.." kunting sagot ni anna dahil nagtataka siya kung bakit nandito ang bangkay ni tita, wala namang nag aasikaso sa kanya doon sa hospital at hindi rin ito inasikaso ni anna kaya pa'nong nakalabas yan sa hospital?

Agad na itinabi ng kunti ang kabaong ni drake at inilagay nga sa tabi ang isa pang kabaong, at nagulat nalang si anna nang may isa pang lalaki ang pumasok sa bahay.

"Salamat po." sambit ng lalaki sa funeralista at agad ring umalis ang funeralista pagkatapos nilang ihatid ang bangkay.

Lumapit ang lalaki sa kabaong ni drake at pinagmasdan ito, dahil sa pagtataka ni anna at sa kadahilanang gusto niyang malaman kung sino ito ay nilapitan niya ang lalaki.

"Salamat ha." sambit ng lalaki nang makalapit na si anna.

"Ha? Saan?" sagot ni anna sabay kamot sa ulo.

"Salamat dahil inalagaan mo ang kapatid ko." dagdag pa niya.

"So, may kapatid pala si drake." sambit ni anna sa kanyang isip.

"A-ahh.. Ehh.. Actually, kaklase ko sya. Nakikiramay lang din ako dito." nahiyang sagot ni anna sa lalaki.

"Ahh.. Ganun ba, sge umalis kana at mag pagpag ka." sagot ng lalaki na agad na ipinagtaka ni anna.

"Ha? Pagpag? Bakit?" pagtatanong din niya sa lalaki dahil nagtataka siya sa mga sinasabi nito.

Ngumiti lang ang lalaki at sumagot.

"Kita mo yan? (sabay turo sa labas ng bintana.) sabi niya mag pagpag ka daw."

Agad na nagulat si anna dahil nang tumingin siya sa tinuro ng lalaki na nasa labas ng bintana ay nandon si drake na nakatayo.

"Nakikita rin kaya ng lalaki si drake o nagkataon lang?" sambit ni anna sa kanyang isip.

"Anong ibig mong sabihin?" pagkukunwari pa ni anna na walang nakita. Pero ngumiti lang ang lalaki at sumagot.

"Pwede ba, wag kang magkunware. Imposibleng hindi mo nakikita si drake." sambit niya na natatawa.

"Oo nga pala, kapatid mo sya." sagot ko.

"Oo, kababatang kaibigan yan ni erol. Imposibleng di mo sya kilala." sagot niya.

Dahil nga dito ay agad na natuwa si anna at sumagot ng "salamat" tsaka nagmamadaling lumabas ng bahay.

Nakangiti si annang tumatakbo pabalik sa bahay para maligo at tsaka siya pupunta ng sementeryo para mag pagpag.

Ilang minuto lang at nakarating na siya sa kanilang bahay, agad siyang pumunta sa cr at nagmamadaling maghubad ng mga damit at agad na nagshower.

Habang nag sha-shower siya ay biglang namat4y ang shower na ipinagtataka ni anna. Hindi naman ito sira at nakakapagbayad naman sila ng bill.

Labis na pagtataka ang nakaukit sa kanyang mukha at aakmang lalabas nang biglang nagpakita si erol.

"AHHH!" pabiglang sambit ni anna.

"E-erol.. B-bakit ka nagpakita..." nauutal na sambit ni anna at dali daling tinakpan ng dalawa niyang kamay ang kanyang dalawang naglalakihang dibdib at ginawang X yung legs para matabunan ang matambok niyang harap.

Ngumiti lang si erol habang may mga dugo ang nagsilabasan sa kanyang bibig, tumatawa siya at may dalang pagkain tsaka nagsalita.

"Papunta na dito sila alexis at brent."

To Be Continue...

PAMAHIINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon