CHAPTER 17

221 5 0
                                    

CHAPTER 17

Hindi na alam ni drake ang kanyang gagawin, wala siyang laban, dalawa ang kaaway niya tapos ang kamay nalang niya ang nagsilbing pag asa, umiiyak na siya at humingi na ng tulong sa dyos.

Habang nag dadasal si drake ay biglang kumapit si brent sa kanya na nakangiti at nilagay ang lubid sa leeg ni drake, dahilan para tumigil si drake sa kaka akyat at nakipagtagisan ng lakas. Dahil kung hindi siya papalag ay malamang mamat4y siya.

Pero kung hindi naman siya magmamadaling umakyat ay malamang matatabunan siya ng lupa, dahil si alexis ay nasa taas ng hukay at nag papala ng lupa upang ilibing si drake ng buhay.

Hindi niya alam kung ano ang uunahin, naguguluhan na siya habang nakikipaglaban sa kanyang buhay.

Maya maya pa ay malapit na sa ulo'han ni drake ang lupa at malapit na siyang malibing ng buhay, habang si brent ay nagpatuloy sa pag lalagay ng lubid sa ulo ni drake.

At ilang minuto pa nga ang lumipas ay natabunan na ng lupa si drake at nailibing na nga siya ng buhay doon sa gitna ng kagubatan...
.
.
.

*ANNA'S POV*

"It's been 30minutes na akong anghihintay dito sa tindahan. Nasaan na'ba ang lalaking yun." pagmuni muni pa ni anna.

"Ang sabi niya maghihintay daw siya dito sa tindahan pero 30 minutes na ang nakalipas, wala namang drake ang nagpakita." dagdag pa niya.

"Niloloko ba ako ng taong yun?"

Habang nag iisip ako ay may isang lalaki ang lumapit sakin at nagtanong.

"Hi, bat naparito ka? May nakalimutan ka?" sambit niya.

Naguluhan ako sa tanong niya pero sinagot ko pa rin.

"Ahmm.. Po?" sagot ko sa tanong niya

Napailing siya at nagsalita pa.

"Ang sabi ko, bat ka bumalik? May nakalimutan kaba?" pagtatanong niya ulit.

Napakunot noo ako sa tanong niya, kaya sumagot ako.

"Ahhmm.. Kanina lang po ako nakarating dito, at hindi pa ako umalis." sambit ko sa kanya sabay ngiti.

"Kakarating mo lang?" sabi niya.

Tumango naman ako at nagsalita.

"Opo, hehe." sagot ko.

Nagulat siya sa sinabi ko, kaya nagtanong pa siya.

" E'diba, magkasama kayo ng boyfriend mo?" pagtatanong pa ulit ng lalaki.

"Boyfriend? Wala akong boyfriend." sagot ko pa.

Dahil dito ay nagtataka ang lalaki at nagsimula na rin akong mangamba, ano kaya ang pinagsasabi ng lalaking to? Oo nag uusap kami ni drake na dito niya ako hihintayin pero pagdating ko dito, wala na siya.

"Nakita po kita kanina miss, kasama mo ang boyfriend mo. Masaya pa'nga kayong naglalakad ehh." sambit pa ng lalaki.

"Pero kuya, kakarating ko nga'lang ho, tsaka wala akong boyfriend. Kung tinutukoy mo si drake, kaibigan ko lang yun at wala siyang girlfriend!" sambit ko pa sa lalaki.

"Di'kaya doppelganger yun?" pagtataka na sabi ni kuya.

Nagulat ako sa sinabi niya, may doppelganger ako? Imposible naman, wala akong nalabag na pamahiin, maliban nalang kay drake. May nalabag kaya siya?

Habang nag uusap kami ni kuya ay may nakita akong babae na patungo samin. At nang makarating na ay tinanong niya ako.

"Anna, tama ba?" tanong ng babae.

"Opo tita, bakit ka'po naparito?" pagtatanong ko pa.

Base sa mukha ni tita, nagtataka ito at parang may hinahanap.

"Kasi anna, kanina ko pa kasi inutusan si drake, pero hanggang ngayon ay hindi pa bumalik kaya naisipan kong puntahan." sabi pa ni tita.

"Mahigit 30 minuto na ako dito tita, pero d ko nakita si drake ehh. Ang sabi niya sakin ay dito niya ako hihintayin, pero di ko naman siya nakita dito." sagot ko pa kay tita at biglang nagsalita ang lalaki.

"Miss, nakita nga kita kanina habang kausap mo ang lalaki, at masaya pa'nga kayong naglalakad." sambit pa ng lalaki. At para maka siguro ako ay pina describe ko sa lalaki ang hitsura ni drake at base sa sinabi niya. Si drake nga iyon kaya kinabahan si tita.

"Doppelganger?" saad ni tita.

Tumango lang ako sa sinabi ni tita at nagsalita.

"Opo tita, yun din ang hinala ko eh." sagot ko pa kay tita.

Maya maya pa ay hindi talaga dumating si drake kaya napagpasyahan na naming magpunta sa bahay ni tita, baka nandun lang si drake.

Ilang minutong paglalakad ay nakarating na kami ni tita sa kanyang bahay at agad kong hinanap si drake sa loob ng bahay, pero wala akong nakita. Pati na rin si tita ay wala. Kaya medyo kinabahan ako at tsaka hindi na mapakali si tita.

Maya maya pa ay may biglang tumawag sa celpon ko...

*Ring!* *Ring!* *Ring!*

*Click!*

"Hello?" sabi ko.

"Pres? Nasan ka?" sagot sa kabila.

Base sa tunog ng boses ay si Rica mey ito.

"Ikaw pala rica mey, anong atin?" sambit ko pa sa kanya.

"Pres, nasan ka? Nabalitaan mo na'ba?" sagot niya sa tanong ko.

"Ha? Nabalitaan? Ang alin?" wika ko na nagtataka.

"Si drake, nakita ng mga tao na nakabitay sa puno. Nag bigti gamit ang lubid sa gitna ng kagubatan." sabi niya.

Agad na nagulat si pres sa sinabi ni rica mey, ang hindi alam ni pres at ni drake ay bawal magpunta sa lamay habang galing ka sa ibang lamay.

Pero ang ginawa ni drake, nagpunta siya sa lamay sa kapatid ni sue, tsaka sa lamay ni adam, at sa lamay ni erol.

To Be Continue...

PAMAHIINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon