CHAPTER 16

57 3 0
                                    

Moira's Pov

Malayo layo pa ako sa bahay ay napansin ko na agad ang nakaparadang sasakyan. Binilisan ko ang pag padyak sa pedal ng bisekleta hanggang sa ma kumpirma ko ang hinala ko. Sasakyan nga iyon ni Papa.

"Saan ka galing?! Alam mo bang kanina kapa namin hinahanap?!" Sigaw ni Papa sa'kin pagkakita sa'kin.

"Bakit nandito ka?" Pambabalewala ko sa tanong niya at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad.

"Mag empake kana at aalis na tayo!" Pagalit na utos nito.

Alam kong darating ang araw na kakailanganin na naming bumalik sa Manila pero hindi ko inaasahan na ngayong araw na iyon.

"Ayoko" matigas na sabi ko at nakipag laban ng titigan kay Papa

"Ate" tawag naman sa'kin ni Maica na hinihila ang dulo ng damit ko. Parang nakikiusap ito na sumunod nalang sa sinabi ni Papa.

"Wala akong pakialam kung ayaw mo, dahil sa ayaw at gusto mo ako ang masusunod at babalik na tayo sa Maynila ngayon!" Mariin na sabi ni Papa at lumapit pa ito sa'kin at itinulak tulak ang noo ko gamit ang hintuturo niya.

Marahas ko namang hinawi ang kamay niya at nakipag sukatan ng titig sa kanya.

"Wala din akong pake sa gusto mo kaya huwag mong isipin mapapasunod mo'ko sa kung ano man ang gusto mo" isang malakas na sampal ang nagpabingi sa tenga ko.

"Honey!" Dinig kong sabi ni Mama na mabilis na lumapit sa'kin. Si Maica naman ay yumakap sa baywang ko.

Masamang tingin ang iginawad ko kay Papa habang hawak ang nasaktan pisngi ko. Kahit anong pigil ko rin na huwag tumulo ang mga luha ko au pilit itong kumawala sa mga mata ko.

"Ano lalaban ka? Matapang kana? Bakit kaya mo naba ako ha?!" Sabi pa ni Papa na tinulak ang ulo ko.

"Honey! Tumigil kana!" Sigaw ni Mama sa kanya.

"Ate mag sorry kana kay Papa please" nakayakap at umiiyak na sabi naman sa'kin ni Maica.

"Bakit ako mag s-sorry sa kanya? Ano bang ginawa kong mali? Siyanga dapat ang mag sorry satin lalong lalo na kay Mama! Nakakadiri siya!" Malakas na sabi ko.

Nakakuyom ang mga panga at halatang galit na galit si Papa pero hindi ito makalapit dahil pinipigilan siya ni Mama.

"Yan ba ang tinuturo ng eskwelahan sa'yo?! Wala kang respeto! Sayang lang ang ginagastos ko sa pag aaral mo! Kung hindi dahil sa'kin wala ka ngayon sa mundong ito!" Pulang pula ang mukha ni Papa sa galit pero wala akong pake. Lumalabas narin mga ugat nito sa leeg dahil sa pagsigaw sakin.

"Utang na loob ko pa ngayon sa'yo ang pagbuhay mo sa'kin sa mundo? Bakit ginusto ko bang mabuhay dito sa mundo na isang katulad mo ang tatay ko? Isusumbat mo pa sakin ngayon ang ginagastos no sa pag aaral ko na karapatan ko naman dahil anak mo'ko? Eh yung ginagastos mo sa mga babae mo sinusumbat mo rin ba sa kanila mga binibigay mo? Kung gusto mong respetuhin kita respetuhin mo muna ang Mama ko!" Sigaw ko din kay Papa

Halos lumipad si Mama ng pilitin makawala ni Papa sa kanya. Nakita ko kung paano ito nasubsob sa may sahig at lalapitan ko sana siya pero nahablot ni Papa ang buhok ko at sinampal ulit ako. Wala akong nagawa kundi umiyak at hayaan nalang ng sampalin pa niya ako ulit.

"Kung alam ko lang na lalaki kang ganyan hindi na sana kana namin binuhay. Wala kang utang na loob, lumayas ka sa pamamahay ko at simula ngayon hindi na kita anak" hinihingal na sabi ni Papa habang naglakad ito palayo.

My Dear Guardian (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon