CHAPTER 08

70 5 0
                                    

Sebastian's Pov

Kanina pa nakaalis si Moira pero ramdam ko parin sa pisngi ko ang halik niya. Pilit kong itinatago ang ngiti ngunit pilit kumakawala ito.  Alam kong hindi tama ang nararamdaman ko para sa kanya ngunit hindi ko mapigilan ang damdamin ko.

"Mukhang masaya ka ah" pansin sakin ni David. Tipid na ngumiti lang ako sa kanya. "Bakit ang aga yatang umalis ni Moira ngayon." Tanong nito

"Aalis daw sila ng pamilya niya at baka hindi rin ito makapunta bukas" sagot ko at malalim na huminga.

"Masaya ako dahil nakikita kong masaya ka dahil kay Moira ngunit hindi ko maiwasan na hindi mag-alala" seryosong napatingin ako kay David dahil sa sinabi nito "alam kong alam mo ang gusto kong sabihin" sabi pa nito

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin sa malayo. "Huwag kang mag-alala alam ko ang ginagawa ko" sabi ko kay David

"Habang kaya mo pang pigilan ang nararamdaman mo sa kanya ay putulin mo na ang pakikipag ugnayan mo sa kanya. Ayokong masaktan kayong dalawa at magsisi ka sa huli" payo pa nito sa'kin. Tumango naman ako sa kanya at pilit na ngumiti upang mapanatag ang loob niya.

Paano ko pipigilan ang nararamdaman ko kung baon na baon na ako. Sana noon pa niya ako pinayuhan baka sakali nagawan ko ng paraan mapigilan ang nararamdaman ko kay Moira. Ang magagawa ko lang ngayon ay ang mag isip ng paraan para mapahintulutan ng mga Diyos at banal na Diyos ang nararamdaman ko. Alam kong magiging mahirap ito ngunit kailangan kayanin ko.

Natapos ang araw na si Moira lang ang laman ng isipan ko. Iniisip ko rin kung tunay nga bang may gusto ito sa'kin o naglalaro lang ito. Kung sakaling totoo nga ang nararamdaman nito sa'kin sapat naba iyon para magtiwala siya sa'kin? Hindi ba siya matatakot kung sakaling malaman nito na hindi ako normal na tao na gaya niya? Maging ako'y naguguluhan at natatakot sa dami ng mga tanong sa isip ko na hindi ko masagot.

Natapos ang araw na wala akong nakuhang sagot sa mga tanong ko. Ang dapat ko sigurong gawin ay magpahinga muna at hintayin makabalik si Moira.

Lumipas ang mga araw at wala ni anino ni Moira ang dumalaw sa gubat. Ang sabi niya isang araw lang ito mawawala at babalik din agad ngunit tatlong araw na ngayon. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mag alala.

Ayokong isipin na may nangyaring masama sa kanya ngunit hindi ako mapakali. Pumapasok din sa isipan ko na baka napag isipan nito na hindi na bumalik dito sa gubat. Ano man ang dahilan niya gusto kong malaman. Ngunit wala naman akong magagawa kundi maghintay lang.

*****

Bumilis ang kabog ng dibdib ko ng sa ika apat na araw ay lumitaw ulit si Moira. Gusto ko siyang salubungin ng yakap at tanungin kung bakit ngayon lang ulit siya pumunta at mabuti nalang ay napigilan ko ang sarili ko.

"Baby love namiss mo ba ako?" Masiglang tanong niya. Katulad ng dati ay hindi ko siya pinansin kahit gustong gusto kong titigan siya. "may pasalubong nga pala ako sa'yo" sabi nito at may kinuha sa paper bag na dala niya. "Binilhan kita ng souvenir ang c-cute" masayang sabi pa nito at pinakita yung dalawang t-shirt. "Alam mo ba ako ang nag paint sa mga 'to, may shop kasi na nag c-costumize ng mga t-shirt para gawing souvenir, kaya heto nag try ako at ginawan kita ng dalawa. Baduy yung design ng isa parang drawing ng bata pero sa palagay ko cute parin naman" walang hintong sabi niya. Nakangiting ibinigay nito sa'kin yung dalawang t-shirt na tinanggap ko naman.

Naghintay akong mag kwento siya at sabihin ang dahilan kung bakit ngayon lang siya nakabalik dito ngunit mukha wala itong balak magsabi. Pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya habang inaayos ang blanket na dala niya. Hindi tuloy mawala sa isip ko na baka tinamad lang ito na pumunta dito at wala lang itong magawa ngayon kaya pumunta siya.

My Dear Guardian (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon