CHAPTER 11

287 8 0
                                    

CHAPTER 11: Bawal Lumapit Sa Kabaong Ang Buntis At Tumingin Sa Pat4y, Dahil Mamalasin Or Mahihirapang Manganak

"Teka!" sambit ni drake at agad na tumakbo ng mabilis.

Pero hindi na napigilan ni drake dahil nakarating na sa harap ng kabaong ang babaeng buntis habang umiiyak.

Nanlaki ang mga mata ni drake at nagsalita.

"MALAS YAN!... BAKIT KA LUMAPIT!... MAMALASIN KA ATE!..." dagdag pa niya.

Ngunit nagtaka lang ang babae sa reaksyon ni drake at binaliwala.

Gusto mang awatin ni drake ang babae pero nagsalita ang mama ni adam.

"Pamahiin lang yan." sambit pa niya.

"Hindi yan totoo." dagdag pa niya.

"Pero tita, di lang po si adam ang namat4y." sagot pa niya.

At dito nga ay napatigil ang mama ni adam at nagtaka.

"Ano ulit?" sambit pa sa mama ni adam.

"Tita, it's kind'a wierd.. Pero hindi lang po si adam ang namat4y." pagsasalita pa ni drake tsaka pinaliwanag ni pres na may iba pa ang namamaalam bukod kay adam.

"May dalawa pa kaming kaklase ang namat4y, yung isa ay si erol, yung matabang palaging kasama ni drake." sabi ni anna.

"Yung matabang kasabay po ni adam papunta sa school, kilala nyo naman siya diba?" sabi pa ni anna at dahil nga dito ay nagulat si tita sa narinig.

Pero hindi naman naniniwala sa pamahiin ang pamilya ni adam at agad na tumingin si tita sa babaeng buntis.

"Walang mangyayare sa kanya mga bata." sambit pa ni tita.

"Wala pa po, dahil ang pamahiing yan ay para sa mga buntis at mahihirapan silang manganak." pagpaliwanag pa ni drake.

Tumango lang si tita at parang hindi naniniwala sa sinasabi ni drake, kaya umalis ito at nagtungo sa kusina para mag bigay ng mga kape.

Ilang oras lang ang lumipas ay nag alas dose na ng hating gabi, napabusy si anna at drake sa kakaasikaso nang biglang nagpalaaman ang babaeng buntis na umalis dahil may pasok pa sa trabaho ang kanyang mister.

"Mauna na ako ate, ikaw na ang bahala dito ha." sambit pa niya.

"Okay, mag iingat ka." saad pa ni tita.

Agad na umalis ang babaeng buntis, hanggang sa makalabas na siya ng bahay.

Napansin yata ng babae na may kakaiba, dahil habang naglalakad siya ay may isang lalaki ang nag mamasid sa kanya, kaya napahinto ang buntis at tinitigan ang lalaking nakatayo sa gilid ng kalsada tsaka nagsalita.

"Alexis?" sigaw na sabi niya.

Ngumiti lang si alexis at nakatingin lang sa kanya.

"So, tama nga?... Haha bakit ka nanjan, diba ikaw yung kaklase ng inaanak kong si adam?... Dapat nandun ka sa loob ng bahay!..." pasigaw pa niya dahil medyo nasa malayo si alexis.

Ngunit hindi ito gumalaw at nanatiling nakatayo habang nakangiti kaya nagtataka ang buntis.

"Hello?" sambit pa ng buntis ngunit hindi talaga nag response si alexis kaya napagpasyahan niyang lumapit.

"Hoy! ikaw na bata ka! Pumasok ka sa loob, bakit ka nanja-..."

Naputol ang pagsasalita ng buntis nang makita niya ang mukha ni alexis, wala itong mga mata at ang bibig ay bumubula ng mga dug0. Kaya natakot siya at dahil sa takot ng buntis ay nagmamadali siyang tumakbo pabalik sa loob ng bahay.

PAMAHIINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon