CHAPTER 28

73 2 0
                                    

Moira's Pov

Maaga palang ay nakahanda na ako para umalis. Tinaon ko ulit na wala na Ang mag aama at si Ate Ivy nalang ang nasa bahay. Natuwa nga ito nung sabihin ko kagabi na pinag iisipan ko pa kung pupunta na ako ng Manila o nag s-stay pa dito ng ilang araw. Idinahilan ko nalang na nandito naman kasi yung isang kaibigan ko.

Tulad kahapon sumakay ulit ako ng tricycle na tinawag ni Ate Ivy. Nagpahatid ako sa Isang sikat na fastfood para may makain mamaya sa gubat. Hindi ko alam kung hanggang anong oras ako maghihintay doon kaya dinagdagan ko na inorder ko. Bumili nalang rin ako ng tubig sa katabing convenience store.

Katulad rin kahapon nagtanong yung tricycle driver na sinasakyan ko ngayon kung ano ang gagawin ko sa gubat at mag isa pa ako. Nagdahilan nalang ako na napaaga lang ako ng kaunti pero papunta narin ang mga kasama ko. Hindi na ito nagtanong pa hanggang sa makarating kami at makababa ako.

Habang naglalakad papasok sa loob ng gubat ay tinitignan ko ang paligid. Wala talaga akong makitang pagbabago doon at maging yung mga lubid ay matibay na naroon parin. Nakakapagtaka talaga na hindi ko makita yung daan papunta sa bahay na tinitirhan ni Sebastian.

Katulad kahapon wala akong Sebastian na naabutan sa talon. Sinigaw ko ulit ang pangalan niya at sinubukan ulit makita yung daan papunta sa bahay nila pero hindi ko talaga makita.

Dahil wala akong dalang blanket o kahit anong pangsapin ay umupo nalang ako sa may batuhan. Medyo umiinit narin at mahapdi sa balat ang sikat ng araw. Nakaka engganyo tuloy maligo sa talon kaso'y wala akong dalang damit pampalit.

Napatayo ako bigla ng may narinig akong kaluskos at boses. Pagtingin ko kung saan ko ito narinig ay pare pareho pa kaming nagkagulatan nung dalawang babae.

Nginitian ko sila at dahan dahan naglakad palapit sa kanila at nagbigay galang. Nasa mga higit kumulang singkwenta na siguro ang mga edad nila.

"Ginulat mo kami, akala namin engkanto ka" hinampas pa ako ng mahina nung isa.

"Naku hindi po, hahaha" sagot ko at natawa pa sa sinabi niya

"Ano bang ginagawa mo dito? Nasaan ang mga kasama mo?" Tanong naman nung isa

"Ahh eh ano po, tumitingin tingin lang po ako sa paligid. Naghahanap lang po ng ibang makakain ang mga kasama ko at mga sanga sanga na pwede naming gamitin sa pag iihaw. Nakita kasi nilang may mga isda dito at balak nilang manghuli" sagot ko na parang bihasa na talaga sa pagsisinungaling. Sana lang tanggapin pa ako sa langit nito.

"Dayo ba kayo dito? Sabihin mo sa mga kasama mo huwag masyadong lumayo at baka maligaw sila" paalala nila

"Hindi po taga rito lang din kami, hayaan niyo po sasabihin ko sa kanila" sabi ko nalang

"O sige mauna na kami sa'yo, maghahanap lang din kami ng mga ligaw na gulay. Kemamahal kasi sa palengke na akala mo'y binudburan ng ginto" sabi pa nila

"Sige po mag iingat po kayo" paalam ko sa dalawa. Tinignan ko pa ang dalawang matanda hanggang sa maglaho na sila sa kakahuyan.

Huminga ako ng malalim at muling inilibot ang paningin ko. Dapat pala sumama nalang ako dun sa dalawang matanda kanina baka sakaling makita ko banda doon si Sebastian.

Sinubukan ko ulit hanapin yung daan papunta sa bahay pero bigo talaga ako. Gumawa narin ako ng paraan katulad ng paglalagay ng palatandaan para hindi ako maligaw kapag babalik na ako pero wala parin. Natatakot rin ako na baka may makita akong ahas dahil masukal na ang daan kaya naman bumalik na ako.

My Dear Guardian (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon