Moira's Pov
Medyo nagulat ako ng magising at nakitang katabi sa higaan ang kapatid ko. Marami namang bakanteng kwarto dito sa bahay pero pinili niyang tumabi sa'kin ni Maica, natatakot daw kasi ito. Matagal narin naman nung huling tumabi siya sa'kin sa pagtulog kaya hinayaan ko nalang.
Tumayo ako at binuksan ang dalawang malaking bintana at nakita ang kagandahan ng paligid. Napangiti ako ng matanaw ang gubat na pinupuntahan namin lagi ni Lola. Nasabik tuloy akong pumasyal doon. Buti nalang tumigil na ang ulan.
Mabilis akong bumaba dala ang mga gamit ko para makaligo. Sa sobrang pagod ko sa biyahe kahapon hindi ko na nagawang nakaligo kagabi. Nagtataka nga ako wala naman kasi akong ginawa sa mahigit anim na oras na biyahe kung hindi umupo lang pero parang binugbog ang katawan ko at naghanap agad ng mahihigaan pagkarating namin. Kumain lang ako sa inihanda na pagkain nina Aling Lupe at Mang Delfin at umakyat na agad ako sa kwartong tinutuluyan ko.
"Magandang umaga Miss Moira," bati sa'kin ni Aling Lupe na malawak na nakangiti ng madatnan ko siya sa baba.
"Good morning po" bati ko naman sa kanya pabalik
"Gusto mo bang ipaghanda na kita ng almusal? Nagluto ako ng sopas at may pandesal din" sabi pa nito
"Mamaya nalang po maliligo na muna ako, sina Mama po gising naba?" Tanong ko naman sa kanya
"Oo, mas nauna pa nga silang nagising sa'min. Alas kwatro palang umalis na ang Papa mo may problema daw sa trabaho" sagot niya. Natahimik nalang ako at napatingin sa may bandang pintuan. Nakita ko si Mama na papasok sa loob ng bahay.
"Good morning, bakit ang aga mo yatang nagising?" Tanong ni Mama at tumingin sa relo na suot niya. "Mag aala sais y medya palang" sunod na sabi nito habang naglalakad palapit sa'kin.
Gusto ko sanang tanungin siya kung ano ang ginagawa niya sa labas at kung nasaan si Papa pero ayoko naman masira ang magandang gising ko. Inaasahan ko narin naman na gagawin ito ni Papa, hindi ko lang naisip na ganito ka aga.
"Good morning Ma, maliligo lang ako ang lagkit ng pakiramdam ko" walang siglang sabi ko sabay talikod na sa kanya.
Ang totoo naiinis ako kay Mama. Alam niya ang kagaguhan na ginagawa ni Papa pero wala siyang ginagawa. Ahh.. meron pala.. umiiyak siya. Imbes na maawa ako sa kanya ay naiinis pa ako lalo sa kanya.
Dahil sa pagiging mahina ni Mama napilitan akong maging matapang at malakas para sa kanila ni Maica. Ginagawa ko lahat para magpapansin kay Papa kahit sa maling paraan na para lang magka oras ito sa'min. Alam ko naman mali ang pamamaraan ko ang kaso anong paraan ba ang dapat kong gawin? Wala kasing epekto sa kanya ang pagiging mabuting anak ko kaya pinili ko nalang maging masama para mapansin nila.
Mabilis lang akong naligo at ibinalot agad ang basang katawan ko sa bathrobe na dala ko. Nakita ko pa sina Mama at Aling Lupe sa may sala bago ako tuluyang umakyat para makapunta sa kwarto ko.
Isang puting bestida ang naisipan kong isuot. Balak ko sanang gisingin na si Maica para sabay na kaming mag almusal ngunit napaka himbing pa ng tulog nito. Hayaan ko nalang muna siyang magpahinga, sigurado kasi na ma d-disappoint lang siya kapag nalaman niyang bumalik na ng Manila si Papa.
*****
"Ang ganda mo talaga Ms. Moira para kang prinsesa sa suot mo" hindi ko naman napigilan mapangiwi sa sinabi ni Aling Lupe.
"Salamat po" sabi ko nalang at tinignan ang suot ko. Wala namang espesyal sa suot ko at pang araw araw ko lang naman 'to.
"Natutulog paba ang kapatid mo?" Nakangiting tanong naman ni Mama. Tumango naman ako.
BINABASA MO ANG
My Dear Guardian (COMPLETED)
RomanceSa gubat na kung saan paboritong pinupuntahan para pasyalan ni Moira noong kabataan niya, nakilala siya si Sebastian. May pagka masungit at suplado ang binata pero hindi ito naging hadlang upang mahulog ang loob niya dito. Pakiramdam pa nga niya ay...