CHAPTER 24
"Bakit ka sumisigaw ha!?" pagtatanong pa ng kanyang kuya.
Humagulhol ng iyak si anna at sumagot.
"H-hinabol ako ng mga multo kuya!" sagot niya.
Dahil jan ay natawa ang kanyang kuya.
"Hahaha! Kalokohan!" natatawa niyang sambit sabay alis sa kwarto ni anna.
"K-kuya ala-"
Naputol ang pag sasalita ni anna dahil agad na nagsalita ang kuya niya.
"Gutom lang yan, hali kana kakain na tayo ng dinner." pag aaya pa sa kanyang kuya.
Sabay silang naglalakad papuntang sala habang si anna ay nanginginig at nakayakap sa braso ng kanyang kuya, kaya nagtataka ang kanyang kuya at seneryoso ang sinabi ni anna na may multo.
Ilang minuto at natapos na silang kumain, ang mga magulang at bunso ni anna ay nasa kani'kanilang mga kwarto na, maliban kay anna at sa kanyang kuya.
Nasa sala sila habang ang kuya ni anna ay naglalaro ng video games, si anna naman ay nanonood ng tv. Pero hindi pa rin maalis sa isip ni anna ang nangyayare, kaya hindi siya mapakali, napansin ito ng kanyang kuya kaya nilapitan niya si anna.
"Okay kalang?" pagtatanong ng kanyang kuya.
Ngumiti si anna at tumango, pero bakas sa kanyang mukha ang takot na naramdaman, kaya nagsalita pa ang kanyang kuya.
"Bukas na bukas, pupunta tayo sa manggagamot. Ipapatingin natin kung ano ang gusto ng nagambala mong spirito." sambit niya sabay alis at papunta na sa kanyang kwarto.
Naiwan si anna sa sala, at dahil sa takot ay bumalik na siya sa kanyang kwarto at natulog.
Lumipas ang ilang oras ay hindi siya nakatulog ng maayos, kahit naka aircon pa sila ay pinagpapawisan pa rin si anna, hanggang sa nag umaga na.
Maagang dinalaw si anna ng kanyang kuya at nakita ng kanyang kuya na namumutla ito, halatang hindi nakatulog, kaya napagpasyahan nilang magtungo ng maaga sa manggagamot.
"Anna, maligo ka muna, wag kang mag alala di ako aalis sa kwarto mo." sambit ng kuya ni anna.
Tumango lang si anna at dali daling naligo, pagtapos ay nagtungo nga sila sa manggagamot.
"Tao po." sambit ng kuya ni anna nang makarating.
"Sino yan?" sagot naman ng matanda at base sa tunog ay papalapit ito sa pintuan para pagbuksan sila ng pinto.
"Hello po, gusto ko sanang ipatingin ang kapatid ko." sagot pa sa kuya ni anna.
"Bakit, anong sakit ba nyan, at bakit kayo nag tungo sa manggagamot. Di ba yan kayang gamutin ng doktor?" pagtatanong pa ni manong.
Natawa si anna sa response ng manggagamot at sumagot naman ang kuya niya.
"Actually po, sinundan po ng mga ispirito ang kapatid ko." nalungkot na sambit ng kuya ni anna.
"Oh? Ano ngayon? May sakit ba yang ispiritong yang at naisipan nyong pumunta sa bahay ko?" padabog na sagot ng manggagamot.
Dahil jan ay nagtaka silang dalawa kung bakit ganyan ang response ni manong, kaya nag salita pa si manong.
"Alam nyo mga bata, nanggagaling ako ng may mga sakit. Hindi ako albularyo para magpapaalis ng mga demonyo O ispirito." sagot pa niya at agad na bumalik sa loob ng bahay, pero bago pa niya isinira ang pinto ay nagsalita pa to.
"Dun kayo sa albularyo lumapit." dagdag pa niya sabay sira ng pinto.
Dahil nga sa sinabi ni manong ay agad silang nagtungo sa bohol, at doon ay nagtanong sila sa mga tao dun kung may kilala ba silang albularyo. Ilang oras na pagtatanong ay walang nakakaalam kaya napagpasyahan nilang pumasok sa peryahan at doon nga ay may nakita silang manghuhula.
"Ilang oras na tayong palibot libot, pero wala talagang albularyo ang nagpapakita." sambit ng kuya ni anna.
"Oo nga kuya ehh." sagot ni anna at nagsalita pa.
"Nakita mo yun? (sabay turo sa maliit na bahay)"
"Parang bahay yan ng manghuhula kuya." dagdag pa ni anna.
"Oo nga, ipapahula natin kung saan may albularyo dito." natatawang sambit sa kuya ni anna.
"Sge tara." Sagot naman ni anna.
Dali dali silang lumapit sa bahay at doon ay kumatok.
"Tao po!" sambit ng kuya ni anna.
"Sino yan?" sagot ng matanda.
"Este pasok!" dagdag pa niya.
Dahil jan ay natawa nanaman si anna.
"Gagi? Manghuhula ba talaga yan?" pagrereklamo pa ng kuya ni anna at salita pa
"Bakit di nya tayo nahulaan?" dagdag pa niya.
Nagdadalawang isip sila kung tutuloy pa'bang pumasok, parang niloloko lang sila ng manghuhula. Kaya naisipan nalang nilang huwag nang papasok at nagtungong kagubatan at nagbabakasakaling may makitang albularyo.
Habang nag lalakad sila ay may nakasalubong silang isang bata kaya nag tanong sila.
"Bata, may kilala kabang albularyo?" tanong ni anna.
Tumango lang ang bata at nagsalita.
"Opo." nagtatakang sagot ng bata.
Dahil dun ay agad na natuwa silang dalawa.
"Pwede mo ba kaming samahan sa bahay nila?" pagtatanong pa sa kuya ni anna.
"Oo naman, kaso medyo malayo ehh... May kakilala akong malapit sana si mang esteban, kaso lumayo eh matapos maka ampon ng bata na parang baboy."
"Kaya sasamahan ko nalang kayo sa kilala ko pang dalawang albularyo, kaso loko loko sila ehh, tsaka mukhang pera." dagdag pa ng bata.
Agad na natuwa si anna at dali dali silang dinala ng bata papunta sa albularyo.
Ilang minutong pag lalakad ay nakarating na nga sila sa bahay ng loko lokong albularyo, at sa unang tingin palang ay nakakatakot na talaga ang bahay nila.
"Ito ang totoong nangunguntra ng mga demonyo, ramdam kong malalakas sila." sambit pa sa kuya ni anna, at nang makarating na sila ay agad itong kumatok.
"Tao po!" pasigaw na sambit ni anna sabay katok sa pinto.
"Five thausand." sagot naman ng isang lalaki na galing sa loob ng bahay.
Hindi pa sila pinagbuksan ng pinto pero sumagot na agad ang kuya ni anna.
"Ano kasi, yung kapati-"
Naputol ang pagsasalita ng kuya ni anna nang biglang sumagot ang isa pang lalaki.
"Alam namin kung ano ang pakay ninyo." sambit nito at agad na binuksan ang pinto.
Pagkabukas palang ay nagkasalubong na ang kani-kanilang mga mata, at nag salita ang isang lalaki.
"Five thausand." sambit niya.
Dahil jan ay nagtaka si anna.
"Ha?" pagtatakang sagot ni anna.
"Five thausand, kapalit ng tatlong multo na nasa likoran ninyo." dagdag pa ng albularyo.
Agad na tumingin sila anna sa likod at nagulat nalang sila dahil wala namang multo, pero may mainit na hangin ang padaloy daloy sa kanilang katawan at bigla nalang tumayo ang kanilang mga balahibo.
"Nga pala, ako si jacob.(Sabay handshake.)"
"Ako naman si samuel.(sabay handshake.)" pagpakilala pa ng dalawang albularyo.
To Be Continue...
BINABASA MO ANG
PAMAHIIN
Terrorang kwentong ito ay tungkol sa mag kaklaseng nakikiramay sa namatayan nilang classmate, kaso wala silang alam sa mga pamahiin kaya nagkanda letche letche ang lahat. Dahil sa mga pinaggagawa nila ay maraming namatay, hindi nila inakalang sa simpleng...