CHAPTER 10

315 8 0
                                    

CHAPTER 10: Kapag Pumutak Ang Manok Sa May Lamay, Ibig Sabihin Mayroong Pat4y Na Nakikilamay  Sa Isa Pang Pat4y.

Nakuha ang kanyang atensyon sa isang lalake. Familiar siya, i mean kaklase niya ito.

Nakita ng kanyang kaklase na nakatingin sa kanya si anna Kaya agad niya itong nilapitan at nagsalita.

"Balita ko namat4y daw si erol, Tama ba pres?" sambit ng lalaki.

Ngumiti naman si anna at bago magsalita ay nanlamig ang mga paligid at tumatayo ang kanyang balahibo kaya  sumagot na si anna.

"Oo alexis, buti naman at naparito ka." sambit niya.

"Oo nga ehh, Bakit daw namat4y si erol?" pagtatanong pa ni alexis.

Napayuko si anna at nalungkot tsaka nagsalita.

"May nalabag siyang pamahiin." lungkot na saad ni anna kay alexis.

Biglang ngumiti si alexis, dahil dun ay nagtaka si anna at nagtanong ulit si alexis.

"Ibig bang sabihin, pag may pamahiin kang nalabag ay papat4yin ka ng multo?" pagtatanong pa ni alexis.

Tumango lang si anna at tumingin kay alexis na ngumiti dahil sa narinig.

"Ang saya mo yata?" pagtatakang tanong ni anna dahil siga naman yang si alexis, bihira lang din yan tumatawa.

Habang nag uusap sila ni anna ay saktong nakita siya ni drake kaya lumapit si drake at nagtanong.

"Pres? Sinong kausap mo?" pagtatanong ni drake.

Napataray si anna at nagkata, tsaka tumingin kay drake at sumagot.

"Si alexis, bakit?" sagot ni anna.

"Ha?.. Si alexis?.. Saan?" pagtatanong pa ulit ni drake at tumingin tingin sa paligid, ngunit walang alexis ang nakikita.

"Ayan oh!" sambit ni anna at aakmang ituturo si alexis nang bigla itong naglaho.

"Oh? asan?" tanong ni drake.

Nagtaka si anna at bumulong sa sarili.

"Nandito lang yun ahh, bakit biglang nawala?" sambit niya sa kanyang isip.

"Ano pres? Asan na si alexis?" dagdag pa ni drake.

"Drake maniwala ka, nakausap ko siya bago palang." sambit ni anna at nagsimula nang magpanik.

"D-drake... W-wala naman... Siguro akong nalabag na pamahiin d-diba?" nauutal sa sabi ni pres at nagsimula na siyang mangamba.

Dahil sa reaksyon ni pres ay agad na tumango si drake at sinabi na 'wala' para hindi magpanik si pres.

Naguguluhan na si drake at nagtataka, kaya nagsimula na siyang maghinala.

Habang nag iisip si drake ay may isang inahing manok na kulay itim ang pumasok sa loob ng bahay at pumatong sa kabaong tsaka pumutak ng napakabilis at napakaingay.

"DRAKEE!! YUNG MANOK PAALISIN MO!" sigaw ni tita kay drake.

"Opo tita!" Sigaw pa ni drake pabalik at agad na pinaalis ang itim na manok. tsaka kinakabahan si drake dahil alam niya ang ibig sabihin pag may manok na pumasok sa lamay at pumutak.

Dahan dahang tumingin si drake sa mata ni president. At dito nga ay biglang natakot si president dahil sa awrang pinakita ni drake at parang nag iiba si drake kaya nagsalita si anna.

"D-drake... B-bakit?..." nauutal na sabi ni anna at nagsimulang matakot kay drake.

"S-si Alexis..." hinang sambit niya.

"Ha? Bakit? Anong meron kay alexis?" pagtatakang tanong pa ni anna.

"Si alexis... Yung kausap mo kanina ay isang multo." dagdag pa niya.

Nagulat si anna at biglang tumayo ang kanyang balahibo at agad na napaatras sa narinig.

"H-hoy! D-drake!... Huwag kang mag biro ng ganyan!" mahinang sambit ni anna.

Hindi nakasagot si drake, kaya agad na kinuha ni anna ang kanyang celpon at dali daling nag open sa facebook para i chat si alexis.

Pero bago pa siya naka punta sa messenger doon sa fb lite ay bumungad na sa kanyang newsfeed ang isang post ng News alert.

**************************

Daily news alert • Follow
Thursday 9:21am

May isang batang lalake ang natagpuang pat4y matapos makita ng isang babaeng mag titinda sana ng puto bombong habang naglalakad sa kalsada.

Ang sabi sa babae, nakita niya ang lalaking nakaluhod habang may isang kamay ng bata ang nakaharang sa bibig habang may dala itong pus0.

Babae: Hindi ko naman alam na pus0 iyon ng lalake ang nasa kamay ng bata, kaya nilapitan ko ito sa pag aakalang isang sining o art ang statwang yun, pero nagulat ako nang makalapit, dahil yun pala ay tao.

Sobrang nakakaawa ang sinapit ng batang si alexis, sampung oras na ang nakalipas.

Para makita ninyo ang hitsura, may mga litrato akong nakuha, pakitingnan nalang sa ibaba.

*************************

Agad na tiningnan ni anna ang mga litrato at walang duda, si alexis nga. Kaya tinawag niya si drake at pinakita ang mga litrato ni alexis.

"So, ibig sabihin pati si alexis ay namat4y rin?" sambit ni drake at nagsalita pa.

"Ano naman ang nalabag ng lalaking yun?" pagtatakang tanong ni drake at tiningnan niya si anna.

"O'bakit ka nakatingin sakin?" sambit ni anna na hindi mapakali tsaka ang dami ng namat4y dahil lang sa pamahiin na yan.

"Wala." kunting sagot ni drake.

"Ahh okay." sagot naman ni anna at tumingin sa labas.

"Gabi nanaman." hinang sambit niya.

Ito ang kinatatakutan ni anna, dahil kahapon lang ng gabi ay nakiramay lang sila ng mga kaklase niya at tatlong tao na agad ang namat4y.

Dahil lang sa pamahiin na hindi manlang niya alam kung ano ang mga kahulugan ng mga ganyan.

Maya maya pa ay nagsalita si drake.

"Diba ngayon ang libing ng kapatid ni sue?" tanong niya.

Tumango lang si anna at nagsalita.

"Oo, at hindi manlang tayo naka assist sa libing." sagot niya.

Habang nag uusap silang dalawa ay napalalim ang kanilang pag uusap, hindi nila malayan ang oras at saktong alas nuwebe na ng gabi.

Kaya mas pinabuti pa ni drake na pagpahingahin na muna si anna, dahil magdadalawang araw na silang hindi nakatulog ng maayos kung hindi pa niya pauuwiin si anna.

"Mas mabuti kung uuwi ka muna pres, magpahinga ka." sambit niya.

"Ha? Bakit? Ayaw mo bang samahan kita?" pagtataka pa ni anna.

"Hindi naman sa ganun, gusto ko lang na makapagpahinga ka." pag alala pa ni drake kaya naintindihan naman ni anna si drake.

Tumalikod si anna at aakmang aalis nang biglang may isang babaeng buntis ang nagmamadaling pumasok habang umiiyak.

"Adam!" sigaw ng babaeng buntis.

Agad na nagulat si drake at agad na pinigilan ang babae sa paglapit sa kabaong dahil malas yun.

"Teka!" sambit ni drake at agad na tumakbo ng mabilis.

Pero hindi rin napigilan ni drake. dahil nakarating na sa harap ng kabaong ang babaeng buntis habang umiiyak.

Nanlaki ang mga mata ni drake at nagsalita.

"MALAS YAN!... BAKIT KA LUMAPIT!... MAMALASIN KA NYAN ATE!..." sabi niya.

To Be Continue...

PAMAHIINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon