Moira's Pov
Hindi ako dalawin ng antok kahit anong posisyon ang gawin ko. Malapit ng mag alas tres ng madaling araw pero buhay na buhay pa ang diwa ko. Sat'wing pipikit ako laging lumalabas yung imahe ng supladong lalaking nakita ko kanina. Siguro dahil hindi ko naibalik yung tuwalya niya.
Mataas na ang araw ng magising ako. Kung hindi pa siguro ako pinagising ni Mama kay Maica baka mahimbing parin ako. Ayoko pa sanang tumayo kaso"y nasisilaw na ako sa sikat ng araw na tumatagos sa bintana. Wala na akong nagawa kundi tumayo dahil pinapagising narin ako ni Mama.
Agad akong naligo at pagkababa ko sa sala ay may nadatnan akong mga tao. Nakangiting binati pa nila ako at nginitian ko rin sila at bumati pabalik. Pinakiusapan pala sila ni Mama na samahan kami sa manggahan para doon mananghalian. Nawala na sa isip ko ang sinabi kagabi ni Mama na magluluto siya at dadalhin sa farm para makasalo ang mga tauhan sa farm.
Sumakay kami sa likod ng pickup truck para maihatid nila kami sa manggahan. Apat na putahe ang iniluto ni Mama at hindi ko alam kung paano niya yon natapos agad. Ahh.. sigurado tinulungan siya ni Aling Lupe at maaga silang namalengkeng dalawa.
Nagpakilala si Mama sa tauhan sa manggahan at maging kami ni Maica ay pinakilala niya. Nagpasalamat ito sa mainit na pagtanggap nila sa'min at sa mga manggang binigay nila kahapon sa'kin. Sinabi din ni Mama na ituring kaming isa sa kanila dahil hindi naman nila kami amo. Kung may kailangan din daw sila ay huwag mahiyang magsabi sa kanya at ipapaabot sa mga Tito ko ang concerns nila.
Masaya at magana kaming kumain na sama sama. May nagtanong pa sa mga tauhan kung bakit hindi namin kasama si Papa. Sinabi nalang ni Mama na abala si Papa sa trabaho sa Manila. Ikinuwento pa nga ng ilan ang mga alaala nila noon kay Papa noong kabataan nila. Maraming nagsasabi na pilyo si Papa ngunit mabait naman daw. Sa tatlong magkakapatid si Papa lang din daw ang hindi nagtagal nanirahan dito sa probinsiya. Noong high school daw kasi ito ay lumipat na siya sa Manila at doon nag aral at tumira. Ang dalawang Tito ko naman ay kolehiyo na ng tumira at nag aral sa Manila.
Nang matapos kaming mananghalian ay nagpahinga muna kami. Pinanood namin ang pagtatrabaho ng mga tao sa manggahan at yung iba naman ay nanatili sa tabi namin para i entertained kami. Tawa naman kami ng tawa sa mga kwento at jokes nila at nakakagaan talaga sa pakiramdam.
Lumipas ang mga oras at inihatid na nila ulit kami sa bahay at may baon ulit ng maraming mangga. May atis at may guyabano pa silang ibinigay pati narin mga gulay. Nagpasalamat din ang mga ito sa pagkaing iniluto ni Mama at pinuri na napaka sarap daw.
Pag akyat ko sa kwarto ay nakita kong nakasabit ang tuwalyang dala ko kahapon. Bakit ba kasi nawala sa loob ko na labhan iyon kahapon? Nakakahiya kung isasauli ko na marumi ito. Sayang, balak ko pa naman pumunta sa gubat ngayon at lumangoy sa may talon. Bukas nalang siguro, lalabhan ko muna yung tuwalya niya.
*****
Nakangiti ako habang inilalagay ang simpleng baon ko sa picnic basket na dadalhin ko. Gumawa lang ako ng tatlong clubhouse sandwich at naglagay ng maraming chips at inumin. Balak ko kasing mag picnic ngayon sa may gubat at hintayin yung lalaki na may ari ng tuwalya para maisaoli ko na.
Nagpaalam ako kay Mama na mag p-picnic sa farm at pinayagan naman niya ako. Gusto pa nga nitong ipasama si Maica kaso hindi ko pa siya inaaya ay tumanggi na ito. Mainit daw kasi. Buti nalang at hindi ito sumama kung hindi mayayari ako, sa gubat ko kasi balak pumunta at ayokong sabihin sa kanila. Malamang kasi hindi nila ako papayagan.
Hindi narin ako nagtagal at inilagay na sa carrier ng bike yung basket ko. Naghanda rin ako ng damit pampalit sakaling maisipan kong lumangoy. May mga tauhan pang bumati sa'kin na nadaanan ko habang sakay ako sa bisekleta. Nagtanong pa ang mga ito kung saan ang tungo ko at sinabi kong "diyan lang po." Buti nalang at hindi na sila nag usisa pa kaya naman umalis na ako.
Katulad nung isang araw, isinandal ko lang ang bisikleta sa may bukana ng gubat at pumasok na ako bitbit yung basket ko. Halos takbuhin ko ang talon para lang makarating doon ng marinig ko ang lagaslas ng tubig nito.
Hindi ko naman inaasahan na madadatnan doon ang supladong lalaki na nagpahiram ng twalya sa'kin. Kahit may inis akong nararamdaman sa kanya ay natutuwa parin ako dahil nandoon siya. Kahit papaano kasi may makakausap ako kung kakausapin niya ako.
"Uy! Nandito ka rin pala" masiglang pansin ko sa lalaki. Sinalubong naman nito ang tingin ko at tulad kahapon natulala ako sa mga mata niya.
Inalis nito ang tingin sa'kin at walang sabi sabing umalis ito. Grabe, napakasuplado talaga nito. May nabuo tuloy kalokohan sa utak ko.
"Hoy!" Tawag ko sa lalaki "isasauli ko nga pala ang twalya mo!" malakas na sabi ko. Lumingon naman ito sa'kin at tinignan ako.
"Hindi ko na iyon kailangan, itapon mo nalang kung gusto mo" sagot nito
"Grabe ka naman! Anong palagay mo sa'kin may nakakahawang sakit? Nilabhan ko narin 'to kaya sinisigurado ko sa'yo na malinis na matatanggap mo'to!" Sabi ko pa at kinuha yung paper bag at hinugot yung twalya na kasama ng mga damit ko. Lumapit ako sa lalaki at iniabot ang tuwalya niya sa kanya.
Nang kukunin na nito ang twalya niya ay hindi ko naman binitiwan ang pagkakahawak doon. Ngumisi ako at tinanong kung ano ang pangalan niya.
"Hindi mo kailangan malaman ang pangalan ko" sabi nito. Tumaas naman ang dulo ng labi ko at nakipaglaban ng titigan sa kanya.
"Ang damot mo naman, para pangalan lang" sabi ko. Sinubukan naman nitong hilain ang twalya niya na hawak ko parin ngunit hindi ko parin binitawan.
"Wala akong panahon makipaglaro sa'yo" sabi naman niya na muling hinila ang twalya niya. Tulad kanina bigo itong naagaw ang twalya sa'kin.
"Ibibigay ko lang sa'yo 'to kapag sinabi mo ang pangalan mo" pangungulit ko sa kanya.
"Kung ganoon sa'yo nalang, mukhang gustong gusto mo 'yan eh" pagsuko nito. Hahakbang na sana ito paalis ng humarang ako sa daraanan niya.
"Excuse me, may dala na akong twalya at mas komportableng gamitin yung akin. Sorry pero hindi ko gusto ang twalya mo kasi ikaw ang gusto ko" taas noong sabi ko at isinampay ang twalya nito sa balikat niya.
Hindi ko alam kung matatawa ako sa itsura ng mukha niya na parang gulat na gulat o mahihiya sa sinabi at inaasal ko. Bakit kasi ang suplado niya diba? Hindi ko naman siya mabubuntis kung sasabihin niya ang pangalan niya.
Kinuha nito sa balikat niya ang twalya at tinalikuran ako. Grabe talaga! Nakakapanggigil siya! Hindi naman ako bad breath at mas lalong hindi ako pangit!
"Psst! Pogi!" Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Sumunod nalang ako sa likuran niya at pilit na tinatawag siya ng kung ano ano.
"Hoy sungit! Saan kaba pupunta? Ayaw mo ba talagang sabihin ang pangalan mo ha?" Pangungulit ko sa kanya.
"Hindi ko sasabihin sa'yo kaya huwag mo na akong sundan" sabi nito na tumigil sa paglalakad at humarap sa'kin.
"Ayos lang kung ayaw mong sabihin ang pangalan mo, tatawagin nalang kitang baby love" nakangising sabi ko. Kumunot naman ang noo niya at nagsalubong ang kilay. Halatang naaasar na siya sa'kin. Pasensiya siya ang sungit kasi niya, hindi porket gwapo siya hahayaan ko nalang na sungit sungitan niya ako.
"Baby love, kapag nagutom ka may sandwich at chips ako. Kuha ka nalang doon sa basket mag s-swimming lang ako" pang aasar ko pa sa kanya at kinindatan siya bago siya iniwan.
Bumalik ako kung saan ko ibinaba yung basket ko at inilabas yung picnic mat na dala ko. Inilabas ko narin yung ibang chips ko maging yung twalya ko na nasa loob ng paper bag. Tumingin ako kung saan ko iniwan si Baby love pero hindi ko na ito nakita. Grabe, iniwan talaga ako dito.
*****
BINABASA MO ANG
My Dear Guardian (COMPLETED)
RomanceSa gubat na kung saan paboritong pinupuntahan para pasyalan ni Moira noong kabataan niya, nakilala siya si Sebastian. May pagka masungit at suplado ang binata pero hindi ito naging hadlang upang mahulog ang loob niya dito. Pakiramdam pa nga niya ay...