Sebastian's Pov
"Moi" mahinang bigkas ko ng muling makita ang babaeng matagal ko ng hindi nakikita. Kahit malaki na ang pinagbago ng itsura nito ay sigurado akong siya nga ang batang babaeng iyon.
Hindi ko maiwasan hindi mapangiti ng makita ang masayang mukha niya. Ganitong ganito din siya noong huling dumalaw siya.
Pinagmasdan ko siya maging ang mga kasama niya sa mga ginagawa nila. Hindi pamilyar sa'kin ang dalawang kasama niya ngunit malaki ang pagkakahawig nito sa kanila.
Nakakatuwang makita siya at marinig ang magagandang kwento nito ng mga karanasan niya. Ang dating makulit na bata ay lumaking magandang dalaga.
Sinundan ko sila ng tingin habang kumukuha sila ng mga larawan. Nakakatuwa silang pagmasdan kaya naman hindi ko maiwasan na lapitan sila.
Panandalian bumilis ang tibok ng puso ko ng ilang segundo akong napatitig sa mga mata ni Moi. Kinabahan ako, akala ko'y nakikita niya ako at nakikipaglaban ng titigan sa'kin.
Tamang sunod lang ako sa kanya sa likuran niya habang masayang nakikipag kwentuhan siya sa kapatid niya. Nakakabighani hindi lang ang mukha niya kundi maging ang pagtawa niya. Sigurado maraming nanliligaw sa kanya, o baka naman may kasintahan na ito. Napaka swerte ng lalaking napili niya kung ganoon.
Sa haba na ng panahon na paglalagi ko dito sa gubat ay ngayon lang ako nalungkot nang magpasyang umuwi na ang mga ito. Sinundan ko sila hanggang sa labas ng gubat at tinanaw sila hanggang mawala na sila sa paningin ko.
Pagbalik ko sa loob ng kagubatan ay tinanong ko ang sarili ko "kailan ka kaya ulit bibisita?" Tukoy ko kay Moira. Sana lang talaga makadalaw ulit ito, kahit gaano katagal maghihintay ako.
***
Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kalangitan ng magliparan ang mga ibon dahil sa magkakasunod na putok ng baril. Napatiim_bagang ako at nagdilim ang paningin. Mabilis akong naglaho sa kinakatayuan ko at ilang segundo lang ay nakarating ako sa lugar ng pinangyarihan.
Nadatnan ko ang tatlong lalaki na may kanya kanyang sukbit na baril sa kanilang katawan. Ang dalawang lalaki ay pinagtitulungang buhatin ang isang patay na baboy ramo at ang isa naman ay may hawak na sugatang agila. Patawa tawa ang mga ito at halatang nagsasaya dahil naka jackpot daw sila.
Nagpakita ako sa tatlong lalaki at nagulat pa sila ng bigla akong sumulpot sa mga harapan nila. Nabitawan ng isang lalaki ang hawak nitong agila ngunit dahil sa tama ng baril sa pakpak ng agila ay hindi na ito nakatakas at nakalipad. Yumuko ako at kinuha ang ibon at mabilis na pinagaling ito. Parang walang nangyari na muling lumipad ang ibon palayo.
"D-demonyo!" Takot na sabi ng lalaking nakabitaw ng ibon kanina at naglakad paurong ngunit napahinto dahil napasandal ito sa puno..
"M-maawa ka sa'min huwag mo kaming sasaktan" sabi naman ng isang lalaki na lumuhod pa sa harapan ko. Lumuhod din ang kasama niyang may hawak na baboy kanina at kulang nalang ay sambahin nila ako sa pagmamakaawa.
Tinignan ko ang walang buhay na baboy ramo at iniangat 'yon sa lupa. Kawawang nilalang, kung may hininga pa sana ito ng kahit kaunti ay mapapagaling ko pa ito ang kaso'y wala na.
"Patawarin mo ako kung nahuli ako ng dating at hindi ka natulungan, nawa'y mabuhay ka sa langit ng malaya at masaya" sambit ko habang nakalutang ang baboy sa hangin. Unti unting naglaho ang katawan niya at dasal ko'y makita nito agad ang daan patungo sa langit.
Nang maglaho ang baboy ay tsaka ako muling tumingin sa tatlong lalaki. Halata ang takot sa mga mukha at mata nila ngunit masyadong matapang ang isa. Sunod sunod na pinaputukan niya ako ngunit nasayang lang ang kanyang mga bala dahil lumusot lang ang mga iyon sa katawang lupa ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/353509778-288-k434246.jpg)
BINABASA MO ANG
My Dear Guardian (COMPLETED)
RomanceSa gubat na kung saan paboritong pinupuntahan para pasyalan ni Moira noong kabataan niya, nakilala siya si Sebastian. May pagka masungit at suplado ang binata pero hindi ito naging hadlang upang mahulog ang loob niya dito. Pakiramdam pa nga niya ay...