CHAPTER 03: Bawal Kumuha Ng Picture Sa Lamay Kapag Tatlo Lang Kayo Dahil Mamamat4y Ang Nasa Gitna.
Hindi na ito kumikibo, pati narin ang kamay na nasa bibig ay hindi narin gumagalaw. Naiwan ang kamay sa bibig ni alexis habang si alexis naman ay parang statwa na nakaluhod habang hawak hawak ng kamay ang pus0 niya.
Samantalang si brent at si drake ay walang kaalam alam na pat@y na si akexis.
***DRAKE'S POV.***
"Bukas na bukas e lilibre kita ng milktea." pagmamayabang pa ni brent kay drake.
"Oyy walang bawi-..."
Naputol ang pag sasasalita ni drake nang biglang nagsalita ang babaeng ka-klase nila sa likod.
"Ako din! Ako din!" nakangiting sabi nito.
"Luh, si drake lang ang pinangakuan ko ha, hindi ka kasali." pabirong sagot ni brent sa kaklase niyang si Rica Mey.
"Bahala ka! Basta e lilibre mo din ako ng milktea bukas!" sambit pa ni Rica Mey na may kunting landi.
"O'sure haha(sabay kindat) bukas na." nakangiting sagot nito.
"Yeey!! Hehe thank you!" sagot ni Rica Mey at niyakap niya si brent.
Napakumot noo nalang si drake dahil kunting landi lang ni Rica Mey ay nakuha na niya agad si brent.
"Promise mo yan ha!" landing sabi ni rica mey at si brent naman na uto uto ay pumayag agad.
"Tara picture tayong tatlo!" wika ni rica mey sabay kuha sa celpon ni brent, at ino-open ang front camera.
"Oyy! Rica, bawal yan!" mahinang sigaw ni brent.
"Ay... Tinanggihan mo ba ako baby brent?..." palungkot na sabi ni rica mey at may pinalungkot lungkot effects pang nalalaman. Pati nguso pinapalungkot din, mga babae nga naman.
"Well, pamahiin lang naman yun ehh hehe. Tara ra, aakbay ka sakin rica ha." sagot naman ni brent na nahulog na sa bitad na landi ni rica mey.
Kaya tumingin ako sa mukha ni rica mey at tinarayan ko siya. at agad namang tumitig sakin si rica mey na natatawa. Para bang sinasabi sa mukha niya na kaya niyang kunin lahat ng lalaki dahil sa taglay niyang kalandian.
Agad kaming nag picture at saktong nasa gitna si brent at ako naman at si rica ay nasa gilid habang nakaakbay si rica kay brent na dinikit yung d*d£ sa balikat ni brent.
"Grabe ang babaeng to." pag muni muni pa ni drake na walang tunog habang nagtitinginan silang dalawa ni rica at ngumiti lang si rica mey.
"Ito na! 3... 2... 1... Smilee!!.." sigaw ni rica mey at kinunan na niya ng picture.
"Ayan memories! I post mo yan sa facebook brent ha! Mag ha-heart ako." wika pa ni rica mey.
"Okay rica (sabay kindat)."
Medyo natatawa si drake kay brent dahil kahit sinong lalake alam na panglalandi lang ang ginawa ni rica mey.
"O'sya, jan muna kayo at babalik na ako sa loob at tutulong muna ako kay sue." sambit ni drake at agad na umalis.
Naiwan si brent at rica sa labas na naglalandian, pero si drake ay natatawa lang sa dalawa lalong lalo na kay brent na halatang pinagsamantalahan lang ni rica ang perang napanalunan.
"Baby breynt.. Gushto ko bukash (sabay kagat ng hinlalaki sa kamay) tayo lang dalawa ang mag milktea pleash!..." pang aakit pa ni rica na nagboboses cute at ito naman si brent ay tiwalang tiwala.
"Okay baby rica haha wag na natin isama si drake." nakangiting sabi nito sa dalaga.
"Yeheyy!!.." sagot ni rica sabay lapit at niyakap si brent.
BINABASA MO ANG
PAMAHIIN
Hororang kwentong ito ay tungkol sa mag kaklaseng nakikiramay sa namatayan nilang classmate, kaso wala silang alam sa mga pamahiin kaya nagkanda letche letche ang lahat. Dahil sa mga pinaggagawa nila ay maraming namatay, hindi nila inakalang sa simpleng...