Moira's Pov
Pabalik na kami ngayon sa Manila at kasalukuyang nagmamaneho si Papa. Walang sino man saming tatlo nina Mama at Papa ang gustong magbanggit sa nangyari kahapon, napag usapan na kasi namin kagabi na kakalimutan na namin ang nangyari sa gubat.
Pagkarating namin sa bahay ay masayang sinalubong kami ni Maica. Ang dami nitong tanong sa'kin tulad ng kung saan daw ba ako nagpunta. Wala naman akong ibang masagot kundi ngiti at mahigpit na yakap.
***
Mula ng makabalik kami dito sa Manila ay napansin ko ang malaking pagbabago ni Papa. Maaga na itong umuuwi sa bahay at kapansin pansin ang pangingilag nito sa'kin na maging si Maica ay napansin din.
Inaayos narin namin ang mga papers namin para makapag migrate sa America. Kapag naayos na daw ang lahat ng documents namin ay lilipad na kami. May nahanap narin na bahay sina Tito sa US na pwede na naming lipatan. Narinig ko rin nag uusap nung isang gabi sina Mama at Papa tungkol dito sa bahay, binebenta na pala nila ito at nagbigay ng authorization to sell sa kakilala nila. Bank to bank transfer nalang daw ang magiging bayaran kung sakaling maibenta.
Pang apat na araw ko palang mula ng makabalik ako dito sa bahay pero parang apat na taon na. Gabi gabi akong umiiyak at naiisip si Sebastian. Gusto kong bumalik sa gubat pero natatakot ako. Natatakot ako sa kung anong maaring maabutan ko.
Sa bawat araw na lumilipas ay para akong masisiraan ng bait sa kakaisip kung ano ang dapat kong gawin. Kapag tinatanong ko naman ang sarili ko kung ano ba ang gusto ko'y wala rin akong maisagot. Hindi ako makakain ng maayos, hindi ako makausap ng maayos at lagi ring kulang sa tulog. Kaya naman inaabala ko nalang ang sarili ko sa pag shopping para makalimutan ko kung ano man ang gumugulo sa puso't isip ko.
"Anak pwede ba tayong mag-usap?" Ngumiti ako kay Mama ng tanungin niya ako.
"Sige Ma, mukhang seryoso 'yan ah, ano ba gusto mong pag usapan natin?" Sagot ko
"Alam ko pinag usapan na natin na wala ng magbabanggit sa nangyari sa probinsiya pero nag aalala ako sa'yo. Alam ko hanggang ngayon naguguluhan ka parin kung totoo ba ang lahat ng iyon. Moira, kalimutan mo na ang gubat, kalimutan mo na ang mga taong nakasalamuha mo doon dahil hindi sila tao. Ginayuma ka lang nila at binibilog lang nila ang isip mo at gusto ka lang nilang kunin sa'min. Ako ang Papa mo at si Maica ang pamilya natin ang totoong nagmamahal sa'yo." Tipid akong ngumiti kay Mama pagkatapos nitong magsalita. Alam kong nag aalala ito sa'kin.
"Ma, hindi mo naman kailangan sabihin sa'kin yan kasi alam ko ang nararamdaman ko at alam ko kung ano ang totoo. Hindi masamang nilalang si Sebastian Ma, hindi nga siguro siya normal na tao at naglihim siya kung ano siya pero hindi ko maitatanggi na totoong pagmamahal ang naramdaman ko sa kanya. I'm sorry Mama pero wala ka naman dapat ipag alala. Kahit ipilit ko kasi hindi kami pwede dahil magkaiba kami diba? Walang patutunguhan ang nararamdaman namin sa isa't isa dahil pareho lang kaming mahihirapan, dahil walang tatanggap sa'min." Mahabang sabi ko at hindi napigilan ang mapa iyak. Niyakap naman ako ni Mama at sinabayan sa pag iyak.
"Bata kapa anak, isipin mo nalang na bagong karanasan mo ito na nangyayari sa mga teenagers na kagaya mo. Lahat nagkakaroon ng first love at nasasaktan dahil sa love. Oo, alam ko masakit but you need to think positive para hindi ka lalong malungkot. Mas mabuting maaga pa at hindi pa malalim ang nararamdaman mo sa kanya ay nalaman mo kung ano siya." Wala akong maisagot kay Mama kundi ang pag iyak. Yakap yakap ako nito habang hinihimas ang likuran ko para patahanin.
*****
Lumipas pa ang ilang araw at handa na kaming lahat para lumipad pa America. Hindi maitago sa mukha ni Maica ang excitement kahit hindi ito sigurado sa kung anong buhay ang madadatnan namin doon.
Dahil naayos na nina Tito at Tita ang lahat ng kailangan namin ay hindi na kami gaanong nahirapan pa.
Hindi man kasing laki ng bahay namin sa Manila ang bahay namin dito sa LA ay maganda at maayos parin ito. May tatlo itong kwarto at kumpleto narin ng gamit.
Binigyan din agad ni Tito ng pwesto sa kumpanya si Papa, hindi ganoon kataas ang posisyon pero hindi maitatanggi na mas malaki ang sahod nito dito kaysa nung nasa Pinas kami. Sabagay, iba rin kasi ang cost of living dito kaya kinailangan din ni Mama maghanap ng part time job at nakuha naman siya bilang sales clerk sa Isang jewelry store.
Si Maica naman ay mabilis nagkaroon ng mga kaibigan. Hindi naman kami nag aalala sa kanya dahil alam namin matino ang mga bagong kaibigan niya. Hindi rin naman kasi sila iba sa'min dahil mga pinsan namin sila. Ako naman medyo naninibago parin pero okay naman. Ang mahalaga lang sa'kin ngayon ay makapag aral ng maayos at walang inaalala.
Halos wala namang pinagbago ang pamumuhay namin, ang nagbago lang ay ang mga tao at kapaligiran namin. Balik sa trabaho si Papa at mas naging seryoso ito dahil siguro bago at nagpapakitang gilas pa ito sa kumpanya. Si Mama naman na dati ay nasa bahay lang at inaasikaso kami ngayon ay naging mas pagod ito. Kailangan parin kasi nitong gawin ang mga gawaing bahay at siya rin ang tagahatid at nagsusundo namin sa university. Nagtatrabaho din ito sa jewelry store pero nakikita ko naman sa kanya na mas masaya ito ngayon kaysa noong nasa Pinas kami. Mukha namang naging mabuti para sa aming lahat ang pagpunta namin dito sa Amerika.
*****
BINABASA MO ANG
My Dear Guardian (COMPLETED)
Roman d'amourSa gubat na kung saan paboritong pinupuntahan para pasyalan ni Moira noong kabataan niya, nakilala siya si Sebastian. May pagka masungit at suplado ang binata pero hindi ito naging hadlang upang mahulog ang loob niya dito. Pakiramdam pa nga niya ay...