CHAPTER 14: Kapag may nakasalubong na maitim na pusa ay huwag na magpapatuloy sa pupuntahan. May malas ang naghihintay.
"Ahmm.. Tita, nakita mo ba akong nagpunta sa kagubatan?" tanong ko.
Agad namang nagtaka si tita at sumagot.
"Ha?... Pinagsasabi mo, di ka naman umalis jan kanina pa." sabi niya.
Biglang nanginig si drake sa sagot ni tita. Papanong di umalis e'sinundan nga ni drake si alexis papuntang kagubatan.
Agad na tiningnan ni drake ang kabaong, at may luha nga, alam naman ni drake na bawal matuluan ng luha ang kabaong at sa pagkaalala niya ay nag ingat naman siya.
Pagkatapos niyang punasan ay agad niyang tinawagan si anna at kinamusta.
*Ring!.* *Ring!.* *Ring!.*
*Ring!.* *Ring!.*
"Ano ba ana, sumagot ka." sambit niya sa isip.
*Ring!.* *Ring!.* *Ring!.* *Ring!.*
*Ring!.* *Ring!.*
Dahil hindi sinagot ni anna ay nagsimula na siyang mangamba.
"Totoo kayang ulo iyon ni anna ang hawak hawak ni alexis kanina?" tanong ni drake sa kanyang isip.
Hindi siya mapakali at patuloy na iniisip si anna.
Habang nag iisip siya ay may biglang kumalabit sa kanyang paa. dahilan para magulat siya at kinabahan, pero pagtingin niya sa ibaba ng kabaong ay wala namang tao.
Nagpatuloy ang ganitong pangyayare, habang nagpapanggap si drake na walang naramdaman sa paahan ay nagpapatuloy ang pagkakalabit.
Pinagpapawisan na si drake, hindi na ito mapakali hanggang sa biglaang may kumalabit sa kanyang ulohan.
"AAHHH!! SINO KA!!" sigaw niya, at dali daling tumingin sa likoran pero biglang may nagsalita.
"Oyy drake! Okay kalang?" pagtatakang tanong ni tita.
"Kanina kapa ganyan ahh, iba ang kinikilos mo ngayon." dagdag pa ni tita.
"Tsaka, pwede ba, lumabas ka pag may tatawagan ka. Ikaw lang yung kilala ko na nakikipag usap sa phone sa harap ng kabaong." panermon pa ni tita.
Agad na nawala ng kaba ni drake nang makita niyang si tita lang pala yun.
"Ikaw lang pala tita, ano pong atin?" pagtatanong ni drake.
"Uutusan sana kitang bumili ng kape, nauubosan na kasi." pag uutos pa ni tita.
"Okay po tita, ako na po." sambit ni drake.
Agad na kinuha ni drake ang pera at agad na nagtungo sa tindahan.
Habang nag lalakad siya ay may isang pusa ang nagtungo sa kanya. Kulay itim ito at Nakatitig sa kanya.
Agad na kinabahan si drake dahil alam niya ang ibig sabihin nito, kapag galing ka sa lamay tas pag alis mo sa bahay ay may makakasalubong kang pusang itim, ibig sabihin may malas sa paligid.
Agad na iniwasan ni drake ang pusa at dali daling naglalakad papuntang tindahan.
Pero bago pa sya nakarating sa tindahan, habang nag lalakad siya ay may isang matandang lalaki ang nakasalubong ni drake na nakatingin sa kanya. Ang tulis ng pagtitig niya kay drake, ang buhok nito ay napakahaba na kulay puti. Kaya medyo kinabahan siya.
Agad na nagmamadaling maglakad si drake at iniwasan niya ang matanda, binilisan niya ang paglakad. Maya maya pa ay malayo na siya sa matanda at agad na naglalakad patungong tindahan, pero habang naglalakad siya ay biglang nakita nanaman niya ang matandang lalaki.
Nagulat si drake dahil nakatitig ito sa kanya, kaya agad niyang iniba ang kanyang tingin at tumakbo na sa daan para makarating na sa tindahan.
Habang tumatakbo siya ay napansin niyang dumaan na siya sa daanan na kanyang tinatapakan ngayon, kaya napatigil siya sa pagtatakbo at tumingin sa daan.
"Walang duda, galing na ako dito." sambit niya at naglalakad papuntang tindahan.
Habang nag lalakad siya ay sa hindi inaasahan ay biglang nakita nanaman niya ang matandang lalaki. kaya agad na kinabahan si drake at ang bilis ng tibok ng puso niya.
Dahil sa nangyare ay parang paulit ulit lang siya sa lugar at agad na tumingin si drake sa matanda at nakita niya ang matanda na dahan dahang naglalakad papunta sa kanya. Dahil dito ay mas lalong kinabahan si drake.
Habang naglalakad palapit ang matanda ay atras naman ng atras si drake. Kaya nagsalita ang matanda.
"Huwag kang matakot!" sigaw niya.
Ngunit hindi nakinig si drake at nagpatuloy sa pag atras kaya sumigaw pa ang matanda.
"Hintayin mo ako, dahil pinaglaruan ka ng multo!" sigaw niya.
Dahil sa sinabi ng matanda ay agad na napahinto si drake at nagsimula nang umiyak.
"Huwag mo'kong saktan." hinang sambit ni drake na umiiyak, mga ilang sedgundi lang ay nakalapit na ang matanda.
"Huwag kang mag alala, hindi kita sasaktan, hubadin mo ang damit mo at suotin mo ng nakabaliktad. Dahil pinaglalaruan ka ng demonyo." sabi pa ng matanda.
Agad na naghubad si drake at agad agad rin niyang sinuot ang kanyang damit na nakabaliktad, dahil nga dito ay nagulat si drake. Dahil nasa loob siya ng kagubatan kaya kinuha ng matanda ang kamay ni drake at agad na sinama paalis sa kagubatan.
Ilang minutong pag lalakad ay nakaalis na sila sa kagubatan at agad na nagsalita ang matanda.
"Napansin kong naglalakad ka patungong tindahan kanina, ngunit nabigla ako nang bigla kang nag iba ng dereksyon at nag tungo sa loob ng kagubatan kaya sinundan kita."
"Ngunit nagulat ako nang iniwasan mo ako at agad kang tumakbo ng paikot ikot sa loob ng kagubatan habang umiiyak."
"Kaya nilapitan kita dahil parang nawawala kana sa sarili." sambit ng matanda.
Dahil sa sinabi ng matanda ay halos maninigas na si drake sa takot, hindi niya alam ang kanyang gagawin.
Habang nag uusap ang dalawa ay may isang lalaki ang lumapit at agad na kinuha si drake papuntang tindahan.
Ilang segundong paglalakad ay nakarating na sila sa tindahan at dito nga ay humiwalay na ang lalaki sa kakahawak sa kamay ni drake, kaya agad na nagsalita si drake.
"Teka, bakit moko dinala dito?" pagtatanong pa ni drake sa lalaki.
Huminga ng malalim ang lalaki at tumingin sa mga mata ni drake at nagsalita.
"Nakita kita kanina na tumatawa habang kausap mo ang matanda na walang ulo."
To Be Continue...
BINABASA MO ANG
PAMAHIIN
رعبang kwentong ito ay tungkol sa mag kaklaseng nakikiramay sa namatayan nilang classmate, kaso wala silang alam sa mga pamahiin kaya nagkanda letche letche ang lahat. Dahil sa mga pinaggagawa nila ay maraming namatay, hindi nila inakalang sa simpleng...