CHAPTER 20 : Bawal pumunta sa ibang lamay kapag galing ka sa lamayan, dahil mag kanda leche leche ang kalukuwa ng dalawang pat4y
"Anna, pag nagpatuloy kang aatras mamamatay ka" saad niya.
Agad na nagulat si anna sa sinabi ni drake kaya agad rin siyang tumigil sa kakaatras.
"T-teka! Please maawa ka! Wag mo'kong pat4yin!" pagmamakaawa pa ni anna.
Hindi gumalaw si drake sa kanyang kinatatayuan pero itinaas niya ang kanyang kamay na para bang may tinuturo ito sa likoran ni anna at pagkatapos ay naglaho nalang bigla.
Labis na pagtaka at takot ang naramdaman ni anna sa mga oras na ito, dahan dahan siyang lumingon sa likoran at nakita niya ang isang kutśily0 na nakatutok sa kanyang ulo.
Kung hindi siya pinigilan ni drake ay malamang mamat4y si anna dahil sa paahan niya ay may isang t0rnily0 ang nakapako sa kahoy, pag natapakan niya iyon ay matutusok ang kanyang paa at matutusok rin ang kanyang ulo ng kutśily0.
Dahan dahang umalis si anna at bumaba ng 2nd floor, pagkababa niya ay agad rin siyang tumawag ng tulong sa mga taong nandoon.
Wala na si erol, wala na rin si drake. Tapos kakamat4y lang ni tita, ang natitira nalang ay ama ni erol. Pero hindi alam ni anna kung paano kokontakin o hahanapin.
Parang nagiging responsibilidad niya ang lahat, kaya tinawagan niya si rica mey dahil hindi na niya alam kung ano ang gagawin.
Maya maya lang ay nakarating na si rica mey sa bahay nila drake.
"pres, bakit?" pagtatanong pa ni rica mey.
"Sorry sa abala rica mey ha, pero hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko ehh." sagot naman ni anna.
"Okay lang pres." kunting sagot ni rica mey na nakangiti sabay lapit sa kabaong ni drake at tumingin.
"Makailan lang, nandon lang tayo sa lamay ng kapatid ni sue rica no?" sambit ni pres sabay lapit sa likod ni rica mey.
"Oo nga ehh, pero ngayon nasa lamay na tayo drake." sagot naman ni rica mey sabay tulo ng luha.
Lumapit si pres sa kabaong ni drake at parehas nilang tiningnan ang bangkay at nagsalita si pres.
"Sa tingin mo, bakit kaya nangyare to?"
"Anong ibig mong sabihin?" sagot ni rica mey na nagtataka.
"Hindi mo ba napansin? Una si erol, nag uwi siya ng pagkain galing sa lamay, pero tingnan mo s'ya ngayon, siya na ang nilalamayan." pagpaliwanag pa ni pres at nagsalita pa.
"Tapos si brent, nakalabag siya ng pamahiin, at ngayon ay nilalamayan siya sa kanilang bahay." dagdag pa ni anna.
Dahil sa sinabi ni anna ay napag isip isip si rica mey sa mga nangyayare.
"Di kaya nagkataon lang pres? Kasi hindi naman totoo ang mga pamahiin na yan ehh." sagot niya.
Parang hindi naniniwala si rica mey kaya inisa-isa pa ni pres ang pagpapaliwanag sa mga bagay bagay na siya at si drake lang ang nakakapansin.
"Makinig ka rica mey, si alexis diba namat4y rin? Alam mo ba na nagnakaw si alexis ng abuloy sa pat4y? At ngayon ay nilalamayan siya." pagpaliwanag pa ni pres.
"Tapos si adam, alam naman nating napakabait niya at malabong makahanap ng kaaway yan. Tapos ngayon ay nilalamayan na siya, at kung tatanungin mo ako kung nakalabag ba siya ng pamahiin? Ang sagot ko ay oo"
"Tapos si drake, namatal4y na rin siya rica mey. Wag mo sanang hintayin na pati tayo mamat4y rin." pagpaliwanag pa ni pres.
Dahil sa sinabi ni pres ay natakot si rica mey at sumagot.
"Pres please, nanahimik ako tapos tatawagan mo nalang ako bigla at sasabihin yan lahat sakin? Bakit, may proweba kaba na mamat4y rin tayo dahil sa pamahiin na pinaniniwalaan mo?" pagtatanong pa ni rica mey.
Napayuko lang si pres at sumagot.
"Noong nasa bahay tayo nila sue, nakalabag rin ako sa pamahiin, nagwalis ako sa loob ng bahay at sa hindi inaasahan ay nagpakita sa'kin ang multo ng bata at sinubukan akong pat4yin." sagot ni anna.
Agad na nagulat si rica mey sa sinabi ni pres pero hindi pa rin siya naniniwala kaya nagtanong pa ito.
"Bakit ka buhay? Kung si adam, alexis, brent, at erol ay namat4y dahil nakalabag sila ng pamahiin, ikaw naman ay nandito sa harap ko tapos buhay? Ano ka special?" sagot naman ni rica mey na pagalit.
Napayuko nalang si anna at sumagot na naiiyak.
"Buhay ako kasi niligtas ako ni drake." kunting sabi niya.
Dahil jan ay nagalit na talaga si rica mey at nagsalita.
"ANNA! Ano kaba naman!"
"Luma na'yang pamahiin na yan!... Ang labo ng mga kwento mo!"
"Kung nabuhay ka dahil niligtas ka ni drake, bakit siya hindi niya magawang maligtas ang sarili nya? Diba namat4y rin si drake? Wag mong sabihing nakalabag rin siya ng pamahiin?" pagrereklamo pa ni rica mey.
Huminga ng malalim si anna at sumagot.
"Oo." hinang sagot ni pres.
Kumalma si rica mey at aakmang magsalita nang biglang tumingin sa kanya si drake sa kabaong na natatawa.
"AAHHHHH!!!!" sigaw ni rica mey sabay alis sa kabaong.
"Bakit rica mey?!" pagtatakang tanong ni pres.
"Si-si-si... D-drake... Tumingin sa'kin na natatawa!" pagpaliwanag pa ni rica mey sabay turo sa kabaong ni drake.
Agad na tiningnan ni anna ang kabaong ngunit nakapikit lang si drake at hindi umiimik.
"Rica mey, saan kaba galing bago ka pumunta dito sa bahay nila erol?" pagtatanong ni pres dahil parang may mali.
"Sa burol ni alexis bakit?" kunting sagot nito.
"Sa tingin mo rica mey bawal kaya yan?" pagtatanong pa ni pres.
Napakamot noo lang si rica mey at sumagot.
"Malay ko." sabay alis.
Umalis si rica mey at lumabas sa bahay, hindi nalang sinundan ni anna dahil sa pagtatalo nila kanina.
*RICA MEY'S POV.*
Naglalakad ako ngayon sa labas dahil sa pangyayaring halos ikakaatake ng puso ko, biglang tumingin si drake sakin at natatawa pa nga ito.
"Hindi ko alam kung ano ang mga nangyayare, imposi-"
Napahinto sa pagsasalita si rica mey nang makita niya sa daan si alexis na may hawak na putol na ulo.
"AAAHHHHH!!" sigaw ni rica mey sabay takbo pabalik pero bago pa siya makatakbo pabalik ay nakaharang sa kabilang daan si drake, dahilan para hindi siya makakatakbo at may kasama itong itim na kabaong.
Hindi alam ni rica mey kung saan siya tatakbo, sa harap ba na nandoon ang multo ni alexis o sa likod na nandon naghihintay si drake.
Kaya umupo nalang siya at yumuko sabay tabon sa mukha na para bang bata kung titignan habang umiiyak at sumisigaw ng "GOD, PLEASE HELP ME!"
Kinabukasan ay nakita nalang ng mga tao ang bangkay ni rica mey na nakahandusay sa kalsada.
To Be Continue...

BINABASA MO ANG
PAMAHIIN
Hororang kwentong ito ay tungkol sa mag kaklaseng nakikiramay sa namatayan nilang classmate, kaso wala silang alam sa mga pamahiin kaya nagkanda letche letche ang lahat. Dahil sa mga pinaggagawa nila ay maraming namatay, hindi nila inakalang sa simpleng...