CHAPTER 29

225 5 0
                                    

CHAPTER 29

Dahil na flat ang gulong ni erol ay hindi niya ito maidala sa hospital.

Nang makita ito ni erol ay agad siyang kinabahan, bigla siyang nanginginig sa nangyare.

"Kaatteee!..." sigaw ni sue at agarang tumakbo papunta sa bunso niya.

Ganun rin ang kanyang inay na umiiyak. Hindi alam ni erol kung ano ang gagawin niya.

"Erol!.. Tulong!.." sigaw ni sue na humagulhol ng iyak.

Hindi makakilos si erol sa nakita, paano niya maidala sa hospital ang bata e'sinadya niyang butasin ang gulong para hindi makaalis si sue sa daan.

"Batang lalaki! Halika rito!.. Tulungan mo'kong buhatin ang trycle ko papunta sa harapan para maidala natin sa hospital ang batang yan!." sigaw ni manong.

Dahil dun ay pinagtulungan nilang buhatin ang trycle, nahirapan pa silang buhatin dahil napakabigat nito.

Hanggang sa napunta na sa harap ang trycle at doon ay dali daling sinakay ni manong ang batang si kate at sumakay rin si sue tsaka ang kanyang ina. Dali dali silang nag punta sa hospital.

Naiwan si erol na nakatulala sa daan, ang hindi nila alam ay pat4y na ang bata at naiwan sa daan ang kanyang kaluluwa.

Lalapit sana ang kaluluwa ng batang si kate at sasabihan si erol na huwag na silang mag abala pa dahil huli na ang lahat, pero biglang may tinawagan si erol na ipinagtaka ng bata.

"Drake!.. Sumagot ka!." pagmamadaling sabi ni erol.

Nang masagot na ito ni drake ay agad na ibinalita ni erol ang mga nangyayare. Kaya dali daling nagpunta si drake sa daan kung saan nakaharang ang kotse ni erol.

Nang makarating na si drake ay nakita niyang may dug0 sa daan.

"Drake! Dito!.. Dito namat4y ang batang babae." sambit ni erol.

Dahil dun ay sinapak ni drake si erol na napakalakas.

"Tim4ng!... Tim4ng!... Tim4ng!!... Kasasabi ko lang na harangan mo yung sasakyan nila diba!?" galit na sabi ni drake.

Dahil dun ay narinig ito ng bata at napalitan ng kulay itim ang mata ni kate.

"S-sorry drake... Di ko naman alam na mangyare yun eh!.." sagot pa ni erol.

Napaupo si drake sa nalaman, paano niya ito paninindigan... Siya ang may pakapana nitong lahat.

Nagtatalo pa silang dalawa doon sa daan, samantalang ang bata ay umuusok na sa galit habang nakikinig sa kanila na pinagpasa pasahan ang pagsisisi.

Kaya kahit na kaluluwa na ang batang babae ay pilit niyang kumalma at lumapit nila erol. Nagpapakita ang batang babae at nagsalita.

"Mga kuya, kailangan ko po ng hustisya... Ipakulong po ninyo ang nagbar*l sakin." sabi ni kate.

Nang makita ito nila erol at drake ang kaluluwa ng bata ay agad silang natakot, imbis na tulungan ay nagpaunahan silang tumakbo palayo.

Dahil dun ay nagalit ang batang babae, dahil gusto niyang makakuha ng hustisya. Kaya simula nun, kinamuhian ni kate si drake at erol.

Meanwhile...

Habang tumatakbo sila drake at erol ay dumiretso si erol sa bahay nila, samantalang si drake ay pumunta sa skwelahan.

Nang makarating na si drake sa gate ay agad siyang dumeristo sa stage, at nakita niya si anna na rumarampa sa stage.

Nagsisigawan ang mga tao at kumakaway...

Nang makabalik na si anna sa likod ng stage ay agad niya itong pinuntahan, hindi alam ni drake na sinundan siya ng multo.

Kaya nang makarating na si drake sa likod ng stage ay agad niyang kinausap si anna, at binalita ang mga nagaganap doon habang pinigilan nila ang sasakyan ni sue.

Narinig ni kate ang lahat ng pag uusap nila, nalaman din ni kate na ginagawa lang nila ito dahil sa kagustuhan ni anna na manalo sa contest.

Dahil dun ay mas lalong nagalit pa ang batang multo, dahil pinagtutulungan nila ang napakabait niyang ate.

"Yahaan mo na yun, makikilamay nalang tayo pag nakarating na sa bahay ang bangk4y." sabi pa ni anna.

"Pero pres..." sagot ni drake.

"Walang pero pero drake, makikiluksa nalang tayo bukas. Pero sa ngayon, kailangan kong makuha ang atensyon nila. Dahil ito na ang hinihintay ko. Ang magiging campus crush." nakangiting sabi ni anna.

"Basta ibigay mo lang sakin ang lahat ng gusto mong pasagutan okay? Ako na ang bahala sa grade mo. Wag kang mag alala, dahil kasama mo'kong papasa this year." sabi pa ni anna at pinaalis na niya si drake, dahil question and answer portion na...

Dahil sa narinig ng bata ay mas lalo pa siyang nagalit, kaya ang ending ng patimpalak ay nanalo si anna, at nakuha nga niya ang kasikatan sa loob ng skwelahan.

Kinabukasan, nabalitaan nalang nila drake na dinala na sa bahay nila sue ang bata. Kaya nakikiluksa silang lahat kay sue at nagpunta sila sa bahay. Nagkunware silang walang alam. At nagkunwareng nalulungkot. At higit sa lahat, nagkunware silang walang alam sa mga pangyayare. Hindi alam ni sue na kagagawan yun lahat ni drake, anna, at nadamay pa si erol sa kabulastugan nilang dalawa.

AT JAN NA NAGSIMULA ANG PAGHIHIGANTE NI KATE.

*END OF FLASHBACK...*

Nang marinig ito ni jacob at samuel ay agad silang naawa sa bata.

"Pero bakit si anna, drake, at erol ang sinisi ninyo? Diba nga bin4ril ang bata? So, hindi sila ang cause of d£4th ng batang si kate." tanong ni samuel.

"Hindi nga sila, pero sila ang may pakapana ng lahat, kung hindi nila ginawa yun ay sana buhay pa si kate, sana nag celebrate sila dahil alam naman nating mananalo si sue sa patimpalak imbes na magluksa diba?" sagot ni alexis.

Walang masagot ang dalawang albularyo, tama nga naman sila. Kung sana ay tinulungan nalang nila anna ang bata na makamit ang hustiya ay sana buhay pa sila ngayon at hindi madadamay sila rica mey at adam tsaka si alexis.

Kahit multo na sila adam ay naawa pa rin ito kay anna na nakahandusay sa loob ng kulay itim na kabaong, at ang isa sa rason kung bakit nag mumulto sila alexis ay para na rin matahimik si kate, dahil hinding hindi titigil si kate hangga't hindi makamit ang hustisya.

"Paano naman yung taong bum4ril sa bata? Diba dapat siya din ang pinuntahan ninyo?" tanong ni samuel.

Ngumiti lang si alexis at sumagot.

"Oo mang samuel, pinat4y ko na siya kanina sa gubat." sagot ni alexis.

To Be Continue...

PAMAHIINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon