Moira's Pov
Nakatingin ako sa naka off ko na phone at nag iisip kung bubuksan ko ba iyon o hindi. Pangatlong araw ko na dito sa gubat at maayos naman ang kalagayan ko. Sa totoo nga masaya ako dito, hindi ko lang maiwasan isipin sina Mama kung kumusta naba sila.
"Okay ka lang ba?" Napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Sebastian. Tumingin ako sa kanya at umupo ito sa tabi ko.
"Bakit ba lagi mo nalang tinatanong kung okay lang ba ako? Mukha ba akong may sakit sa paningin mo?" Nakangiting tanong ko sa kanya
"Hindi sa ganoon, gusto ko lang malaman at makasigurado na ayos ka lang at walang gumugulo sa isip mo" Sagot naman nito. Naiintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin pero pinili kong sumimangot ako sa harapan niya.
"Okay lang ako pero malungkot po ako." Sabi ko "ikaw kasi pinauwi mo agad si Chelsea. Wala tuloy akong kakwentuhan ngayon" sabi ko pa na tila nagtatampo.
"Hindi kasi siya pwedeng magtagal dahil may trabaho siya. Mga ilang araw lang babalik din ulit siya dito at makakakwentuhan mo ulit siya. Bakit parang mas gusto mo siyang kakwentuhan kaysa sa'kin?" Sabi nito
"Eh hindi ka naman kasi nagkukwento eh! Daldal ako ng daldal pero tahimik ka lang, para akong nakikipag usap sa hangin. Hindi ko alam kung pinakikinggan mo'ko kapag may ikinukwento ako sa'yo" sagot ko sa kanya
"Moi lahat ng sinasabi mo pinapakinggan ko, mas gusto ko lang talagang naririnig ang boses mo kaya tahimik ako. Wala din naman akong maikukwento kaya nakikinig lang ako" -Sebastian
"Lahat ng tao may kwento kaya imposibleng wala ka. Mabuti pa si Chelsea ang daming kwento, sa kanya ko nga lang nalaman mga ibang bagay tungkol sa'yo" sabi ko
"Pwede mo naman akong tanungin kung may gusto kang malaman tungkol sa'kin. Ano ba mga sinabi niya?"
"Marami. Pero huwag kang mag alala, hindi ka naman nilaglag ng kapatid mo puring puri kapa nga niya eh" nakangiting sabi ko. Nakipag sukatan naman siya ng tingin sa'kin na tila hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Bakit bigla akong kinabahan sa sinabi mong hindi niya ako nilaglag? Huwag kang masyadong maniwala sa kanya, madalas pinapalaki niya ang mga bagay kahit wala naman saysay" sabi nito
"Ang sabi niya bully ka" natatawang sabi ko
"Kita mo na, hindi ako nambubully" natawang sagot din nito
"Sabi niya binubully mo lagi siya" sabi ko pa
"Lagi? Wala nga akong matandaan na binully ko siya"
"Mabait ka daw na Kuya, noong bata pa siya lagi mo daw siyang pinagbibigyan sa lahat ng gusto niya. Nung lumaki na daw kayo naging abala kana at hindi mo na siya gaanong pinapansin. Kapag pinansin mo naman daw nauuwi lagi sa pagtatalo, kahit maliit na bagay lang pinag aawayan niyo. Kung dati lagi mong binibigay ang gusto niya ngayon nakikipag agawan kapa ng pagkain sa kanya" kwento ko sa sinabi ni Chelsea
"Siyempre bata pa siya noon kaya lagi kong pinagbibigyan. Nakita mo naman na ang laki na niya ngayon at pwede ng mag asawa. Lambing ko lang din naman sa kanya ang mga kalokohang ginagawa ko sa kanya. Kahit magkasama kami sa iisang bahay totoong madalang nalang kami magka-usap. Pareho na kaming abala sa mga kanya kanyang ginagawa namin eh, hindi ko narin siya mabantayan katulad nung maliit siya dahil dalaga na siya ngayon. Kung papansinin ko lahat ng ginagawa niya baka tumandang dalaga siya" sagot naman nito sa'kin.
BINABASA MO ANG
My Dear Guardian (COMPLETED)
RomanceSa gubat na kung saan paboritong pinupuntahan para pasyalan ni Moira noong kabataan niya, nakilala siya si Sebastian. May pagka masungit at suplado ang binata pero hindi ito naging hadlang upang mahulog ang loob niya dito. Pakiramdam pa nga niya ay...