CHAPTER 25
"Nga pala, ako si jacob.(Sabay handshake.)"
"Ako naman si samuel.(sabay handshake.)" pagpakilala pa ng dalawang albularyo.
Sa hitsura palang ng dalawa ay halatang nakakatakot na.
"Ako naman si cedrick, at ito ang kapatid kong si anna." pagpakilala pa sa kuya ni anna.
Nag shakehands sila at dito nga ay pinapasok sila sa loob ng bahay.
Sa loob palang ng bahay ay masasabi mo talagang totoong albularyo ang dalawang to, dahil sa loob ay may manika, may mga mata ng hayop at kaliskiss ng serina.
"Totoo po ba ang mga yan?" tanong ni cedrick.
Ngumiti lang si samuel at sumagot.
"Mukha lang kaming pera, pero totoo yang mga nakikita mo dito sa bahay ko." sagot niya.
Namangha silang dalawa, at dito nga ay pinag usapan nila ang totoong dahilan kung bakit sila naparito sa bahay ng albularyo.
"Ahmm... Ano kasi.. Y-yung kapatid ko ay sinundan daw ng mga multo." sambit sa kuya ni anna.
"Oo alam ko, mga kaluluwang hindi matatahimik." sagot ni jacob.
"Ano po ba ang dapat naming gawin para lubayan na nila ang kapatid ko?" tanong ni cedrick.
Agad na kinuha ni jacob ang isang papel at ballpen tsaka niya binigay kay cedrick.
"A-anong gagawin ko sa papel at ballpen?" pagtatakang tanong niya.
"Ipasulat mo sa kapatid mo ang pangalan ng mga multong hindi natatahimik." seryosong sagot ni samuel.
Agad naman itong binigay ni cedrick sa kanyang kaptid at doon ay sinulat ni anna ang mga pangalan nila drake isa isa.
"Ito ho, tapos na ho." sagot ni anna.
"Ngayon, pumunta kayo sa simbahan at ibigay ninyo yan sa pari." dagdag pa ni samuel.
"Ha? Bakit sa pari?" pagtatakang tanong ni cedtrick.
"Pa MISA-han nyo malamang, para manahimik na yang kaluluwang nagambala nyo." sagot naman ni jacob.
"Eh? Ganun lang?" sagot ni cedrick.
"May nakikita ka pa'bang ibang paraan iho?" pasungit na tanong ni samuel.
"Ang dami naming pinuntahang lugar at nag suot suot pa kami para lang makita kayo, tapos yan lang pala ang gagawin namin." pagdadabog pang sabi ni cedrick.
Natawa lamang si anna, dahil sa layo ng pinaggalingan nila ay pa MISA-han lang pala ang katapat.
"Wala na bang iba? I mean, alam na namin yan ehh.. Maliban sa pa misa, may iba pa'bang paraan para tumahimik ang mga kaluluwang yan?" pagtatanong pa ni cedrick.
"Depende kasi yun iho, kung palaging nagpaparamdam ang kaluluwa, yun ang pa misa-han nyo, pero pag pumat4y ng tao, ibang estorya na'yan." sagot pa ni samuel.
Nang marinig ito ni anna ay agad siyang sumagot.
"Opo!.. Yun nga po!... Madami na akong kaibigan ang namat4y!.. Dahil sa mga multo na yan!.." pasigaw pang sabi ni anna.
Dahil dun ay napaisip ang dalawang albularyo.
"Kung ganun... Ano pala ang sanhi ng lahat? Ang ibig kong sabihin ay saan ito nagsimula?" tanong ni samuel.
"Ganito kasi yun..." sabi ni anna at huminga ng malalim tsaka nagkwento.
"Nakilamay kami sa ka-klase namin dahil sa bunso niyang kapatid na namayapa, tapos yung iba kong ka-klase at ako ay walang alam sa mga pamahiin. Tapos kung may alam yung iba ay hindi naman naniniwala sa pamahiin. Kaya ayun, sa hindi inaasahan ay parehas kaming nakalabag, at yung iba na alam nilang bawal ay hindi ininda, dahil pamahiin lang naman daw yun at hindi totoo. Kaya ang ending, namat4y silang lahat, at ako naman ngayon ang hinunting nila." pag kekwento pa ni anna.
Nang marinig ito nila samuel ay agad na nagsalita si jacob.
"Kaya pala may tatlong multo sa likod ninyo kanina, puro sila lalaki." sabi ni jacob.
"Nakikita nyo po sila?" tanong ni anna.
"Oo, dahil may third eye kaming dalawa." sagot ni samuel.
"So, ano ang gagawin namin para layuan nila ang kapatid ko?" tanong ni cedrick.
"Sa tingin ko iho, huwag nyo silang palayuin. Dahil ang tatlong yan ay mababait, sila yung tutulong sa kapatid mo pag napansin nilang may panganib ang darating." sagot naman ni samuel.
Nang marinig ito ni anna ay agad na sumagip sa isip niya ang ginawa ni drake, binalaan siya doon sa lamay. Si erol naman ay nagpapakita sa kanya at sinabing papunta na sila alexis at brent sa bahay nila habang naliligo si anna, at ang panghuli ay si patrick, tinulungan niya noon si anna makatakbo papuntang sementeryo at mag pagpag.
Nang maisip ito ni anna ay agad siyang napangiti.
"I think silang tatlo yung tinukoy ng dalawang albularyo." bulong ni anna sa kanyang isip at ngumiti.
"Ano pa nga ang gagawin namin!?" tanong pa ni cedrick.
"Sge, ganito... parang uubusin yata kayong magkakaibigan, pumunta kayo sa simbahan at ipa MISA nyo sila, and then humingi kayo ng holy water. Ipaligo ninyo sa sarili ninyo para hindi kayo mahawakan ng demony0." sabi ni samuel.
"Tsaka mag sindi ng anim na kandila. At ilagay sa sahig, huwag nyo pag dikit dikitin, dapat nakapalibot ang kandila sa taong nakalabag ng pamahiin. At huwag kang lalabas o lalagpas sa kandila, sa ganun ay mapoprotektahan ng babaeng to ang sarili niya." dagag pa ni jacob.
Agad na tinandaan ni anna ang mga sinabi ng dalawang albularyo, at agad na silang kumilos.
Pero bago pa makalakad sila palabas ay nagsalita pa si samuel.
"Dito ka muna sa bahay namin anna, ikaw cedrick ay lumuwas ka ng bayan at ipa MISA mo ang mga kaluluwang nakasulat sa papel, sa ganun ay matahimi-"
Naputol ang pagsasalita ni samuel nang biglang nahulog ang garapon sa likod niya.
"Nandito na sila." mahinang sabi ni jacob.
Agad na kinabahan si anna, at lumapit sa dalawang albularyo.
"Ano pa ang hinihintay mo cedrick! Tumakbo kana papuntang bayan!.. Hindi naman ikaw ang pakay ng mga multo, kundi ang kapatid mo!." sigaw ni jacob, kaya dali daling tumakbo si cedrick at umalis.
Naiwan si anna sa loob ng bahay, kasama sila samuel at jacob.
"Natatakot ako..." sabi ni anna.
"Huwag kang matako-..." naputol ang pag sasalita ni jacob dahil biglang lumitaw si rica mey sa harap nila.
"Sumama ka pres..." mahinang sabi ni rica mey, at nagsilitawan pa sila alexis, brent, at adam sa harap nila habang nakangiti at may hawak na lubid at itak.
To Be Continue...
BINABASA MO ANG
PAMAHIIN
Horrorang kwentong ito ay tungkol sa mag kaklaseng nakikiramay sa namatayan nilang classmate, kaso wala silang alam sa mga pamahiin kaya nagkanda letche letche ang lahat. Dahil sa mga pinaggagawa nila ay maraming namatay, hindi nila inakalang sa simpleng...