CHAPTER 16
Ilang segundo pa ay nawala na ang hangin at biglang bumagsak ang kabaong sa kaldasa tsaka may isa pang multo ang nagpapakita na ikakagulat ni drake, napatulala siya at nanlaki ang mga mata sabay sabing...
"B-brent Ikaw ba yan?" sambit ni drake.
Biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso nang ngumiti ito, walang duda si brent nga.
May dala siyang isang lubid kaya nag taka si drake.
Dahan dahang lumapit si alexis habang dala dala ang isang itak na nakangiti.
"T-teka! Alexis! Ano bang kasalanan ko! Bakit ka gumanyan!" pasigaw pa ni drake.
Ngumiti lang si alexis at may mga dug0 ang nagsilabasan sa bibig niya.
"Alexis please! Wala akong ginawang masama!" dagdag pa ni drake, ngunit hindi nakinig si alexis at medyo binilisan na ang paglalakad hanggang sa makaabot na siya sa kinaruruonan ni drake at hinampas ng itak si drake. Buti nalang at nakailag ito.
Muli ay tumingin si drake sa kabaong kung saan nandoon si anna, at sa pag tingin niya ay dahan dahan itong hinila ni brent papasok ng kagubatan.
Kaya agad na tumakbo si drake papunta kay brent, pero hindi makalapit si drake dahil kay alexis na hinahunting siya at pilit itong pat4yin.
Walang ibang choice si drake kundi harapin si alexis, at dito nga ay nakipag tagisan siya sa isang pat4y at hinarap niya ito ng harapan.
At dahil pat4y na si alexis ay hindi na ito makaramdam ng sakit. Kahit anong suntok pa ang ibato ni drake ay wala itong saysay, samantalang si alexis ay lapit ng lapit at si drake naman ay atras ng atras.
Maya maya pa, habang naglalabanan sila ay bigla nalang huminto si alexis sa kakalapit at dahan dahan itong naglaho. Natatakot si drake, dahil baka ano pa ang mangyare sa kanya o baka lilitaw si alexis sa likod at itakin siya. Kaya todong pag mamasid ang ginawa ni drake sa paligid.
Ilang minutong pagmamasid sa paligid ay hindi na muling lumitaw si alexis kaya agad na pinuntahan ni drake si anna at pumasok siya sa loob ng kagubatan.
Doon ay hinanap niya ang kabaong ngunit wala siyang makita, kinakabahan siya, bakit wala ang kabaong? nasaan si anna? Ano ang nangyare sa kanya?
Dahil hindi mahanap ni drake ang kabaong ay tumalikod siya at maglalakad na sana palabas ng kagubatan, Pero biglang nalang siyang nakakita ng yapak ng mga paa at dahil dun ay agad niya itong sinundan.
Sa hindi kalayuan, may nakitang parang hukay si drake.
Dali dali niyang pinuntahan, nang makarating na siya ay nakita niya ang isang kabaong sa ilalim ng hukay kaya kinabahan siya.
Hindi na nag iingay si anna sa loob. Pat4y na kaya siya? Sana naman hindi.
Dahan dahang bumaba si drake at hinawakan ang kabaong, pinagmasdan niya ngunit walang kumikibo sa loob. At hinawakan niya ang bukasan at agad na binuksan.
Nagulat si drake at nanlamig ang buong paligid. Tumayo ang mga balahibo niya nang makita niya ang nasaloob ng kabaong.
Isang matanda ang nasa loob, yung matandang lalaki kanina na tumulong sa kanya. Kaya nabigla siya at napaatras.
Agad na bumukas ang mga mata ng matanda at dahan dahang bumangon at nagsalita.
"Umalis ka sa kagubatan, pinaglaruan ka ng demonyo." sambit niya at dahan dahang naglaho ang matanda pati na'rin ang kabaong.
Dali daling umakyat si drake palabas sa hukay, pero biglang nagpakita ulit si alexis sa taas ng hukay na may dalang pala.
Pinala ni alexis ang mga lupa habang natatawa na nagboboses demonyo.
"AAAAHHH!! TUULLOONNGGG!!!!" sigaw ni drake at dali daling umakyat mula sa hukay.
Ngunit hindi siya maka akyat dahil biglang lumitaw si brent sa ilalim ng hukay at hinawakan ni brent ang magkabilang paa ni dake.
"AAAHHH!!! BW£SITT!!" dagdag pa ni drake at pinagsisipa niya si brent ngunit pat4y na ito kaya hindi makaramdam ng sakit, kahit na anong sipa pa ni drake ay baliwala lang ito.
Nakangiting hinawakan ni brent si drake sa ilalim ng hukay habang si alexis naman ay nakangiting tinabunan ng lupa si drake.
Walang magawa si drake, dahil ayaw bumitaw ni brent sa kakahawak, kung maka kuha naman ng pagkakataon si drake na makaakyat ay pinapalo ito ni alexis ng pala, dahilan para mahulog ulit sa hukay at hahawakan nanaman ni brent hanggang sa kumalahati na ang lupa sa loob ng kuhay.
Nasa dibdib na ni drake ang lupa at medyo hindi na niya magawang igalaw ang kanyang kalahating katawan dahil natabunan ito ng mga lupa.
Tanging kamay nalang ni drake ang kanyang pag asa, dahil si brent ay nakayakap na sa kanya. At si alexis naman ay nakangiting naglalagay ng mga lupa sa hukay.
Hindi na alam ni drake ang kanyang gagawin, wala siyang laban, dalawa ang kaaway niya tapos ang kamay nalang niya ang nagsilbing pag asa, umiiyak na siya at humingi na ng tulong sa dyos.
To Be Continue...
BINABASA MO ANG
PAMAHIIN
Horrorang kwentong ito ay tungkol sa mag kaklaseng nakikiramay sa namatayan nilang classmate, kaso wala silang alam sa mga pamahiin kaya nagkanda letche letche ang lahat. Dahil sa mga pinaggagawa nila ay maraming namatay, hindi nila inakalang sa simpleng...