Moira's Pov
"Mukhang napasarap ang tulog mo, namamaga pa ang mga mata mo" sabi ni Ulysses.
"Napahaba nga ang tulog ko hindi ko na namalayan ang oras" sabi ko at umupo sa tabi niya
"Pupuntahan dapat kita kagabi dadalhan sana kita ng pagkain kaso napaurong ako. Mukhang naging maganda ang pag-uusap niyo ni Sebastian, hindi ko na alam kung anong oras siya umuwi " sabi pa nito
"Hmm.. nakausap ko na nga siya kahapon at balak ko ngang sabihin sa'yo ngayon" sabi po at pilit nagpakawala ng ngiti.
"Ano ang napag usapan niyo? Nagka ayos naba kayo?" Nakangiting tanong nito na parang nanunukso.
"Nagka usap na kami at pinapaalis na niya ako dito. Ayaw daw niyang nandito ako kaya naman napag desisyunan ko ng umalis ngayong araw." Nakita ko naman ang pagkawala ng ngiti niya.
"Sigurado kang pinapaalis ka niya? Sinabi ba niya talaga 'yon sa'yo?" Mapait akong ngumiti at tumango.
"Nakapag isip narin ako at nagdesisyon na gawin ang gusto niya. Gusto ko din naman magka peace of mind siya at hindi mangyayari iyon kung nandito ako at ginugulo siya" sabi ko pa at huminga ng malalim.
"Pero hindi ako pwedeng magkamali. Kagabi nga lang nakita ko siya dito at binubuksan ang mga ilaw mo. Kaya nga hindi na ako tumuloy dahil nakita kong binabantayan ka niya." Sabi pa ni Ulysses.
"Totoo man o hindi ang nakita mo, hindi na iyon mababago ang desisyon ko na umalis na dito." Mapait akong ngumiti
"Baka naman hindi lang kayo nagkaintindihan" sani pa niya
"Ang tagal ko ng gusto siyang makausap. Sa palagay mo ba magagawa ko pang hindi intindihin kung ano man ang sasabihin niya? Dinig na dinig ko ng malinaw ang mga sinabi niya at paulit ulit nga iyon sa utak ko at namemoryado ko na nga mula umpisa hanggang sa dulo ang mga sinabi niya." Sabi ko
"Teka muna, hindi parin kasi ako makapaniwala na isip niya ang susundin niya. Alam ko kung gaano ka niya kamahal kaya nakapagtataka." Sabi pa nito.
"Okay lang ano kaba" sabi ko at pilit na tumawa "nakapag desisyon na siya at alam kong pinag isipan niya mabuti. Kung ikakapanatag ng loob niya ang umalis ako dito gagawin ko. Dapat nga kahapon pa ako aalis kaso ayokong umalis nalang basta ng hindi nagsasabi sa'yo." Sabi ko
"Huwag ka munang umalis kakausapin ko muna si Seb" sabi pa nito na ikinailing ko.
"Huwag na, ayokong isipin niya na naghahanap ako ng kakampi. Kasalanan ko naman talaga ang lahat kaya deserve ko kahit anong pagtrato pa ang gawin niya sa'kin ngayon. Sinabi na niya ang gusto niya at naiintindihan ko siya. Stop na, tama na. Kaya ko naman mahalin siya kahit nasaan ako, kahit wala ako dito sa gubat " sabi ko
"Mukhang hindi ko narin kayang baguhin ang desisyon mo. Nanghihinayang at nalulungkot lang ako, alam ko kasi na mahal ninyo ang isa't isa." Bakas sa boses niya ang lungkot.
"Hihingi nalang sana ako ng tulong sa inyo ni Red. Pwede bang tulungan niyo akong tanggalin yung tent? Tapos hatid niyo narin ako sa labasan para may magbuhat sa mga gamit ko hanggang doon" sabi ko at matamis na ngumiti sa kanya.
"Ano pa nga ba ang magagawa namin? Siyempre wala na kaming magagawa kundi tulungan ka. Napaka walang puso naman namin kung panonoorin ka lang namin" sabi naman nito
BINABASA MO ANG
My Dear Guardian (COMPLETED)
Roman d'amourSa gubat na kung saan paboritong pinupuntahan para pasyalan ni Moira noong kabataan niya, nakilala siya si Sebastian. May pagka masungit at suplado ang binata pero hindi ito naging hadlang upang mahulog ang loob niya dito. Pakiramdam pa nga niya ay...