CHAPTER 18
"Pres, nasan ka? Nabalitaan mo na'ba?" sagot niya sa tanong ko.
"Ha? Nabalitaan? Ang alin?" wika ko na nagtataka.
"Si drake, nakita ng mga tao na nakabitay sa puno. Nag bigti gamit ang lubid sa gitna ng kagubatan." sabi niya.
Agad na nagulat si pres sa sinabi ni rica mey, ang hindi alam ni pres at ni drake ay bawal magpunta sa lamay habang galing ka sa ibang lamay.
Pero ang ginawa ni drake, nagpunta siya sa lamay sa kapatid ni sue, tsaka sa lamay ni adam, at sa lamay ni erol.
Agad kung nabitawan ang celpon ko at bigla akong nanginginig sa narinig.
"Si drake?... Nag bigti?... Pero bakit?..." putol putong kong sabi.
Humagulhol ako ng iyak at umiyak ng umiyak, tsaka napaupo ako sa sahig.
"Bakit niya nagawa yun?" sabi ko sa isip.
Dahil sa pag iyak ko ay narinig ako ni tita at dito nga ay nagtaka si tita kung bakit ako umiyak.
"Anna? Okay kalang?" sambit ni tita.
Tumingin ako sa mga mata ni tita at nagsalita.
"Si d-drake.. Tita... Huhuhu... P-pat4y N-na." sagot ko at pinahiran ko ang luha na pumapatak galing sa mata ko.
Nagulat si tita sa sinabi ko.
"Totoo ba yan anna?"
"Saan mo naman yan narinig?"
"May proweba kaba?"
Napakadami pang mga tanong ni tita pero hindi ko ito sinagutan, umiyak lang ako. At napayuko si tita tsaka nagisumula na'ring umiyak.
Maya maya pa ay nag open ako ng facebook para makibalita sa mga kaklase ko. Pero hindi pa ako naka punta sa messege ay nakita ko ang isang post ng page kung saan ako naka follow. At ito yung post...
*******
Isang bata ang natagpuang pat@y kanina lang mga dalawa o tatlong oras ang nakalipas.
Ang sabi sa nakakita, habang naglalakad siya sa kagubatan upang manghuli ng mga gagamba para ibenta sana school, ay may nakita siyang isang lalaki na nakabitay sa puno ng balete, gamit ang isang lubid na nakatali sa kanyang leeg.
Pero ang sabi sabi naman ng mga tao, pinaglaruan daw ito ng mga masasamang ispirito bago pinat@y.
Ngunit ang sabi sa imbestigador na kakarating lang sa gubat, nabaliw daw ang lalaki bago pa ito namat@y. At sa buhay pa ang lalaki, kung may nakakita lang sana sa kanyang tao habang nagpalakad-lakad ay maagapan pa sana.
Pero ang ipinagtataka ng media, wala namang baliw ang magpapakamat4y o mag śūìçîď£, sa halip, umiiwas pa nga ito pag nakaramdam ng takot o masamang banta.
Kung ikaw ang tatanungin, ano ang sanhi ng pagkamat@y ng lalaki?
Jan lang muna dahil patuloy pang nag imbestiga ang mga pulis.
**********************
Nang nabasa ito ni anna at agad siyang humagulhul ng iyak.
"So, totoo nga. Pat4y na nga si drake." Sambit ni anna habang umiiyak.
"Ang dali naman, Di ko pa nga nasabing mahal ko s'ya ehh." dagdag pa ni anna at pinahiran ang luha.
Dahil dun ay agad tiningnan ni anna ang iba pang mga post at napag alaman niya kung saang hospital dinala si drake at dali daling nag punta doon.
20 minuto ang nakalipas at nakarating na si anna sa hospital at dumiresto sa m0ŕgu£ para tingnan ang bangkay ni drake.
Sa pintuan palang habang naglalakad siya ay nakita niya ang kapatid ni drake, kaya walang duda, si drake nga iyon ang nasa m0ŕgu£ ngayon.
Dali daling pumasok si anna sa m0ŕgu£ at doon palang ay nakita niya ang mama ni drake na umiiyak.
Dahan dahang nilapitan ni anna ang bangkay na na'sa table at nakita niya ang mukha ni drake na tinatakpan na ng trabahante ng tela.
Napaiyak si anna dahil confirm, si drake nga. Pat4y na si drake, pat4y na ang lalaking gusto niya.
Nakita ng ina ni drake na umiiyak si anna kaya agad na niyakap ng ina at nagdadamayan silang dalawa.
Ilang oras pa at inuwi na nila si drake at sa bahay ay tinulungan ni anna ang mama ni drake sa mga gawain.
Halos hindi matanggap ng magulang ni drake na wala na siya, pati si anna ay naninibago sa nangyayare.
Sobrang bilis, kanina lang at nag uusap pa si anna at drake sa celpon. Pero ngayon, nasa loob na ng kabaong si drake.
Habang pinagmasdan ni anna si drake sa kabaong ay naramdaman ni anna na parang may nakatitig sa kanya doon sa malayo. Parang nasa labas ito ng bahay.
Lumalamig ang simoy ng hangin at biglaang tumatayo ang mga balahibo ni anna. kaya tumingin tingin siya sa paligid at sa hindi kalayuan ay nakita niya si drake na nakatitig.
"D-drake?" hinang sambit ni anna.
"B-bakit ka nagpakita sa'kin?" dagdag pa niya.
Ngumiti lang si drake at agad ring naglaho.
Dahil dito ay agad na tumakbo palabas si anna at nagpunta sa kinaruruonan ni drake.
Ngunit hindi na ito nagpkita, kaya bumalik si anna sa loob at tumulong sa gawain ni tita.
Habang nagbibigay si anna ng kape ay nagpakita nanaman si drake sa likod ng kusina na nakangiti at umiyak.
"D-drake?" hinang sambit niya.
Ngunit agad ring naglaho si drake.
"Anong ibig sabihin nito?" bulong niya sa kanyang isip.
"Bakit palagi kang nag papakita sa'kin?" dagdag pa niya.
"May gusto ka bang sabihin o ipahiwatig sakin?"
Madami pang mga tanong si anna at nag hintay ng kunti sa kusina, baka magpapakita pa ulit si drake, ngunit lumipas ang 20 minuto ay walang drake ang nagpakita.
At lumamig na ang kape. Kaya napag pasyahan na ni anna ang bumalik na sa pag bibigay ng kape.
Pero bago pa siya namigay ay papalitan na muna niya ang kapeng dala niya, dahil malamig na ito. Kaya agad siyang nag timpla ulit, pero biglang pumasok ang simoy ng hangin sa loob ng kusina at nagsiliparan ang mga kurtina.
Agad na napatingin si anna sa paligid at sa hindi inaasahan, nakita niya ang kanyang sarili sa salamin at sa likod ay nandon si drake na nakayo.
To Be Continue...

BINABASA MO ANG
PAMAHIIN
Horrorang kwentong ito ay tungkol sa mag kaklaseng nakikiramay sa namatayan nilang classmate, kaso wala silang alam sa mga pamahiin kaya nagkanda letche letche ang lahat. Dahil sa mga pinaggagawa nila ay maraming namatay, hindi nila inakalang sa simpleng...