CHAPTER: 22
"Papunta na dito sila alexis at brent." sambit ni erol at agad ring naghalo.
Dahil jan ay hindi mapakali si anna at nagmamadaling magbihis para makalabas sa bahay pero magsusuot palang si anna ng br@ ay nakarating na si alexis sa kanyang kwarto at agad itong nagpapakita kay anna na ikinabigla niya at ikinakaba.
"A-alexis! Please..." nauutal na sambit ni anna habang nangingig na sa takot, ngunit hindi nag response si alexis at nakatayo lang ito habang pinagmasdan ang katawang hubad ni anna.
Dahan dahang lumapit si alexis sa kinatatayuan ni anna kaya naguguluhan siya at hindi alam ang gagawin.
"Anna, sumama ka sa'kin." sambit ni alexis.
"A-ayoko alexis! Please hayaan mo nalang ako!" pasagot pa ni anna.
"Diba magkakaibigan tayong pito? Ako, adam, brent, erol, drake at rica mey? Ikaw nalang ang kulang pres." sagot pa nito.
Agad na tatakbo si anna na nakahubad palabas ng kwarto, pero biglang nagpakita sila drake at iba pang mga kaibigang namat4y, kaya napahinto si anna at napatitig.
"P-please! Huwag nyong gawin sa'kin to!" pagmamakaawa pa ni anna at nagsimulang umiyak.
Ngumiti lang silang lahat at nagsalita si alexis.
"Anna, sumama ka samin. Huwag kang ma-"
Naputol ang pag sasalita ni alexis nang biglang dumating si patrick sa kwarto ni anna at nakita ni patrick ang naglalakihang bundok ni anna at ang matambok na harap.
"Anna! Diba sabi ko sayo mag pagpag ka!"
"Tingnan mo ginawa mo!"
"Dinala mo sa bahay nyo ang mga multo!" Pagpanermon pa ni patrick.
Dahil nga dito ay agad na natauhan si anna at aakmang tatakbo palabas nang biglang hinarangan ni patrick, Kaya nag tataka si anna.
"Bakit?" tanong ni anna.
"Mag bihis ka muna." sambit ni patrick na nakatingin sa pader at pilit na hindi tumingin kay anna dahil naka hubo't hubad lang ito.
Dahil nga jan ay agad na tinabunan ni anna ang kanyang sarili at sa kahihiyan ay agad ring tumakbo papunta sa kabinet at kumuha ng damit tsaka isinuot.
"Wala kang nakita okay!?" pasigaw na sambit ni anna.
Ngumiti lang si patrick at sumagot.
"Okay."
Pagkatapos nun ay agad silang lumabas sa bahay at dali daling nag punta sa sementeryo.
"Bakit di nalang tayo sa bahay mag pagpag patrick?" pagtatanong pa ni anna.
"Ano kaba, wala kaba talagang alam sa mga ganyan?"
"Syempre hindi pwede, gusto mo bang iiwan ang mga multo sa bahay ninyo?" tanong ni patrick.
"Ha? Iiwan? Akala ko pampaalis ng multo ang pag pagpag." pagtatakang sagot ni anna.
Napakamot noo nalang si patrick at ipaliwanag niya kay anna ang pag pagpag.
"Hays, ang pagpag ay ginawa para hindi ka susundan ng mga taong namayapa na. Ibig sabihin pag pumasok ka sa sementeryo ay kaylangan mong mag pagpag para hindi ka susundan ng mga masamang elemento o spirito"
"At ang dahilan kung bakit ka pinapapunta ni drake sa sementeryo ay para sumunod sila sayo, dahil ang dami mong nilabag na pamahiin anna at hindi kamanlang nagpagpag."
"Kapag nakapunta kana sa sementeryo ay doon ka muna hanggang maghapon at pagnawala na ang araw tsaka ka lalabas ng sementeryo, pero bago ka aalis at pupuntang ibang bahay ay dapat magpagpag ka. Okay?" pagpaliwanag pa ni patrick.
At dahil jan ay naintindihan na ni anna ang gustong ipahiwatig ni drake at ni patrick.
"P-pero.. Natatakot ako." sagot ni anna.
"Huwag kang matakot, nandito ako sa tabi mo. Sasamahan kita." sambit ni patrick habang hinipo hipo niya ang likod ni anna pampawala ng nerbyos.
Hindi na sumagot si anna at nanahimik nalang, habang nasa byahe sila ay napansin ni anna na pinagtitinginan siya ng mga tao doon sa loob ng sasakyan, kaya hindi nalang niya ininda dahil baka pagtatawanan lang siya ng mga tao pag sinabing hinabol siya ng multo.
Ilang oras pa ay nakarating na nga sila sa sementeryo at doon ay napakaraming tao, naalala ni anna na undas pala ngayon.
"Anna bibili lang ako ng kandila." sambit ni patrick.
Tumango lang si anna at sumagot ng "Okay"
Dahil jan ay nakita siya ng bata kaya pinagtatawanan siya.
Maya maya pa ay naglalakad si anna sa loob at pasikot sikot, hanggang sa may nahagip ang kanyang mga mata na isang babae sa medyo hindi kalayuan.
"Rica mey?" pagtatanong niya sa kanyang isip.
Tumitig ito sa kanya ng napakatulis at ngumiti tsaka nawala rin agad.
"Confirm. Sinundan nga nila ako." dagdag pa ni anna sa kanyang sarili.
Maya maya pa ay dumating na si patrick at may dala itong kandila, tsaka binigay ni patrick ang kanyang candila kay anna.
"Patrick, nakita ko si rica mey kanina. Tama ka nga, sinundan nila ako dito." sambit niya.
Ngumiti lang si patrick at napansin nanaman ni anna na tumitingin sa kanya ang mga taong nandoon na nagtataka.
"Sos, kung alam nyo'lang na sinundan ako ng mga multo." sambit niya sa kanyang isip at agad na silang nagpatuloy sa paglalakad
Maya maya lang ay huminto sila sa isang puntod na ipinagtataka ni anna.
"Bakit tayo huminto dito?" pagtatakang tanong ni anna.
"Wala lang, since nandito lang naman din tayo ay may sisindihan lang ako ng kandila." sambit ni patrick.
"Okay dalian mo nalang, dahil ang wierd ng mga tao dito. Kanina pa sila nakatingin sakin na nagtataka." sagot pa ni anna.
Ngumiti lang si patrick at may nilapitang puntod at sinindihan ang kandilang dala at nilagay, dahil jan ay tiningnan ni anna ang pangalan.
"Patrick..." pagbasa pa ni anna sa pangalan.
"Oyy kapangalan mo pala ang namat4y?" pagmanghang sagot ni anna.
Tumingin lang si patrick sa kanya na nakangiti. At nagsalita pa si anna.
"K-ka.... p-pangalangan... M-mo... P-patrick..." sambit pa ni anna at agad na tiningnan ang picture.
Lumaki ang kanyang mata at halos tumalon sa sobrang kaba ang kanyang puso nang makita niya ang litrato, kamukha ito ni patrick.
Biglang kinabahan si anna sa nakita at maiiyak, dahil dinala siya ng pat4y sa sementeryo, at napansin ni anna na wala nang araw ang sumikat at malapit na itong gumabi.
Kaya agad na lumingon si anna kay patrick para magtanong kong ano ang susunod niyang gagawin. ngunit sa pag lingon niya ay nawala si patrick sa kanyang tabi.
To Be Continue...
BINABASA MO ANG
PAMAHIIN
Horrorang kwentong ito ay tungkol sa mag kaklaseng nakikiramay sa namatayan nilang classmate, kaso wala silang alam sa mga pamahiin kaya nagkanda letche letche ang lahat. Dahil sa mga pinaggagawa nila ay maraming namatay, hindi nila inakalang sa simpleng...