Moira's Pov
Grabeng sermon ang inabot ko kay Mama kahapon at hindi siya natapos kakasermon sa'kin hanggang sa hapunan. Ang mas ikinagagalit pa niya ay dahil hindi ko dala yung phone ko.
"Aling Lupe ano yang niluluto niyo? Ang sarap ng amoy" tanong ko at lumapit sa kanya para makita ko.
"Mushroom soup 'to, ang sabi kasi ng Mama mo fried chicken nalang daw uulamin natin, hindi daw kasi niya alam kung anong lulutuin niya" sagot naman nito habang walang tigil ito sa paghalo ng soup.
"Matagal pa po ba yan?" Tanong ko pa habang pinapanood ang niluluto niya
"Medyo matagal pa at kailangan pa nitong kumulo, hindi ko pa din siya nalalagyan ng cream of mushroom. Nagugutom ka naba?" Tanong pa nito.
"Hindi pa po, pero balak ko kasing mag baon niyan" sabi ko
"Mag baon? Akala ko ba'y bawal kang umalis ng bahay?" Tanong niya na tumingin pa sakin na para bang nalilito.
"Hindi naman po ako binawalan ni Mama atsaka sa farm lang naman ako pumupunta. Dadalhin ko din phone ko para hindi siya mag alala" sagot ko
"Ikaw ang bahala, basta mag paalam ka muna sa Mama mo bago ka umalis ng bahay" sabi nito
"Opo" nakangiting sagot ko
Habang niluluto ni Aling Lupe yung mushroom soup ay nangialam narin ako sa kusina. Hindi ako marunong magluto pero kung sandwich lang naman kayang kaya ko na, pati yung mga mix mix lang na no need to cook.
Dahil may nakita akong black beans sa refrigerator ay naisipan kong gumawa ng vegan burritos. Hindi ko akalain na darating yung araw na'to na maghahanda ako ng pagkain hindi lang para sa sarili ko kundi pati na sa taong mahal ko at mga kaibigan niya. Iba pala talaga ang nagagawa ng love sa isang tao.
"Aling Lupe, kailan ka po ulit mamamalengke?" Tanong ko habang abala kami pareho sa kusina.
"Hindi ko alam sa Mama mo, pero baka bukas utusan niya akong bumili ng uulamin natin" sagot nito
"Kung mamamalengke po kayo may ipapabili po ako" sabi ko
"Sige ikaw ang bahala, kung marami ay isulat mo para hindi ko makalimutan" nakangiting sabi nito.
"Huwag po kayong mag alala konti lang naman, pero isusulat ko parin po. Ibibigay ko nalang po sa inyo mamaya para maisama niyo sa listahan ng mga bibilhin niyo" sabi ko pa dito
****
Hindi pa ako nakapag paalam kay Mama pero nasa carrier na ng bisikleta ang mga dadalhin ko sa gubat. Naliligo pa si Mama at hinihintay ko siyang bumaba dito sa sala. Nasa tabi ko naman si Maica na busy sa cellphone niya habang hinihimas ang ulo ng isang tuta na nakakandong sa kanya.
Pagtingin ko sa orasan ay mag a-alas diyes na, sinabi ko pa naman kay Sebastian na maaga akong pupunta para mas makasama siya ng matagal.
Alas diyes y medya ng bumaba si Mama at nakapustura. Mukhang may lakad siya at hindi man lang niya nagawang mag aya.
"Saan ka pupunta Ma?" Salubong ko sa kanya
"Hindi ko ba nasabi sa inyo na may mga naging kaibigan akong taga rito noong tumira tayo dito? Noong isang araw kasi nalaman nila na nandito tayo sa Sto. Cristo kaya nagkayayaan kumain at makipag kwentuhan daw kami bago tayo bumalik ng Manila, yung isa kasi ay bukas na aalis kaya ngayong araw namin napagkasunduan magkita kita" mahabang paliwanag ni Mama
![](https://img.wattpad.com/cover/353509778-288-k434246.jpg)
BINABASA MO ANG
My Dear Guardian (COMPLETED)
RomanceSa gubat na kung saan paboritong pinupuntahan para pasyalan ni Moira noong kabataan niya, nakilala siya si Sebastian. May pagka masungit at suplado ang binata pero hindi ito naging hadlang upang mahulog ang loob niya dito. Pakiramdam pa nga niya ay...