CHAPTER 7

361 7 0
                                    

CHAPTER 07: Huwag Kumanta Habang Nasa Harap ng Kabaong Dahil Maaga Kang Mamatay.

"Si erol!?" pagtatanong pa ni adam.

"Oo adam, may nalabag siyang pamahiin. Nagdala siya ng pagkain sa bahay nila at doon nga ay nadatnan nalang siya ng magulang niya na bumubula na ang bibig at ilang oras lang ang lumipas ay namamaalam na siya." pagkwento pa ni drake.

Nagulat silang lahat sa narinig at halos hindi maniniwala.

"Ibig sabihin dalawa na ang pat4y ngayon dahil sa lamay na'to?" pagtatanong pa ng president nila at tumango lang si drake.

Pero bukod sa kaalaman nila ay namat4y narin si alexis dahil sa may nalabag itong pamahiin, kumuha siya ng baryang para sa patay at yan ang hindi alam ng karamihan.

Natahimik silang lahat at tumawag ng ambulansya si pres at ilang oras lang ang lumipas ay nakarating na ang ambulansya at dali daling dinala si brent sa morgue at pinaalam ito ng kanyang pamilya.

Walang imik si sue dahil namat4y ang kanyang kaklase dahil lang sa nakikiramay sila sa kanya.

Maya maya pa ay nataranta na ang lahat na nasa lamay at nag aantay kung kailan sisikat ang araw, para magsiuwian sila dahil natatakot silang umuwi hanggang walang makikitang sikat ng araw sa labas.

Dahil sa mga nangyayare ay mas pinabuti pa ng mama ni sue na sa loob nalang muna silang lahat para mabantayan hanngang sa sumikat ang araw.

Habang nasa loob sila ay hindi maiwasan ng president ang magtaka dahil simula kanina ay hindi pa niya nakikita kung ano ang hitsura ng pat4y.

Kaya agad itong lumapit sa kabaong at dahan dahang tumingin.

Nang makita na ito ng president ay halos lumabas ang dalawang mata niya sa gulat nang makita niya ang nasa loob ng kabaong, dahil ang batang nagpapakita sa kanya kanina sa ilalim ng lamesa at sa puno ng balete ay siya mismo ang nasa loob.

Agad na pinagpapawisan ang pres ng napakarami at nagsimula nang mangamba, aakmang tatalikod dahil magsusumbong kay drake nang biglang gumalaw ang bata sa loob kaya napatigil siya. Tinitigan niya ang bata at para talaga itong gumalaw.

Hindi inalis ng president ang pagtitig hanggang sa unti unting lumingon ang bata sa kanya at dahan dahang nimulat ang dalawang mata at nakatitig ito sa mata ni pres.

Lumakas ang tibok ng puso ni pres. At halos naninigas sa kinatatayuan nang biglang may humawak sa balikat niya.

"AAHH!..." sigaw pa ng pres at Nagsimula nang mag panik. Nagulat ang lahat sa loob tsaka tumingin sa kanya.

"Hoy pres! Ako ito, si drake!" pagpakilala pa ni drake.

"WAG!!... MAAWA KAA!!..." sambit pa ni pres at umiiyak.

"Hoy pres! Ako nga ito! Si drake!" dagdag pa ni drake.

Ngunit hindi nakinig si pres at humagulhol lang ito ng iyak kaya agad na lumapit si adam at niyakap niya si pres, dahilan para bumalik siya sa katinuan.

Pero hindi sapat ang yakap para maibsan ang takot na naramdaman ni pres kaya kinanta niya ang favorite song ni president at dito nga ay kumalma ito.

Naguguluhan ang lahat pati na'rin si adam.

Nagpatuloy lang siya sa pag kanta at inalala ang mga ginagawa ni president.

Habang kumakanta siya ay naalala niya na lumapit si president sa kabaong at tumingin sa batang pat4y.

Medyo nagtataka si adam kung bakit ganoon nalang ang reaksyon ni pres nong hinawakan siya ni drake, kaya habang kumakanta siya ay dahan dahan niyang tiningnan ang nasa loob ng kabaong at wala namang nag iiba. Ang batang pat4y ay siya parin ang nandon.

PAMAHIINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon