Moira's Pov
Kasalukuyan akong nag t-toothbrush ng dumating si Ulysses at Red. Mabilis kong tinapos ang pag toothbrush at paghilamos ko bago ako humarap sa kanila.
"Magandang umaga, kumusta ang tulog mo?" Tanong ni Ulysses
"Good morning! Mabuti naman, hindi ko nga inaasahan na mahimbing akong makakatulog dito" masiglang sabi ko
"Pinagluto ka nga pala namin ng almusal" sabi naman ni Red kaya napatingin ako sa mga nakahapag sa maliit na mesa ko. "maagang nagising si Ulysses para gawin yang gulay na binalot sa repolyo, ang sabi niya ay ikaw daw ang nagturo sa kanya niyan. Ako naman ang nagluto nitong ginisang labong na may kamote." Sabi nito
"Wow naman ang sweet niyo maraming salamat. Nag abala pa talaga kayo, may cup noodles naman ako eh, nakakahiya sa inyo" sabi ko
"Wala iyon, magluluto din naman kami ng almusal kaya isinali kana namin" sabi naman ni Ulysses
"Kayo ba nag almusal na? Sabayan niyo na ako ang dami kaya nito" sabi ko
"'Yan naman talaga ang balak ko, ang sabayan ka para hindi ka malungkot kumain mag isa." Sabi naman ni Ulysses.
"Kung ganoon sasabay na din ako sa inyo, wala yatang gana si immortal na Sebastian kaya mag isa lang akong kakain kung babalik ako sa bahay" sabi naman ni Red
"Hindi kaya magalit siya at dito kayo kumain?" Tanong ko sa dalawa
"Hindi naman siguro, pwede naman siyang makisabay sa'tin" sagot ni Red
"Hindi naman yun sasabay sa inyo kung kasama ako" sabi ko bago sumandok ng pagkain ko
"Ano ba kasi ang pinag awayan niyo at bakit hindi pa kayo magbati? Kahapon nung bumalik siya sa bahay kulang nalang umapoy ang mga mata niya. May itatanong pa naman sana ako pero hindi ko na ginawa." Sabi pa ni Red
"Huwag ka ng maraming tanong at kumain ka nalang. Huwag mo nalang inisin si Sebastian at baka sa'yo ibaling ang galit niya." Sabi naman ni Ulysses.
"Wala naman akong ginagawa, umiwas nga ako sa kanya." Sagot naman ni Red
"Lagi bang mainit ang ulo ni Sebastian? Alam ko kasi mahinahon lang lagi siya." Tanong ko
"Mahinahon at laging kalmado naman siya pero dahil yata may tampuhan kayo kaya wala siya sa kundisyon" sagot naman ni Red.
Pilit naman akong ngumiti at tahimik na itinuloy ang pagkain ko.
***
"Ulysses.. kahapon, hindi naman kayo nag away ulit ni Sebastian diba? Nakapag usap ba kayo?" Nahihiyang tanong ko
"Hindi naman kami nag away hindi lang kami nag pansinan. Hindi ko rin siya nakitang umuwi kagabi, iniisip ko baka nandito siya at binabantayan ka. Kung hindi naman baka magdamag siyang nagnilay sa kweba para maging payapa ang isip niya." Sagot nito
"Baka nga nasa kweba siya" mahinang sabi ko. "palagay mo ba may epekto sa kanya ang ginawa natin kahapon?"
"Kung walang epekto hindi siya magkaka ganoon. Nagsisimula palang tayo, huwag ka munang sumuko"
"Hindi ko naman talaga siya susukuan hindi ko lang alam kung tama ba ang paraan natin, baka kasi isipin niya na hayaan nalang tayo kung may namamagitan man talaga sa'ting dalawa. Nag aalala din ako na baka masira ang pagkakaibigan niyo dahil sa'kin." Malungkot na sabi ko. Inakbayan niya ako at sumandal naman ako sa balikat niya. Kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko sat'wing dinadamayan niya ako.
"Huwag kang mag alala maayos din ang lahat. Kilala ko si Sebastian, pipiliin at pipiliin ka niya." Sabi pa nito
"Thank you sa'yo kahit papaano nagkakaroon ako ng pag-asa, tatanawin kong malaking utang na loob ito sa'yo at pangako kapag ikaw naman nagka problema masasandalan mo rin ako." Sabi ko sa kanya at ngumiti.
"Huwag lang sana akong magkaroon ng problema ng katulad sa'yo dahil baka hindi mo kayanin ang stress." Natawang sabi naman niya at ginulo ang buhok ko. "basta kapag nagka anak kayo ni Sebastian kuhanin niyo akong ninong ha?" Sabi pa nito na ikinatawa ko
"Hindi ko nga alam kung magkaka ayos pa kami anak agad ang nasa isip mo " sabi ko
"Sigurado kasi ako na magkaka ayos kayo, maghintay ka lang nararamdaman ko ng malapit na." Sabi naman niya
"Hay na'ko, magdilang anghel ka sana" nakangiting sabi ko. "hmm.. baka busy ka at nakaka abala na ako sa'yo, kanina mo pa ako sinasamahan dito eh!" Sabi ko
"Busy talaga dapat ako sa trabaho ngayon pero may ibang gumawa na ng trabaho ko, kung iustorbohin ko siya ngayon baka ako ang pagka diskitahan niya. Tignan mo pati ang panahon nakikisama sa kanya" sabi nito. Tumingin naman ako sa makulimlim na kalangitan kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
Unti unting umambon kaya naman nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko na nasa labas ng tent ko na pwedeng mabasa. Tinulungan naman ako ni Ulysses na ipasok ang mga ito sa loob ng tent bago pa bumuhos ang malakas na ulan.
"Mukha namang matibay itong tent mo at hindi ka papasukan ng tubig, kung sakaling may kailangan ka tawagin mo lang ang pangalan ko at darating agad ako." Sabi nito at nagpaalam na babalik muna sa bahay para makapag pahinga ako.
Ilang minuto lang pagka alis ni Ulysses nang maisipan kong maligo sa ulan. Batang paslit pa ako nung huling naligo ako sa ulan at bigla akong nasabik ngayon sa naisip na gawin.
Inihanda ko muna ang lahat ng gagamitin ko sa pagligo bago lumabas ng tent. Bitbit ang mga personal hygiene kit ko ay tuwang tuwang lumabas ako ng tent at dinama ang mga butil ng mga ulan sa balat ko.
Dumiretyo ako sa may batuhan at umupo doon. Ilang minuto lang ay lumusong na ako sa tubig at nagpabalik balik sa paglangoy. Napaka lamig ng tubig at nakaka ginawa talaga sa pakiramdam. Nang umahon ako at umupo ulit sa may batuhan ay sinimulan ko ng magsabon.
Bumalik ulit ako sa tubig para mag banlaw, sumisid at lumangoy ulit hanggang sa magsawa. Nang makuntento ako sa paglangoy ay nagpasya na akong humahon. Nilalamig narin kasi ako dahil narin sa hampas ng hangin sa balat ko.
Pagka tayo ko sa batuhan ay namilog ang mga mata ko dahil nawalan ako ng balanse. Alam kong babagsak ako sa mga batuhan kaya naman hinanda ko na ang sarili ko at mariin na pumikit.
Napamulat ako ng mata ng biglang may kamay na humila sa'kin at yumakap sa likuran ko. Nagtama ang mga mata naming dalawa at ilang segundo nasa ganoong posisyon kami. Nanubig ang mga mata ko at hindi makapag salita. Nang bitawan niya ako ay hinawakan ko ang dulo ng damit niya at hinila iyon para pigilan siya sa pag alis.
"S-salamat" nautal na sabi ko na pinipigilan ang mapa iyak.
"Bumalik kana kung saan ka nanggaling. Hindi ako natutuwang nandito ka." Sabi nito na nagpabitaw ng hawak ko sa damit niya. Tuluyan narin bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilang tumulo.
"Baby love" mahinang sambit ko habang pinapanood siyang naglalakad palayo "nandito ako, nakabalik na ako" sambit ko pa habang nakatingin sa likod niya.
Nakita ko naman na huminto ito sa paglakad ngunit wala pa yatang limang segundo ng itinuloy nito ang paglalakad. Nakatingin lang ako sa likuran niya at piping nagdarasal na sana lumingon siya. Ngunit bigo ako hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.
Napaupo ako at niyakap ang mga paa ko atsaka humagulgol. Mukhang nagkamali ng akala si Ulysses na may pagmamahal pa sa'kin si Sebastian. Siguro nga dapat ko ng tanggapin na wala na talaga kaming pag asa at huwag na akong umasa.
Sa simula palang alam kong posibleng mangyari 'to. Hindi ko lang inaasahan na ganito pala kasakit. Dahil ayaw niya akong nandito rerespetuhin ko ang gusto niya. Kung pwede nga lang umalis na ako ngayon kaso'y gusto ko munang magpaalam kay Ulysses at Red. Ayokong maulit ulit yung dati na umalis nalang ako ng walang paalam.
*****
![](https://img.wattpad.com/cover/353509778-288-k434246.jpg)
BINABASA MO ANG
My Dear Guardian (COMPLETED)
RomanceSa gubat na kung saan paboritong pinupuntahan para pasyalan ni Moira noong kabataan niya, nakilala siya si Sebastian. May pagka masungit at suplado ang binata pero hindi ito naging hadlang upang mahulog ang loob niya dito. Pakiramdam pa nga niya ay...