CHAPTER 23
Kaya agad na lumingon si anna kay patrick para magtanong kong ano ang susunod niyang gagawin. ngunit sa pag lingon niya ay nawala si patrick sa kanyang tabi.
Dahil sa pangyayareng yun ay narealize ni anna na
Pat4y na pala si patrick, at kaya pala palagi siyang tinitingnan ng mga tao pag nagsasalita ay dahil siya lang pala ang nakakakita kay patrick. Pero sa tingin ng mga tao ay baliw siya dahil nagsasalita siyang mag isa.Dali daling lumabas si anna sa sementeryo at nakita niya ang batang nag aabang sa labas na nag ligpit na ng mga gamit.
"Teka!" sigaw ni anna at dali daling tumakbo palapit.
"Pwede ba? Wag kang sumigaw, nabubulabog mo yung mga pat4y teh." pagrereklamo pa ng bata.
"Ayy ganon ba, sorry pero kailangan kong magpagpag bago makauwi, pwede pa'ba?" pagtatanong ni anna.
"Bakit gusto mong mag pagpag?" pagtatanong pa ng bata.
Huminga ng malalim si anna at nagsalita.
"Sinundan ako ng mga multo." sambit niya.
Dahil jan ay pinagtatawanan siya ng bata.
"Hahaha, alam mo teh, walang multo. Ang pag pagpag na ginagawa namin dito araw araw ay pangkabuhayan lang. Ibig sabihin niloloko lang namin kayo, dahil tradisyon yan eh, at tsaka gamot sa lumang paniniwala na tinatawag ninyong pamahiin." pagpaliwanag pa ng bata tsaka nagsalita pa.
"Loko loko rin kasi ang mga pinoy, kami nga dito hindi nagpagpag ehh, di naman kami namamat4y." sambit pa ng bata.
"Pero kung gusto mong magpagpag, pwede pa naman. Wait lang at pauusukin ko lang tong lata ko na may dahon." dagdag pa ng bata at agad na pinausok ang dala niyang lata.
Habang pinasuok ng bata ang lata ay nagtanong si anna.
"Paano kung hindi undas? Anong pangkabuhayan ninyo?" tanong niya.
Natawa ang bata sa tanong ni anna at nagsalita.
"Yung mga iniwan ng mga tao sa puntod, pag may dadalaw sa mga pat4y ay yung iba may mga dalang pagkain kaya pag nakaalis na sila ay tsaka lang namin kukunin yun at kakainin haha." natatawang sambit ng bata.
"Sayang din kasi, walang kakain di naman yun babangon para kumain." dagdag pa niya.
Dahil jan ay natawa si anna at nag salita.
"Maliban jan, ano pa?"
"Ahhmm.. Yung mga bulaklak." kunting sagot ng bata at sinindihan ang dahon para umusok.
"Ha? Bakit nyo kakainin ang bulaklak?" pagtataka pa ni anna.
Natawa nanaman ang bata at sumagot.
"Ateng... Common sense din paminsan minsan, syempre mag alay yan ng bulaklak bago pumasok sa sementeryo. Diba, nakaugalian na ng mga tao ang bumili ng bulaklak sa labas para ihandog sa patay?" sabi pa ng bata.
"Yung perang kinita namin, yun yung ipambili namin ng pagkain, tsaka yung mga bulaklak na iniwan nila sa puntod ay kukunin namin para ibenta bukas.." pag e explain pa ng bata tsaka nagsalita pa.
"Yun ang tinatawag naming sideline." pagpaliwanag pa ng bata at maya maya pa ay umusok na ang lata kaya pinapagpag na niya si anna.
"Ayan, okay na. Hindi kana susundan ng multong sinasabi mo." sambit ng bata at nakita niya na siniradohan na ng guard ang gate ng sementeryo kaya agad itong nagmamadali.
"O'sya.. Akin na bayad mo ate, kailangan ko nang sumideline. Baka pagdating ko sa loob ubos na ang mga kandila." sambit ng bata at halatang nag mamadali.
"Ayy gagiks, may bayad pala ang pag pagpag." sagot ni anna sa isip.
Agad na kumuha si anna ng pera, pero bago pa niya binigay ang bayad ay nagtanong pa ito.
"Papasok ka sa sementeryo ngayon?" tanong ni anna at tumingin sa langit. Napakadilim na at nakakatakot." dagdag pa niya.
"Oo, sinira na ang pinto, ibig sabihin wala nang tao sa loob. Madami yang mga pagkain at saktong nagugutom na ako haha. Sayang din yun tsaka may dagdag kita pa, yung mga kandila ay ibubuo namin yun ulit, tsaka yung mga bulaklak na hindi pa nalalanta ay papalitan ko baka sakaling mabuhay pa." sagot ng bata at agad na kinuha ang pera na nasa kamay ni anna at agad ring umalis patungong loob.
Dahil dun ay nawala ang takot ni anna at kahit na madilim ay nakangiti itong naglakad pabalik sa bahay, pero habang nag lalakad siya ay nakita niya ang mga batang nagsitakbuhan papasok ng sementeryo at may sinasabi pa nga ito dahilan para matawa si anna.
"Its dinner time!!" sigaw ng bata at tumakbo ng napakabilis.
"Hahaha, mga batang to. Mga lokoloko, us£l£ss lang din pala ang mga alay namin sa mga namayapa naming kamag anak, dahil kakainin rin pala ng mga bata pag nakauwi na ang may ari. Haha."
"Goodluck sayo patrick, sana madepensahan mo ang kandila na nilagay mo sa puntod mo haha." dagdag pa ni anna.
Pagkatapos nyan ay masaya siyang umuwi dahil nakapag pagpag na sya kaya nang makauwi na siya ay agad siyang naghubad at dumeretso sa cr, naligo at pagkatapos ay nagbihis.
Handa na siyang lumabas sa kwarto para kumain ng dinner, pero palabas palang siya ay naramdaman na ni anna ang init ng paligid, dahilan para tumigil sa kakagalaw at pinagmasdan ang paligid.
"Huwag naman sana...." hinang sambit niya dahil nararamdaman niyang may magpapakita nanaman sa kanya.
Pero hindi nga sya nagkakamali, dahil biglang lumitaw ang katawan ni alexis sa pinto, dahilan para sumigaw siya.
"AAAAAHHH!!" sigaw niya sabay talon papuntang kama at doon siya humiga at pumikit.
"Aliss!!"
"Alis!! Tulongg!!!"
"Tulonggg!!" pagsisigaw pa niya ngunit hindi nawala si alexis at lumalapit pa ito kay anna.
"AHHHH!! ALMIGHTY GOD! IN JESUS NAME!" sambit ni anna habang umiiyak hanggang sa hinawakan siya.
"AAAHHH!! WAAGG!!" sigaw niya sabay hampas sa kamay palayo sa kanya.
"Anna!" sambit ng lalaki.
"Waagg!! HUHUHU!" sagot naman ni anna at patuloy na hinampas ang kamay sa tuwing dadampi ito sa kanyang katawan.
"Anna! Anong mangyare sayo!" patakang tanong ng lalaki.
Dahil jan ay napagtanto ni anna ang boses kaya agad siyang natauhan at tumigil sa kakasigaw at lumingon sa lalaki.
"ANNA! OKAY KALANG!?" pag alala pa nito.
"K-kuya! Huhuhu!" Sagot naman ni anna sabay yakap sa kanyang kuya.
"Bakit ka sumisigaw ha!?"
Humagulhol ng iyak si anna at sumagot.
"H-hinabol ako ng mga multo kuya!" sabi niya.
To Be Continue...
BINABASA MO ANG
PAMAHIIN
Horrorang kwentong ito ay tungkol sa mag kaklaseng nakikiramay sa namatayan nilang classmate, kaso wala silang alam sa mga pamahiin kaya nagkanda letche letche ang lahat. Dahil sa mga pinaggagawa nila ay maraming namatay, hindi nila inakalang sa simpleng...