CHAPTER 12

291 8 0
                                    

CHAPTER 12: Pag Ang Babaeng Buntis Ay Kumain Ng Kambal Na Saging, Magkaanak Siya Ng Kambal, Pero Kung Sa Lamay Siya kakain Ay Mamat4y Ang Isa.

Nakakaawa ang babaeng buntis dahil naaira ang kanyang pag iisip at tuluyan na ngang nasiraan ng bait.

Sa mga nangyayare ay isa lang ang masasabi ko, dahil nilabag niya ang pamahiin, dapat handa rin siyang harapin ang malas na dulot nito.

*DRAKE'S POV.*

Nandito na ako sa school, Sabado kasi nung nakilamay kaming mga kaklase ko sa namayapang kapatid ni sue, tapos kinabukasan ay may lamay pa sa bahay nila erol.

Ay, nakalimutan ko nga palang lumamay kay erol, dahil sa biglaang pangyayaring namat4y din si adam. Tapos may lamay pa kay brent.

Di ko alam san ako tutulong, at sa dalawang araw lang ay may tatlo na agad namat4y, tapos ito pang auntie ni adam na nawala sa katinuan noong nalaglag ang bata.

"Grabe talaga ang mga pamahiin, ang daming hindi naniniwala at ang dami ring naniniwala..." pagmuni muni pa ni drake.

Ang dami pang mga iniisip ni drake. At hindi niya namalayan na may pumasok na palang guro sa school. Kaya nagsimula na sila sa klase.

Ilang oras ang nakalipas at natapos na sila sa klase kaya agad na nagpunta si drake sa burol ni erol dahil hindi siya nakapunta kahapon.

Ilang minutong paglalakad ay nakarating na nga siya sa bahay at doon ay may nakita siyang babaeng buntis na kumakain ng saging kaya nilapitan niya ito at tinanong.

"Ate, alam mo ba na bawal yan lalo na't buntis ka?" pagtatanong ni drake. Pero binaliwala lang ng babae at nagsalita.

"Actually, bawal naman talagang pumunta ang buntis sa lamayan dahil mamamat4y ang anak." sambit ng babae.

Nagulat si drake sa sagot ng babae.

"Alam mo pala eh, bakit ka nandito?" pagtatanong pa ni drake.

"Nasa labas lang naman ako." sambit pa niya.

"Well, tama ka naman, nasa labas ka. Pero ilang hakbang lang eh.. " sagot ni drake.

Ngumiti naman ang babae tsaka nagsalita.

"Hindi yan." sabi niya.

"Ahh okay." kunting sagot ni drake at agad nang pumasok sa loob para tingnan si erol at kamustahin ang kanyang mga magulang.

"Hi tita." pagsisimula pa ni drake ng pag uusap.

"Hello drake, nandito ka pala." sagot ni tita.

"Ba't hindi ka nag punta dito kahapon?" pagtatanong pa ni tita.

"Kasi tita, habang nagpunta ako dito ay may nasagap akong balita ehh, namat4y daw ang kaklase naming si adam. Yung nandito noong nakaraan sa bahay ninyo para tulungan kami sa assignment. Naalala mo po ba sya?" sasalita pa ni drake.

"Ahh, oo yung lalaking ma-..."

Naputol ang pag sasalita ni tita nang biglang sumigaw ang buntis sa labas.

"Aahh!! Tulong!" sigaw ng buntis.

Dali daling tumakbo si drake at si tita palabas,  nakita nila ang buntis na parang manganganak na.

"Drake, tulungan mo ang buntis!" sigaw ni tita at hindi nag dadalawang isip si drake at tinulungan niya ang babae.

Dali daling tumawag si drake ng taxi at agad na pinasakay.

Maya maya pa sa daan habang nag mamaniho ang driver ay bigla nalang huminto ng biglaan kaya napatapon ang buntis sa kinauupuan.

"Manong! Mag dahan dahan ka nga!" panermon pa ni drake kay manong at agad na nag response ang driver.

"Sorry, may lalaki kasing mukhang siga ang biglang lumitaw sa daan kaya napahinto ako." pagpasensya pa ng driver at dali daling nag mamaniho patungo sa hospital.

Habang tumatakbo ang taxi ay biglang napaisip si drake dahil sa sinabi ni manong na isang lalaki ang biglaang lumitaw.

"Siga? Lalaki?" sambit ni drake sa kanyang isip habang inalalayan ang buntis.

"Di kaya si alexis yun?" dagdag pa niya.

"At bakit naman siya palaging nag papakita?"

"Anong meron sa lalaking yun?"

Hindi alam ni drake ang kanyang gagawin kaya napailing nalang siya. At maya maya pa ay dumating na sila sa hospital at doon nga ay pinaanak ng mga doktor ang babaeng buntis.

Ikalahating oras bago matapos at lumabas ang nurse na may dalang bata. Pero ang ipinagtataka ni drake, bakit hindi ito umiiyak?

Dahil dun ay agad na pumasok si drake sa room at dito nga ay may nakita pa siyang isang bata na umiiyak. At naalala niya na ang naunang bata kanina ay hindi manlang umiiyak kaya medyo kinabahan siya.

"Ahhm.. Hello, kamusta po." sambit ni drake sa doktor at nakita ni drake na naka pikit ang mga mata ng babae at hindi ito gumagalaw.

"H-hello.. K-kamusta.. P-po.." sambit pa ni drake na nauutal at nagsimulang mangamba.

Tumingin sa kanya ang doktor at ngumiti sabay sabing...

"Nakatulog lang ang babae, huwag kang mag alala." sambit ng doktor at dahil dun ay nabuhayan si drake at napangiti.

"Ngunit may masamang balita akong sasabihin." dagdag pa ng doktor at agad na nagulat si drake at naalala nanaman niya ang bata na hindi umiiyak kanina habang dala dala ng nurse.

"Nanganak ng kambal ang babae, pero yung isang bata ay namat4y." sambit ng doktor.

Biglang kinilabutan si drake sa narinig at nagsasalita pa ang doktor.

"Nahimata4y kasi ang babae habang nanganganak, tapos hindi pa nailabas ang isang bata at nasa loob pa ng kanyang tyan kaya kinabahan ako at hindi nag dadalawang isip na i force ko ang babae para lang maligtas ang isa pang bata pero huli na ang lahat."

"Nailabas  ko nga ang bata agad pero kinulang naman sa hangin kaya hindi nakahinga. At namat4y ang bata." sambit pa ng doktor at dito nga ay napaupo si drake at nagsasalita.

"P-paano.. Ko sasabihin yan sa b-babae?" sambit niya sa kanyang isip.

Habang natulala si drake sa gilid ng babae ay agad na umalis ang nurse at inalagaan ang bata at nilinisan.

Nakatulala si drake at nag iisip kung paano niya iyun sasabihin sa babae pagkagising...

To Be Continue...

PAMAHIINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon