Sebastian's Pov
Pang sampung hagupit palang sa'kin ng kidlat dito sa tore ni Bathala kung saan pinamumunuan ng Diyos ng Kidlat. Nanonood din sa baba ang ibang mga Diyos at ang aking pamilya habang pinaparusaan ako.
Balot ng kadena ang mga kamay at paa ko at tanging nagagawa ko lang ay ang humiyaw sa sakit na dulot ng tama ng kidlat sa katawan ko. Tanging hiyaw ko nalang ang naririnig ko sa paligid kahit alam kong sumisigaw rin aking luhaang Ina na nakatingin sa'kin.
Sa pang dalawangpu't limang pagtama ng kidlat sa katawan ko ay halos mawalan ako ng malay. Kahit ang sumigaw ay hindi ko na magawa at nagmamanhid na ang buong katawan ko sa natamo kong pinsala.
Unti unti narin nanlalabo ang mga paningin ko at ng mapapikit ako ay nakita ko ang imahe ni Moira na nakangiti sa'kin. Muli akong nagmulat at kasabay nito ay ang panibagong hagupit sa'kin ng kidlat.
"Apat nalang" sambit ko upang palakasin ang loob ko. Hindi ako pwedeng sumuko dahil apat na tama nalang ng kidlat at matatapos na ito. Kailangan kong manatiling malakas dahil naghihintay sa'kin si Moira.
Nang matapos ang tatlungpung hagupit sa'kin ng kidlat ay tinanggal narin ang pagkakadena sa mga kamay at paa ko. Wala na akong natitirang lakas para tumayo kaya nagtuloy tuloy akong bumagsak sa lupa.
Mabilis akong nilapitan ng pamilya ko maging ng mga kaibigan ko para tignan kung ano ang kalagayan ko. Nakuha ko pang ngumiti ng makita si Ina na patakbong papalapit sa'kin at niyakap ako bago ako tuluyang nawalan ng malay.
*****
Nang magising ako ay ikinuwento ni Chelsea na tatlong araw na daw akong natutulog at mataas ang lagnat. Mabigat parin ang pakiramdam ko at masakit ang buong katawan. Ilang sandali lang ay dumating na si Ina ng malaman nitong nagising ako.
Tinanong ko kung ano ang nangyari sa tore at ng sabihin ng mga ito na nalagpasan ko ang parusa ay nagalak ako sa saya. Hinihintay lamang daw ng Banal na Diyos ang magising ako para makausap at maibigay ang basbas nito.
"Samahan niyo po ako sa Banal na Diyos ng makausap ko na siya" natutuwang sabi ko
"Magpahinga kana muna, hindi mo pa nga kayang tumayong mag isa" sabi naman ni Ina
"Kailangan ko na siyang makausap ngayon para malaman kung ano ang sunod kong gagawin. Naghihintay rin si Moira sa'kin sa gubat at siguradong nag aalala na siya sa'kin" sabi ko
"Huwag kang mag alala kay Ate Moira ayos lang siya. Pumunta ako kahapon sa mortal na lupa at dinalhan siya ng maraming pagkain at nagustuhan niya. Hindi siya nagtanong kung kumusta ka pero inunahan ko na siya at sinabi ko parin na nasa maayos ka" sabi naman ni Chelsea na kahit papaano'y ikinahinga ko.
"Anong sabi niya? Hindi naman ba siya galit?" Nag aalalang tanong ko
"Parang hindi naman pero mukhang may malalim siyang iniisip. Dati kasi napaka sigla niya kapag kausap ko siya pero kahapon ang tahimik niya at lagi ko siyang nakikitang nakatulala. Tinanong ko naman sina David at Ulysses at napansin din na nabawasan daw ang pagiging masigla niya." Kwento ng kapatid ko na lalong nagpa alala sa'kin kay Moira.
"Samahan mo'ko sa Banal na Diyos ng makauwi na ako kay Moira" pakiusap ko kay Chelsea
"Tignan mo ang batang ito mas inaalala pa ang nobya samantalang ako ang kasama niya" Sabi naman ni Mama
"Sigurado akong magugustuhan mo siya Ina kapag nakilala mo siya" nakangiting sabi ko
"Dahil sa sinasabi niyo ng kapatid mo tungkol sa kanya ay parang gusto ko na nga siyang makilala." Sabi naman ng akong Ina
BINABASA MO ANG
My Dear Guardian (COMPLETED)
Storie d'amoreSa gubat na kung saan paboritong pinupuntahan para pasyalan ni Moira noong kabataan niya, nakilala siya si Sebastian. May pagka masungit at suplado ang binata pero hindi ito naging hadlang upang mahulog ang loob niya dito. Pakiramdam pa nga niya ay...