CHAPTER 31

60 4 0
                                    

Moira's Pov

"Ayos ka lang ba talaga rito?" Tanong ni Ulysses pagkatapos naming ayusin ang mga gamit ko.

"Oo naman! May mga ilaw ako, mesa at lutuan. Sa palagay ko kumpleto naman lahat." Nakangiting sabi ko

"Mas mapapalagay ako ng loob kung sa bahay ka nalang sana, ayaw mo ba talaga doon?" Tanong pa nito

"Oo nga binibini makakasama mo pa si immortal na Sebastian doon" sabi naman ni Red. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Ulysses.

"May tampuhan silang dalawa kaya ayaw niyang doon tumuloy, nakita mo rin naman si Sebastian, kahit nakita niyang nandito si Moira ay hindi niya pinansin." Sabi naman ni Ulysses kay Red

"Ah! Kaya pala parang wala sa kundisyon si Immortal na Sebastian!" Bulalas naman ni Red. Mapait na ngumiti nalang ako at iniwas ang tingin sa kanya.

"Kaya matuto kang makiramdam at magpanggap na walang alam sa problema nila. Makikita mo hindi rin siya matitiis ni Sebastian at siya ang kusang lalapit kay Moira para kausapin siya " sabi pa ni Ulysses

"Huwag kang mag alala binibini alam ng lahat kung gaano ka kamahal ni immortal Sebastian. Hindi magtatagal at hihingi ng paumanhin 'yun sa'yo" sabi ni Red. Pilit naman akong ngumiti sa kanya.

"Moira nalang itawag mo sa'kin huwag ng binibini, naiilang kasi ako" Sabi ko kay Red

"Kung ganu'n Moira nalang ang itatawag ko sa'yo binibini" sabi naman nito na mahinang ikinatawa ko.

"Binibini na naman ulit" sabi ko sa pagitan ng pagtawa. "ilang taon kana pala? Mukhang napaka bata mo pa." Tanong ko kay Red

"Mukha lang akong bata pero mas matanda pa ako sa'yo" kakamot kamot pa ito ng batok at tila nahihiya na sagot niya.

"Hindi nga? Mukhang kasing edad mo lang ang nakababatang kapatid ko eh" hindi makapaniwalang sabi ko

"Nakatataba naman ng puso ang sinabi mo, sa aming mga diwata kapag tinawag kaming mga batang tignan kaysa sa edad namin ay tuwang tuwa kami" sabi pa ni Red

"Alam mo ba na kaming mga mortal ay ginagastos ng malaki para lang bumata tignan? Yung kapatid ko ang bata pa niya pero may pinapahid na siyang anti-aging sa mukha niya." Sabi ko

"May iniinom din kami para bumatang tignan. Kung gusto ng kapatid mo bibigyan ko siya" sabi naman ni Red

"Naku! Salamat nalang pero huwag na. Baka bumalik sa pagka sanggol ang kapatid ko kapag uminom siya ng iniinom niyo." Pagbibiro ko naman.

"Hindi naman siguro" natawang sabi naman ni Red na muling nagkamot ng ulo.

"Sabihin mo lang kung may maitutulong pa kami sa'yo" sabi naman ni Ulysses

"Hmm.. meron pa at 'yun ang pinaka importante sa lahat" nahihiyang sabi ko

"Huwag kang mahiya sabihin mo lang" -Ulysses

"Uhm, kasi ano. Kailangan ko ng banyo." Namumulang sabi ko

"Hahaha! Napakalaki ng gubat kahit diyan ka nalang sa tabi tabi" tumatawang sabi ni Ulysses

"Hindi naman ako lalaki na pwedeng umihi kung saan saan!" Reklamo ko sa kanya

"Anong klaseng banyo ba ang gusto mong gawin ko para sa'yo?" Natatawang tanong pa nito

My Dear Guardian (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon