CHAPTER: 26
"Sumama ka pres..." mahinang sabi ni rica mey, at nagsilitawan pa sila alexis, brent, at adam sa harap nila habang nakangiti at may hawak na lubid at itak.
"Ayoko!.. Parang awa nyo na... Tigilan na ninyo ako!.." sigaw pa ni anna.
Hindi sumagot ang mga kaluluwa at isa isa silang naglalaho.
"Kukunin ka namin..." sagot ni alexis at tuluyan na silang naglaho.
Halos hindi makagalaw si anna sa narinig, di niya alam kung ano ang kasalanan niya sa mga multong yun.
Maya maya pa ay sinigurado nila jacob ang pakapanan ni anna at nagsindi sila ng anim na kandila at inilibot nila lahat yun kay anna.
Tsaka kumuha si samuel ng asin at nag form ng circle sa palibot ni anna.
"Ayan, hangga't nakasindi ang kandila ay hindi sila makakahawak sayo. At habang nakapalibot sa labas ng kandila ang asin ay hinding hindi nila mapapat4y ang ilaw ng kandila. Sa ganun ay safe ka. Basta wag mo lang galawin ang asin at huwag mong pat4yin ang kahit isang ilaw ng kandila." pagpaliwanag pa ni samuel.
"Paano sila mawawala?" tanong ni anna.
"Kailangan lang nilang pa misa-han para manahimik na ang kaluluwa nila. Pag nagawa yun ng kapatid mo ay mananahimik na sila." sagot naman ni samuel.
"Kailangan mawala ang galit nila sayo, at sa pamamagitan ng misa ay mapag alaman nila ang magpapatawad dahil sa mga salita ng dyos." dagdag pa ni samuel.
Hindi maka sagot si anna, di nya alam na may galit pala ang mga kaklase niya sa kanya, kaya pala hindi siya nilubayan ng mga multo noong nagpagpag siya sa bahay nila sue, at nag pagpag na rin siya sa sementeryo. Pero hindi pa rin sila nawala. Hindi pala yun dahil sa nalabag niyang pamahiin. Dahil pala yun sa hinanakit at galit na naramdaman ng mga kaklase niya.
Nanatiling nakayuko si anna sa loob ng bilog na gawa sa asin, maya maya pa ay wala nang nagparamdam. Hangga't wala pa si cedrick ay hinding hindi lalabas si anna sa bilog.
Lumipas ang 30 minuto at walang kakaiba, normal lang ang lahat. Hanggang sa mag iisang oras na, pero walang nagparamdam.
Lumipas nanaman ang dalawang oras at walang multo ang nagpapakita.
"Safe nga ako dito." sabi anna.
Ngunit hindi sumagot ang mga albularyo.
"Salamat sa inyo ha.." dagdag pa niya.
Pero nanatiling hindi kumibo ang dalawa niyang kasama.
"Ahmm...." pagsasalita pa niya, ngunit hindi sumagot sila jacob..
"Mang jacob... Mang samuel...." kabang sabi pa ni anna pero hindi ito kumibo.
Medyo kinabahan na si anna, bakit hindi sila sumagot.
"Hello?.." tanong ni anna. Pero hindi talaga siya sinagot ng dalawa.
Natatakot na si anna sa mga oras na to, kaya aakmang lalabas siya sa bilog dahil lalapitan sana ni anna ang dalawa, pero biglang may humawak sa kamay niya.
"Wag!..." sigaw ng lalaki.
Dahil dun ay biglang nagulat si anna at napasigaw.
"Aahhh!..." sigaw niya sabay tingin sa gilid.
Nang makita niya ang lalaki ay agad na kinabahan ng maigi si anna, dahil ang nakahawak pala sa kamay niya ay si jacob. Kaya agad na tiningnan ulit ni anna ang nasa harapan, pero laking gulat niya nang makita niya na isa pala itong dalawang kahoy. Si samuel ay nasa likod ni jacob nakatayo.
"Hoy!... Illusion mo lang yan!.. Wag kang lalabas sa bilog!.." pasigaw ni samuel.
Dahil dun ay lumaki ang mata niya, tsaka biglang lumitaw si rica mey.
"HAHAHA!... Buw£sit ka anna!.. Muntik na kitang malinlang.." sigaw niya at agad na naglaho.
*CEDRICK's POV.*
Habang tumatakbo si cedrick papuntang bayan ay napansin niyang may nagmamasid sa kanya.
"Gaging mga albularyo to, akala ko ba di ako kasali sa pat4yan na nagaganap?... Bakit parang naramdaman kong may nag mamasid sakin." pagmumi muni pa ni cedrick.
Ilang minuto pa ay nakita na ni cedrick ang daanan at palabas na siya ng kagubatan, pero biglang lumitaw si alexis sa harap niya. Dahilan para mapahinto siya sa kakatakbo.
"Sino ka!?" sigaw ni cedrick.
Ngumiti si alexis at sumagot.
"Hindi ako papayag na hindi namin makasama ang kapatid mo." sagot naman ni alexis at tinaas ang hawak hawak niyang lubid.
Agad na nagulat si cedrick nang makita niya ito, kaya napaatras siya.
Dahan dahang lumapit si alexis, kaya agad na tumakbo si cedrick sa loob ng kagubatan. Pasuot suot siya, para bang naghahanap siya ng ibang daan bukod sa daanan na yun.
Maya maya lang ay napunta siya sa isang punong napakalaki, kaya napahinto siya at biglang kinabahan.
"Puno ng balete?... Bakit may puno ng balete dito!" sigaw niya sabay takbo pabalik, dahil alam niyang madaming multo o white lady ang nakatira sa mga ganyang puno.
Hindi na alam ni cedrick ang kanyang gagawin, hindi na niya alam kung na'san na siya, at hindi na rin niya alam ang daan papuntang kalsada.
Nalilito na si cedrick at napapasabi nalang sa isip ng "Bahala na'to buw£sit."
*ANNA's POV.*
"Ano na ngayon ang gagawin ko mang samuel!." sabi ni anna, dahil hindi nagbibiro si rica mey. Parang kukunin talaga siya nito.
"Jan ka nga lang ineng... Hangga't hindi ka lalabas jan ay malamang hindi ka masasaktan." sagot ni samuel.
"Naka depende sa kuya mo ang lahat." dagdag pa ni jacob.
Nanginginig na sa takot si anna, habang nag hihintay siya ay hindi ito mapakali.
"Sigurado ba kayong gagana to?" tanong ni anna.
Tumango lang si jacob at aakmang lalabas ng bahay nang bigla siyang lumipad at tumilapon sa pader.
"Aahh!.." sigaw niya.
Nang makita ito ni samuel ay agad siyang nagulat.
"Buw£sit na mga multo to, dinamay pa tayo!" sabi niya.
Aakmang tutulungan ni samuel si jacob, pero biglang nagpakita si rica mey.
"Mga paki alamero!." sigaw niya.
"Rica mey!..." sigaw ni anna nang makita niya si rica mey.
Tumingin naman si rica kay anna at ngumiti.
"Ako nalang!..." dagdag pa ni anna.
"Ako nalang ang pat4yin mo!.. Wag mo na idamay ang dalawang matandang yan!.." sigaw pa ni anna.
Napangiti si rica mey sa narinig at nagsalita.
"No need to tell me pres, dahil ikaw naman talaga ang sadya namin dito. Kahit hindi mo pa sabihin na pat4yin ka namin ay papat4yin ka pa rin namin." sagot niya.
To Be Continue...
BINABASA MO ANG
PAMAHIIN
رعبang kwentong ito ay tungkol sa mag kaklaseng nakikiramay sa namatayan nilang classmate, kaso wala silang alam sa mga pamahiin kaya nagkanda letche letche ang lahat. Dahil sa mga pinaggagawa nila ay maraming namatay, hindi nila inakalang sa simpleng...