Moira's Pov
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatagos sa bintana. Walang tao sa paligid ko at pagtingin ko sa digital clock na nasa side table ko ay alas diyes bente na ng umaga. Sinubukan kong umupo at agad akong nakaramdam ng pagkahilo, atsaka ko lang napansin yung isang banig na gamot na katabi ng orasan.
"Oh, gising kana pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong sa'kin ni Mama na may dalang tubig sa may palangana.
"Ayos lang, medyo nahihilo lang" sagot ko. Umupo sa tabihan ko si Mama at walang sabi sabing inilagay yung temperature sa kilikili ko.
"Hindi ka kasi nakikinig sa'kin. Sinabi ko naman sa'yo na magpahinga ka pero puro ka gala kaya 'yan napala mo. Siguro naman magpipirmi kana niyan dito sa bahay" sermon ni Mama habang hinihintay tumunog ang digital temperature.
Dahil sa nabanggit ni Mama ang salitang gala ay tsaka ko naman naisip si Sebastian. Mga ganitong oras kasi nasa gubat na ako.
"Bakasyon Ma kaya gumagala ako, atsaka hindi naman ako lumalayo, pakalat kalat lang ako dito" depensa ko sa sarili ko.
"Binawalan ba kitang gumala? Hindi naman diba? Ang akin lang huwag puro gala, magpahinga ka din. Tignan mo ngayon 38.8 ang temperature mo" sabi pa nito habang winawagayway ang digital temperature sa harapan ko.
"Lagnat laki lang 'to" sabi ko nalang.
Pinunasan ni Mama ang katawan ko at pinapalitan ang suot kong t-shirt. Ang kwento niya nanginginig daw ako kaninang madaling araw at inaapoy sa lagnat. Mabuti nalang daw at nagising si Maica at sinabi sa kanya na mainit ako.
"Buti na nga bumaba na ang lagnat mo kung hindi dadalhin na talaga kita sa hospital. Pinakaba mo ako ng husto akala ko mangangawarenta pa ang temperature mo" sabi pa ni Mama at patuloy parin sa pagsermon sa'kin.
"Thank you sa pag aalaga Ma," sincere na sabi ko naman sa kanya. Tumingin naman ito sa'kin na puno ng pagmamahal atsaka ito ngumiti.
"Nagluto ako ng sinigang na baboy at dinamihan ko ng gabi, ipagdadala kita dito para makahigop ka ng sabaw. Mamayang alas onse iinom ka ulit ng gamot mo" sabi pa nito na ikinatango ko nalang.
Paglabas ni Mama ay umayos ako ng higa at inisip si Sebastian. Sigurado naghihintay yun sa'kin, bakit ba kasi wala siyang cellphone. "Hindi ko tuloy siya matawagan" bigkas ko. Napatingin naman ako sa pinto nang bumukas ay iniluwa doon si Maica at lumapit sa'kin.
"Okay ka naba Ate?" Tanong ni Maica na idinikit pa ang palad niya sa noo ko para malaman kung mainit pa ako.
"Oo okay na, kailangan ko lang matulog at magpahinga" sagot ko sa kanya
"Hindi ako sanay na makitang may sakit ka, gusto mo bang kumain? Ikukuha kita sa baba" sabi pa nito na nag aalala.
"Hindi naman kasi ako sakitin, grade five pa yata ako nung huling lagnatin ako" sabi ko at pilit na ngumiti. "Wala pa akong ganang kumain pero kakain ako mamaya, maiidlip lang muna ako sandali nahihilo kasi ako" sabi ko pa sa kanya
"Hmm, okay, tawagan mo'ko kapag may kailangan ka ha? Nasa baba lang ako" sabi pa nito. Tumango naman ako sa kanya at muling nginitian siya. Tinulungan pa niya akong makahiga ng maayos at kinumutan ako.
*****
Pagmulat ko ng mata ay nakita ko si Mama, ginising niya ako para maka kain at makainom ng gamot. Tinulungan pa niya akong bumangon at inilagay ang isang unan ko sa likuran para masandalan ko.
BINABASA MO ANG
My Dear Guardian (COMPLETED)
RomanceSa gubat na kung saan paboritong pinupuntahan para pasyalan ni Moira noong kabataan niya, nakilala siya si Sebastian. May pagka masungit at suplado ang binata pero hindi ito naging hadlang upang mahulog ang loob niya dito. Pakiramdam pa nga niya ay...